Lefevre
ANG sarap matulog sa isang magandang kwarto na kahit alam kong katulong lang ako e' sosyal ako. Magandang higaan tapos magandang atmosphere at malamig na kwarto. Super swerte ko!
Tinitigan ko si Bernie na mahimbing na natutulog malapit sa aking tabi. He's really adorable talaga kapag natutulog and all I can do is watch him sleeping beside me.
Biglang tumunog ang aking pinto dahil may kumakatok mula sa labas nito.
"Saglit lang po!" nagmadali ako pumunta sa pintuan at mabilis itong binuksan.
"Hello..." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang sumingit ito sa aking pagbati.
"You need to get ready. Familia Lefevre is now here."
Napalunok ako sa aking laway nang marinig ko ang apilido nila. Hindi naman ako nagsisisi na makakuha ako ng trabaho na ganito pero hindi ko maiwasan kabahan sa tuwing nadidinig ko ang apilido nila.
Inabot sa aking ang gray na damit at pantalon na black. They are just based colors at walang designs.
"Wala po bang other colors na damit bukod dito?" pagtatakang tanong ko habang hawak ko ang binigay na damit sa akin.
"Gray only, ganiyan lang din naman makikita ng alaga mo."
Nagsalubong ang aking kilay sa isa't isa at napatingin ako sa mga damit na hawak ko. Super plain niya tignan at super weird ng color combination niya.
I guess kakainin ko ang sarili kong ego, for my new job.
Maselan akong tao lalo na sa kulay pero kakainin ko ang kaartehan ko para sa pera. It's between money or the color taste I have.
"Sino po ba ang aalagaan ko?"
Tumingin ito sa akin at ngumisi. "Actually sino sino dapat ang tanong mo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Cath na magtri-train sa akin matapos niyang itama ang aking tanong.
"Sino sino?" tanong ko.
"You will know."
Umalis na ito sa aking harapan at sinarado ko na rin ang aking kwarto habang napalunok dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam ano gagawin ko. Hindi ko naman sila kilala pero siyempre hindi lang isa ang aasikasuhin ko, possible na dalawa, tatlo o apat or more.
Habang natulala ako sa sahig ay tumunog ang aking telepono.
0936×××××××
LioraTot📱- Nico! Kumusta ka na?
Sumalubong sa akin ang masigasig na tono at maingay na boses ni Liora matapos kong idikit sa aking tenga ang aking telepono.
Ang ingay naman ate!
📱- Miss na miss na kita!
Hindi ka magiging oa, nagkita lang tayo kahapon.
📱- Or should I say, mamimiss kita?
Nakaramdam ako ng lungkot sa tono ng kaniyang boses kaya nagtaka ako rito. Ang bilis ng shifting ng emosyon niya na parang siya lang makakagawa.
Huwag mong sabihin na...
📱- Yes, long distance relationship na tayo.
Anong long distance relationship?
BINABASA MO ANG
Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)
Roman d'amourSorenn Aldric Lefevre, known for his wealthy and prestigious Lefevre family, has long lived a life of privilege and success. However, a past loss to someone of humble origins, Nico Javier Reyes, has left a mark on his life. Fate brings them together...