"Hoy Weng! Lunch na. 'Di ka pa kakain?" Tanong ko sa kaibigan.
"Mamaya na. One chapter nalang promise. Kung nagugutom kana, pwedi kanang kumain. Susunod ako." Hay nako adik talaga ito sa wattpad.
"Sabay nalang tayo. Hindi pa naman ako gutom." Sambit ko. Hindi naman talaga ako gutom. Nandito kami sa library ngayon dahil may exam kami mamaya at magrereview ako. Sakto namang nandito din si Riegne upang magbasa ng wattpad.
"Ayain natin sina James!" Suhisyon ni Weng. Tumango lamang ako upang sagot.
Limitid bikus exclusib!
Itsmeriegne.: hoy Tara lunch sa labas ng univ.
Colaijmnz.:asan ba kayo?
Onlyjames.:kasama ko si colai.
Itspreng.: nandito kami sa library. Kita nalang tayo sa Gate.
Nag OK lang sila at umalis na kami ni Weng sa library. Nauna kami dito kaya hinintay pa namin sila.
"Uy Weng Tara na. Nandiyan na sila." Hinatak ko na siya paalis dahil nakita ko na kumakaway si James.
"Ang hirap ng calculus! Paturo naman ako engineer." Biro ni James kay Weng.
"Bwesit ka wag mo'kong tawaging engineer baka di magkatotoo. Patingin nga." Pinakita ni James kay weng ang lesson nila sa calculus.
"Ang dali naman pala eh. Eto multiply mo sa..." pagyayabang ni Weng. Hmp porket magaling sa math eh! Si weng ang matalino sa math, si Nicolai sa science, ako sa English pero sabi nila sa lahat ng subjects daw ako ang pinaka magaling samin. Hmp! 'Di ako naniniwala! Si James? Ewan ko sa lalaking yun.
"Preng, weng, 'di na kayo sasali sa journalism?" Tanong ni Colai.
"Busy ako eh. Andaming plates." Rason ni weng. Totoo naman kasi. Ang daming plates.
"Pero naiinclude ang wattpad sa schedule? HAHAHA. Siguro ako din. Hindi muna ako sasali dahil busy talaga ako." Sagot ko.
"Guys, may plano akong magpatayo ng coffee shop after graduation. Tapos si mommy ang ipapahandle ko sa pagpapatayo para engineer ako dun HAHAHA." Pagbibiro ni Riegne. Matagal niya ng gustong magpatayo ng coffee shop. Inspired daw siya sa isang character sa wattpad. Hay ewan ko ba?
"Ano naman ipapangalan mo sa coffee shop?" Tanong ni James.
"Amm 'our yesterday's cafe' inspired by Prosecutor Ciandrei Kyle Lopez oh, diba? Maganda ba?" Tanong ni Weng.
"Kaka wattpad mo yan eh. Pero oo maganda, diba?" Pagsasang ayon ko.
"OK naman." Nonchalant na sagot ni Colai.
"Maganda naman. Ikaw bahala. Sayo naman yun eh. Support nalang kami." Saad ni James.
"Tama. Tama!" Pagsang ayon ko.
"Anong gusto niyong kainin?" Pag iiba ni Colai.
"Ito nalang sa'kin." Turo ko sa ulam.
"May baon ako." Sabi ni James.
"Ito sa'kin." Turo rin ni Weng.
Kumain kami sa karendirya at bumalik narin sa school dahil may klase pa kami.
"Una na kami." Paalam ni Riegne. Sabay silang umalis ni Colai dahil same lang sila ng dadaanan. Magkalapit kasi ang building ng archi at engineering.
"Una na'ko." Paalam ko kay James.
"Sige. Kita nalang tayo mamaya." Tumango lang ako sa sinabi niya at pumasok na sa room.
Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako sa condo namin ni Riegne. Iisa lang kami ng condo namin ni Riegne. Malapit lang ang bahay nina James at Lai kaya hindi na sila nag condo.
Nang dumating si Riegne may dala itong pagkain. Nakapag saing narin ako.
"Punta daw tayong the girls mamaya sabi ni James. Wala namang class bukas. 9 pm daw." Tumango lang ako sa sinabi niya.
Inom na naman. Sabagay kailangan ko rin magliw-aliw. Nakakastress din sa school.
Mag aalas otso na kaya nagbihis na kami. Pagkarating namin sa bar ay nandoon na sila.
"Tara, pasok na tayo!" Masayang Saad ni James.
"Let's gooo!!!" Excited naman netong si Riegne porket inuman eh.
"Hoy! Tama na yan! Sayaw muna tayo dun oh. Pang sober up." Sigaw ko sa kanila dahil kanina pa sila inom ng inom.
Si Riegne ang pinaka high tolerance saamin. Kaya OK lang sa kaniyang uminom ng uminom. Kaya niyang uminom hanggang umaga.
"Hoy! Uwi na tayo lasing na ang nga boys! Kaya mo pa bang mag drive?" Tanong ko kay Riegne.
"Kaya ko pa. Sober pako." Mukhang maayos pa naman siya kaya pumayag nako. Tinulungan niya akong ilipat ang mga boys sa sasakyan niya.
Nakauwi naman kaming lahat ng maayos. Naligo muna ako bago humilata sa kama ko.
YOU ARE READING
Waiting for the right time... (Best Friends Series 1)
Teen FictionPrecious Kingsley is a nursing student in UP. She waits for a long time for her love to succeed. But how long could she wait? Nicolai Jimenez an archi student from UP. He's kind, handsome and smart. Could he wait for the right time too?