CHAPTER FOUR

12 0 0
                                    

"San ka galing?" Bungad na tanong ni Weng.

"Ah, dyan lang, sa convenient store. Sige pasok nako." Tumango lang siya at sinundan ako ng tingin.

Natulog nalang ako noong gabing 'yon. Nagising ako kinaumagahan dahil sa alarm ko. Bumaba lang ako sa naligo na. Bibili nalang ako ng tinapay at kape sa labas.

"Oh? Aalis kana?" Tumango lang ako.

"Ah, oo maaga kasi klase ko ngayon." Sagot ko nalang at umalis na.

Bumili lang ako ng kape at dalawang tinapay. Pag pasok sa room tatlo palang kaming nandito. Ayaw ko lang talagang mag stay sa isang Lugar kasama si Weng dahil kukulitin lang ako nun. Halata naman sa tingin niya sa'kin. Mag tatanong lang yun kung San ako galing kagabi.

Nang mag simula na ang klase ay nakinig lang ako. Nag te-take down notes din ako. Noong lunch na ay lumabas ako at pumuntang cafeteria medyo marami nang kumakain dahil lunch time na. Bumili lang ako ng pagkain ko at umalis na.

Sa room ako kumain dahil gusto ko munang lumayo sa kanila. Medyo naguguilty ako dahil parang sinisira ko ang friendship namin dahil sa ginagawa kong pag iwas.

"Precious, si Riegne nasa labas." Tumango lang ako at nag tungon na sa labas.

Nagulat ako ng hilahin niya ang braso ko at dire-direstsong naglakad papunta sa pinakadulo ng hallway.

"Ano bang problema mo?! Iniiwasan mo si Lai tapos dadamayin mo kami ni James? Don't play dumb Precious! Pwedi mo naman akong sabihan eh na 'ayaw kong sumama dahil nandiyan siya.' Sasamahan naman kita eh. Kaso pinapairal mo nanaman yang katangahan mo! Noong high school, parati namang nangyayari to Ah? Di ka naman umiiwas samin." Nakatitig lang ako sa sahig. May tumakas na isang butil ng luha saking mga mata.

"Sorry, hindi ko naman gustong gawin to eh. Naguguilty na nga ako, pero wala akong magawa kundi ang lumayo. Sorry." Umiiyak na sabi ko.

"Uuwi muna ako. Sa bahay ako matutulog for a week. Ayaw muna kitang makita o makausap. Galit ako sayo. Naiinis ako sayo. Kausapin mo si James, hininhintay ka lang niyang magsorry. Alam niya na din ang tungkol sa inyo." Umalis na ito sa harapan ko pero nanatili parin akong nakatingin sa sahig habang lumuluha.

Umuwi akong wala sa sarili. Walang tao sa condo. Patay lahat ng ilaw pag dating ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at humiga. Umiyak ako nang umiyak. Nasisira na ang pagka kaibigan namin dahil sakin. Nasasaktan ko na ang mga tao sa paligid ko. Ilang oras pa akong nanatili sa kwarto ko. Lumabas ako para kumain. Mag aalas diyes na, hindi pa ako kumakain. Halos mag aapat na oras din akong nagkulong sa kwarto.

Pag katapos kong kumain nag half Bath lang ako at nagbihis na. Kinuha ko ang phone ko at minessage si James.

Itspreng: pwedi ba tayong mag usap?

Onlyjames: may gana kapa palang makipag usap?

Itspreng: I know. That why I want to talk to you.

Onlyjames: buti naman na isipan mo pa 'no? Sige. Usual.

Hindi na ako nag reply. Umalis na ako at pumuntang cafe. Naka t-shirt at shorts lang ako.

Mas malapit ang bahay ni James kaya nauna siya sakin.

"Buti may gana ka pang maki pag usap after ng pag iwas mo samin." Sarkastiko nitong sabi at napailing nalang.

"Sorry about sa nangyari. Iniisip ko lang na baka mabawasan yung nararamdaman ko sa kaniya kaya ako umiwa-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marahas niyang nilapag ang baso.

"Tangina, dahil lang sa kaniya kaya mo kami iniwasan? Dinadamay mo nanaman kami dyan sa katangahan mo Preng. Hindi naman tayo ganito dati ah?" Frustrated nitong sabi.

"I'm sorry." Halos pabulong kong sabi.

"Gumising ka Precious! Ang talino mong tao pero ang tanga mo pag dating sa kaniya." Umiling ito at tumayo na handa ng umalis nang mag salita ako.

"Alam niya na?" Umiling ito. "Huwag niyo nang ipaalam sa kaniya ang nangyayari satin. Sorry, ulit. Sana hindi masira ang pagkakaibigan natin. Nasisira naba?" Humarap na ito sakin.

"Mas lalong sisira kong patuloy kang iiwas." Yun ang huling sinabi niya bago siya umalis.

Wala sa sarili akong umuwi. Pagkarating ko, dumeretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Nakatulala lang ako sa kisame. Malalim ang iniisip. Mahigit isang oras akong tulala hanggang sa tumunog ang aking cellphone.

Limitid bikus exclusib!

Colaijmnz: tahimik natin ah?

Itsmeriegne: nandito ako sa bahay naglalaro kami ng kapatid ko.

Onlyjames: may ginagawa ako.

Itspreng: busy ako.

Colaijmnz: palagi ka namang busy preng eh. Anong ginagawa mo James?

Onlyjames: basta. Sige na tatapusin ko lang 'to.

Colaijmnz: OK. BTW, bakit ka nasa inyo Weng? Wala ka sa condo niyo?

Itsmeriegne: ah wala. Pinatawag ako ni mommy.

Naguguilty ako dahil nag sisinungaling kami kay Lai. Wala naman akong magawa dahil ako naman ang nag sabi na huwag sabihin sa kaniya.

Hindi ko na mabilang kung naka ilang buntong hininga naba ako.

Huwag kang magpaapekto Precious. Gawin mong normal ulit ang lahat. Nasasaktan mo na sila. Huwag kang tanga.

Huwag kang tanga.

Huwag kang tanga.

Paulit-ulit na kong sinasabi saking isipan. Hanggang sa dalawin na ako ng antok.

***********************************************

Sorry for the late update guys. Busy lang talaga ako. Sobrang dami kong ginagawa. Hope you understand.

Waiting for the right time... (Best Friends Series 1)Where stories live. Discover now