Chapter 7

9 3 0
                                    

Punch

NAPUNO lang kami nang tawanan ni Sorenn matapos nito magbiro sa kung gaano siya kasarap. I couldn't believe na ganito pala humor niya ngunit hindi niya magamit sa mismo niyang pamilya dahil sa expectation na bitbit niya.

I wonder how does it feel to him na mayroon ngang pamilya pero he's left behind out of it.

"But are you okay?" Out of the joke, bigla akong bumalik sa pagiging seryoso. To check him out since alam ko mabigat ang binibitbit niyang nararamdaman.

"Ano ba gusto mong sagot? The real one or the fake one?" tanong niya habang nakatingin sa aming dinadaanan.

Naramdaman ko na ang labas ng kanilang bahay na kung saan bumungad sa akin ang malalagong hardin sa labas habang ang mga tauhan nila ay abala sa pag aani ng mga ito.

"Bakit, kaya mo ba sa akin sabihin ang dalawang 'yan?" Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya na para bang bata.

"If you insist. Bakit ako tatanggi?"

Nakaramdam muli ako ng pamumula sa aking mukha habang nakatitig ako sa kaniya.

"But... you are like a tomato again," ngiti nitong sabi. Ang kalmado ng ngiti niya. Parang art na ang sarap titigan.

"Mainit kasi ang panahon," pagdadahilan ko at umupo sa upuan.

"Nagdahilan pa nga," wika niya nang natatawa at tumabi sa akin.

"Sige umpisahan natin siguro sa real one," panimula niya at tinuon ko naman ang atensiyon ko sa kaniya. "Kung totoong nararamdaman ko ang pag uusapan, siguro I'll go with the idea of alam kong okay ako pero yung tunay na nararamdaman ko ay parang hindi. It is more likely a confusion for me that ends up with a fake one na lagi kong pinapakita ay okay ako."

Naramdaman ko ang sa boses nito ang malungkot na tono. Kaya agad ko itong hinawakan para sa ganoon ay makaramdam siya ng presensiya na may taong handang makinig sa kaniya.

"But you know what?" tanong nito sa akin. Tanging ngiti lang ang binigay kong tugon sa kaniya. "I'll be able to master it. Feel ko nga makakakuha na ako ng doctorate e'."

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya.

"Ano sinasabi mo?" pagtataka kong tanong.

"I graduated as Master of Gaslighting Na Okay Ako, Major in Ayos Na Ayos Ako at Minor in Wala Iyon Ayos lang."

For a minute, I wonder kung ano sinasabi niya. Pero noong maintindihan ko na ay hindi ko mapigilan ang tawa sa sinabi nito kaya ako ay napatingin sa kaniya habang todo tawa ang lumalabas na tunog sa akin. Ganito ba humor ng mayayaman?

"You're cute."

"Ewan ko sa 'yo..." Ewan ko sa kaniya pero puso ko kinikilig na.

"Pero saang school ba 'yan para makapag makapag enroll na rin ako at makuha ang master degree na 'yan,"

"Naku, pati ba naman sa master ko ay tatalunin mo ako?"

We end up laughing to each other. Habang nakatingin ako sa kaniya na napaka sincere at genuine ang nakikita kong pagngiti at paglabas ng masayang tunog sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon