Chapter 1

80 16 5
                                    

Friendship

NAGPATULOY ang aming pag uusap ni Liora. Though, I can't complain to her decision kasi alam ko na it's for her good sake. Para sa sarili niya at para rin sa kaniyang kinabukasan. If talking about her future, mas alam niya at kilala niya ang sarili niya kung anong mas nararapat at mas makakabuti sa kaniya. All I have to do is to support her, dahil alam kong tama ang desisyon niya kahit taliwas na ito sa kagustuhan ko.

"By the way, kailan ang alis mo?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Aalis ako kapag may sapat na trabaho ka na at may sapat na matutuluyan ka na."

"Don't mind me. I got myself here naman. Ang importante sa 'yo ay ang sarili mo."

"No, I won't allow that thing na sarili ko lang iisipin ko. Para na rin kitang kapatid, Nico. Gusto ko palagi kang ligtas kahit malayo or malapit man ako sa tabi mo."

Hindi ko akalain na ganito ang sweet side ni Liora. Swerte ko sa kaibigan dahil may ganito akong nakilalang tao na kung saan ang nais lang ay ang kaligtasan ko.

"'Tsaka nangako ako kay tita."

Namulat ang aking mga mata at tinitigan siya. "Nakausap mo si mama?"

"Matagal ko na itong hindi sinasabi sa iyo kasi nangako ako sa kaniya na hindi ko ipapaalam sa 'yo dahil ipapakita at ipaparamdam ko sa 'yo."

Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Dahil alam ko na kapag nalaman mo na tinutulungan kita dahil sa pangako ko sa mama mo ay alam kong hindi mo ito tatanggapin," ngumiti ito. "So I keep it a lie, kahit alam kong ako ang dehado sa huli."

Napatingin ako sa malayo habang ito ay nakatingin pa rin sakin.

"I am sorry, Nico. Nagsinungaling ako."

Ngumiti lang ako sa kaniyang harapan at niyakap siya ng mariin. "No need to say sorry, Liora. Instead, let me thank you. You are genuine and sincere with being my friend. Iba ka sa lahat ng dumating na kaibigan ko."

"H-Hindi ka galit?"

"Why would I?" tumingin ako sa kaniya na para bang nababalot ito nang pagtataka. "I know your intention, Liora. You just want the best for me at naramdaman ko iyon. Salamat, Liora. The best ka!"

Nagtawanan na kami matapos ang seryosong usapan. Nilabas ko na ang mga papel sa dala dala kong bag at umupo sa tabi ni mama.

"Siguro, Liora. Hindi na ako galit sa kaniya."

"Are you sure, Nico? I won't pressure you to tell me the truth now. Valid ang feelings mo, Nico. You are really valid."

"Yes, I am sure. After sa nagdaan na panahon ay hindi naman galit ang naramdaman ko sa kaniya," wika ko habang nakangiti at nakatitig sa harap ng puntod ni mama. "Tampo lang ang nararamdaman ko dahil sinekreto niya ang sakit niya sa akin."

Ang daya kasi ni mama. Nangako siya sa akin na kapag may problema, magsasabi kami sa isa't isa. Dahil dalawa na lang naman kaming magkasama. Wala na si papa at wala akong kapatid na nakilala.

Hindi ko nakilala si papa simula noong bata pa. Lumaki ako sa bisig ni mama na walang kinikilalang ama.

"Kaya ba ayaw mo na rin sumali sa mga contest sa school dahil sinisisi mo pa rin sarili mo?"

Huminga ako nang malalim at napaisip.

Matagal na ako simula noong hindi na ako lumalaban sa mga contest sa school kahit anong pilit ng mga teacher sa akin. Nawalan na ako ng gana simula noong mangyari ang insidente.

Beyond Colorless Wins (His Series #1 - On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon