Nakita ko si Weng sa labas ng room kaya pinuntahan ko ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Panimulang tanong ko.
"Library tayo nandun na sila James!" Masayang sambit niya. Sumimangot ito ng umiling ako. "Bakit 'di ka sasama? Iniiwasan mo siya no?" Pagbibiro niya. Kaya hinampas ko ito.
"Hoy! Hindi 'no. Ano kaba? Tyaka bakit ko naman siya iiwasan eh MAGKAIBIGAN KAMI" Diniinan ko talaga sa pag sambit nang 'magkaibigan'. Natawa ito sa sinabi ko.
"Sus? Ako pa talaga ha? Ganyan na ganyan mga linyahan sa wattpad eh." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Hay ewan ko sayo. Umalis kana nga. Marami akong ginagawa." Umiling ito.
"Sa library mo na gawin. Please! Sige na!" Muli akong umiling.
"No! Ayoko nga busy ako. Bawi nalang ako." Umirap ito tyaka tumango.
"Sige. Sabi mo yan ah?" Ngumiti lang ako at tumango. Lumakad na ito paalis. "Ayaw mong sumama dahil iniiwasan mo siya!" Pahabol na sigaw nito at kumaripas paalis.
"Hoy!" Umiling lang ako at kalauna'y tumawa rin. Hay ewan ko ba sa babaeng yun.
Tama siya. Ayaw ko lang makita si Lai. Wala naman talaga akong gagawin kaya nag basa nalang ako ng libro.
Noong tapos na ang klase ko ay umuwi lang ako sa condo. Wala pa si Weng kaya chinat ko siya kung anong kakainin namin.
Itspreng:mag oorder ba tayo ng pagkain? Oh sa labas nalang?
Itsmeriegne:Ramen resto tayo. Libre ko.
Itspreng:nice.
Itsmeriegne:sa resto nalang ako maghihintay.
Nag 'ok' lang ako at nag bihis na. Umalis nako at pumuntang resto. Umupo ako sa katapat niyang upuan at nag order narin ng kakainin.
"So... bakit mo siya iniiwasan? Akala mo di ko alam na na iniiwasan mo siya? Teh bumalik ako sa classroom niyo at wala ka namang ginagawa! Nag babasa ka lang eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Shit. 'Di na talaga ako makakawala sa babaeng 'to.
"Oo na! Umiiwas nako. 'Di na talaga ako makakawala sayo." She smirk. She licked her lower lip and said...
"Of course. Sa dalas ba naman nating magkasama. Hay nako kung magsisinungaling kalang din, wag sakin. Kilala na kita teh. Sa kanila ka nalang mag sinungaling. HAHAHAHA." Pag bibiro pa nito.
"Ikaw nalang talaga kakampi ko." Napalingon ito sakin.
"Kakampi mo kaming lahat dito, OK? Nandito ako, si James, si Lai—kung may problema ka nandito lang kami OK?" Tumango lang ako.
"Oo na. 'Di na talaga ako—" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makitang may nag lapag ng bag sa table namin. "Oh. Hi Zxy." Nakangiting bati ko sa ka block ko.
"Uy. Bat ka... nandito?" Tanong ni Weng.
"Wala na kasing table. Pwedi ba'ko rito? Nakita ko kasi kayo kaya dito na'ko dumiretso." Luminga ako sa paligid at tama siya. Wala ng bakanteng upuan. Kaya pinaupo na namin siya.
"Wait... magkakilala kayo?!" Tanong ko. Nagkatinginan pa sila. Awkward na ngumiti si Riegne.
"Ah, ano kasi... nung nag aral ako sa library para sa exam namin, dumating sila nina Gelhean. Wala ding bakanteng upuan non kaya dun sila umupo ni Gelhean. Kina Sean naman sa kabila. Nag paturo lang siya sa calculus kaya ko siya nakilala. Hehe." Paliwanag niya kaya tumango lang ako.
"OK. 'Di nalang ako mag tataka kung—" natigilan na naman ako ng nilapag ng waiter ang order namin. "...Kung mag kakilala na kayo. Eh halos lahat sa campus kilala mo eh." Ngumiti siya at nag peace sign.
Hinintay nalang muna namin na makarating ang order ni Zxy.
"Oh bat di pa kayo kumakain? Lumalamig na yung Ramen." Umiling lang kami.
"Sabay nalang tayong lahat." Sagot ni Weng. Tumango lang siya.
Matapos kumain ay nag paalam na kami. Umuwi na si Weng at ako naman ay pumunta muna ng convenient store. Bumili ako ng popsicle at pumuntang counter. Mag babayad na sana ako kaso may naunang mag lapag ng pera sa counter. Napatingin ako at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko siya.
"Got you." Nakangiting sambit ng baritonong boses.
***********************************************
Guys sorry sa mga typo's hehe.
YOU ARE READING
Waiting for the right time... (Best Friends Series 1)
Fiksi RemajaPrecious Kingsley is a nursing student in UP. She waits for a long time for her love to succeed. But how long could she wait? Nicolai Jimenez an archi student from UP. He's kind, handsome and smart. Could he wait for the right time too?