CHAPTER FIVE.

14 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang pagaaway namin. Hindi parin nakauwi si Weng sa condo at hindi niya parin ako kinakausap. Si James lang at Lai ang nakakausap ko ngayon. Medyo naaawa ako kay Lai dahil wala siyang kaalam-alam sa ng yari samin nina Weng.

Ang mga nakakasama ni Weng ngayon ay sina Grace at Chariz mga kaklase din namin nung high-school. Nalulungkot ako kapag nakita ko siyang kasama ang mga ibang kaibigan niya. Pero ayos lang mukhang masaya naman siya at kasalanan ko naman.

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa room ng makita ko si Weng kasama si Grace. May tinitignan sila sa cellphone. Mapait akong napangiti ng makita ko siyang tumatawa. Noon ako ang kasama niyang tumawa habang naglalakad ngayon iba na. Nagpatuloy nalang akong maglakad pabalik sa room.

"Uy mukhang malungkot ka ata Preng?" Tanong ng ka block ko.

"Huh? Hindi ah. Pagod lang ako." Tumango nalang ito at bumalik sa kinauupuan.

Natapos ang klase ko at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Wala naman kaming masyadong ginawa pero feel ko pagod ako buong araw. Nagbihis nalang ako at natulog.

Pagkagising ko ay madaling araw na. Naguguton ako. Pumunta akong kusina at tinignan kung may pagkain. Kinuha ko yung dalawang itlog at prinito. Sunny side-up ito. Kinuha ko ang tinapay at pinalaman ang itlog. Tulala lang ako habang kumakain.

Bumukas ang pinto kaya natakot ako. Dahan dahan akong nag tungo sa pinto at nagulat ako nang makita si Weng.

"A-anong ginagawa m-mo dito?" Tanong ko. Bahagya pa itong nagulat nang magsalita ako pero nakabawi rin kaagad.

"Bakit? Bawal naba ko rito?" Umiling ako.

"H-hindi naman. Nagulat lang ako." Tanging sagot. Nakakatakot kasi ang matalim at malamig nitong titig.

"May kukunin lang ako. Aalis rin ako kaagad." Hindi na niya ako hinayaang makapag salita at tumungo na sa kaniyang kwarto.

Bumuntong hininga nalang ako at bumalik sa pagkain. Nakita ko siyang palabas na ng condo.

"Ingat ka." Nakangiting sambit ko at kumaway pa. Tinapunan niya lang ako ng tingin at lumabas na.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng hindi man lang siya sumagot at umalis kaagad. Hindi siya ang Riegne na nakasanayan ko. Tapos... parang namumutla siya. Hayst bahala na. Baka nilamig lang siya dahil galing siya sa labas. Tatanungin ko nalang sila James.

Mag aalas nuebe na ng nagising ako. Ten thirty pa naman ang klase ko kaya OK lang. Naligo lang ako at nag ayos. Nang matapos na at OK na lahat, umalis na ako. Ten twenty na nang makarating ako.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at minessage si James.

Itspreng: hoy bat parang namumutla si Weng? May napansin ba kayo?

Onlyjames: oo nga eh. Pero sabi niya stress lang daw siya. Andami kasi nilang ginagawa, sabi nung kakilala ko sa engineering.

Itspreng: ah OK. Pumunta kasi siyang condo kagabi. Ay madaling araw na pala yun. May kinuha lang tapos umalis agad.

Onlyjames: teka? Madaling araw? Anong kinuha?

Itspreng: oo madaling araw. Hindi ko alam basta umalis nalang siya kaagad.

Onlyjames: oh OK.

May napapansin akong kakaiba sa mga kinikilis ni Weng pero sabi nila James nakausap na daw nila si Weng at OK naman daw siya.

Hanggang sa lumipas ang limang araw na hindi ako pinapansin ni Weng.

Kakatapos lamang ng lahat ng klase ko five thirty na. Bumili lang ako ng pagkain sa isang fast food chain at umuwi na. Pagkapasok ko nagulat ako ng makita si Weng si sofa nanonood ng TV.

"Uy, nakauwi kana pala." Nilingon ako nito at bahagyang tumango at ibinalik ang tingin sa TV. "Kumain kana? May dala ako. Buti nalang at medyo marami. 'Di ko kasi alam na uuwi kana." Ngumiti ako sa kaniya habang nilalapag ang pagkain sa lamesa.

"A-anong dala mo?" Napangiti ako nang magsalita siya. Mukhang nahihiya pa.

"Ah, um-order ako sa isang fast food chain sa labas. Halika kain tayo!" Masayang sambit ko. Umupo naman siya sa tapat ko at nagsimula nang kumain.

Matapos kumain ay nagprisinta ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin.

"Maputla ka ah. Natutulog kaba ng maayos?" Bakas sa mukha ko ang pag aalala.

"Oo naman! Pagod lang ako. Marami kasing ginagawa." Pilit niyang pinapasigla ang kaniyang boses. Ngunit hindi niya ko maloloko. Magkaibigan na kami simula nung high-school.

"Kumakain ka din ba ng maayos sa inyo?" Tanong ko ulit.

"Oo, tyaka sige na. Matulog na tayo may class pa bukas. Bye! Good night." Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa isinara na niya ang pinto ng kaniyang kwarto.

Hayst. Bumuntong hininga nalang ako at umupo sa sofa.

"OK naman si Weng, right? OK, Precious, she's OK wag kanang mag overthink." Pagkausap ko sa sarili.

***********************************************

Hi. Sinipag ako today so... eto nalang yung pambawi ko dahil ilang araw akong walang update. HAHAHAHA. Baka sa susunod hindi na ulit ako makapag update araw araw dahil mabi-busy na ko HAHAHAHA. See you next chapter muahh🫶🫶

Waiting for the right time... (Best Friends Series 1)Where stories live. Discover now