Chapter 2

41 9 1
                                    

Hoodie


NAKARATING na ako sa bahay at sumalubong sa akin si Bernie, ang aming shitzhu dog. Ito ay super makulit, maliksi at higit sa lahat mahilig sa maisikip. Well, parehas lang kami ni, Bernie.

"Oh, baby bakit ka nandito?" tinitigan ko ito at binuhat nang makita ko itong naghihintay sa pintuan.

Binuhat ko lang siya hanggang sa papasok habang patuloy nitong dinidilaan ang aking kamay. Binubuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mabahong amoy ng bahay. Nilapag ko si Bernie sa sahig at tuluyan na bumukas ang pintuan.

Sumalubong sa akin ang makalat na gamit at tila maruruming plato simula pa kagabi. Hindi ko akalain na ganito matatagpuan kong bahay matapos kong mawala ng ilang oras lamang.

Hindi ako pwede mag inarte. Dahil hindi naman ako mayaman, hindi rin ako mapera at mas hindi ako sumusuko kaya mas pipiliin ko na lang kumilos.

Tumunog ang aking telepono kaya mabilis ko itong kinuha

0967×××××××
Tita Rosemarie

📱- Hello, bakla!

Bumungad sa akin ang pagsigaw ni Tita Rosemarie sa kabilang linya habang maingay ang paligid nito. As usual, na sa sugalan na naman siya.

Hello, Tita...

📱- Manahimik ka muna, pakinggan mo muna ako. 'Di ba may pera ka noong sumahod ka? Bigay mo nga sa akin ang lahat ng 'yan!

Nagpintig ang aking tenga at nagsalubong ang aking kilay sa narinig kong sinabi ni tita. Hindi ako sumagot dito ngunit narinig ko agad ang pagkairita nito.

📱- Bakla, huwag mo ako artehan kung ayaw mo mawalan ng bahay. Sumunod ka sa sinabi ko at dalhin mo na ang pera rito sa bahay nila Vanessa. Bilisan mo at natatalo na ako!

01:13
End Call

Iyan ang tunay na kulay ni Tita Rosemarie. Ang pinakita kong chat mula kay Liora ay ang pekeng chat gamit ang dalawang account ko. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong mag alala pa siya sa akin. Tama na ang ilang taon na pagiging mabigat at pabigat sa buhay niya kaya ayoko na malaman niya na hindi ako ayos at ang lahat ng mga nakikita niyang mababait sa akin ay malaman niyang peke.

"Hay nako, Bernie. Ikaw lang talaga ang kakampi ko rito," tumingin ako sa kaniya at nilambing ito. "Hayaan mo, kapag nakaalis na ako rito ay titiyakin kong kukunin at isasama kita kung saan man ako magpunta."

Binuksan ko na ang Bluetooth ng aking telepono sabay kinonek na ito sa speaker na maliit upang patutugin na ang aking paboritong kanta habang naghuhugas ng plato.


.ılılılllıılılıllllıılılllıllı.
Now playing: Oo by Up Dharma Down
0:24 ─●──────── -2:56
↻ ◁ II ▷ ↺

"'Di mo lang alam, naiisip kita, Baka sakali lang maisip mo ako," sabay ko sa tugtog habang dinadamdam ang magandang tinig at tugtog nito.

Nag umpisa na ako maglinis ng bahay. Nagwawalis habang nagpupunas ng sahig. Hugas ng plato habang nagpupunas ng lamesa. Pagtatanggal ng agiw habang pagpapalit ng kurtina. Sobrang dumi ng bahay at maari na akong makaipon ng isang baldeng pawis dahil sa paglilinis ko.

"Oh shit, chorus na Bernie," nilapitan ko si Bernie at binuhat ito. "Tara kanta baby."

"Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang, Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang," pagbanggit ko sa mga linya habang nakembot ang aking katawan. "Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan, Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam, Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam."

Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon