CHAPTER SEVEN.

3 0 0
                                    

It's been almost a week since umuwi ako sa bahay. Today is Friday and nandito kami ngayon sa The Girls. Marami na ang dumadayo sa table namin dahil kay Weng. At marami na din akong pinaalis. Hindi naman ito pinapansin ni Weng. Panay inom lang ito.

"Uwi na tayo!" Sigaw ko dahil hindi na kami magkaintindihan dahil sa malakas na music.

"HA?!" Sigaw balik ni Weng.

"Umuwi na tayo! Pag malalasing 'to lagot nanaman tayo." Sigaw ko ulit.

"'Di 'yan."

Mayamaya ay umuwi na rin kami. Nalasing nanaman yung mga boys. Siyempre hindi ako nalasing, dinaya ko sila eh.

Naka uwi naman kaming lahat ng ligtas.

"Uuwi muna ako samin bukas ng umaga. May kailangan lang akon kunin sa bahay. Pero sa Sunday ng gabi siguro ako uuwi. Okay lang bang ikaw lang mag-isa dito? Hindi ka ba uuwi ulit sa inyo?" Basag ni Weng sa katahimikan.

"Okay lang naman sakin. Saka hindi ako uuwi, marami akon gagawin." Nag nod naman siya sakin. "Sige na. Mag pahinga kana. Kamustahin mo nalang ako kila tita ha?" Ngumiti naman siya at pumasok na sa kwarto niya.

Kinabukasan, nakita ko si Weng na nag-aayos na. Paalis na siguro siya.

"Good morning. Kumain kana?" Bati ko sa kaniya.

"Good morning din. Ah oo kunain na ko. Aalis na rin ako. May pag kain pa dito. Kumain kana." Ngumiti ako sa kaniyang sinabi.

Umupo na rin ako at nag sandok na ng kanin.

"Alis nako. Bye, ingat ka!" Paalam niya at humalik sa pisngi ko.

"Sige. Bye, ingat ka rin!" Umalis na din siya kalaunan

After kumain, naligo ako at nag simulang mag linis ng bahay. Hindi naman siya makalat o magulo. Hinugasan ko na rin yung mga pinaggamitan namin mga plato at kaldero. Matapos mag linis, kinuha ko na yung mga kailangan ko sa pag-aaral. Kailangan kong intindihin lahat ng mga diniscuss ng mga profs namin.

Tinignan ko yung orasan sa table ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 12:30 pm na. Tumayo ako at tumungong kusina. Tinignan ko yung ref kung may pweding lutuin.

Hotdog at itlog nalang ang niluto ko dahil tinatamad ako. May kanin pa naman na natira kanina at pwedi pa namang kainin 'yon. Wag ng maarte! Maraming tao ang nagugutom.

Nilinis ko lang ulit yung pinagkainan ko at umupo sa couch. Nanonood ako ng movie sa Netflix nang biglang mag ring ang phone ko. Si Weng, video call. Sinagot ko iyon at bumungad sakin ang napakacute niyang kapatid. Si Rylee. Babae siya.

"Hi! Kamusta ang bebe na 'yan? Aw sana nakapasyal ako diyan." Masiglang bati ko.

"Hello! Okay lang po. Ikaw po?" Tanong ng cute niyang boses.

"Okay lang din. Asan pala ate mo?" Tanong ko.

Binigay niya kay Weng ang phone.

"Kamusta ka diyan sa condo?" Tanong niya.

"OK lang naman. Mamaya na'ko mag aaral ulit." Ngumiti ako.

"A-ahm ano pala. K-kasi... ano."

"Hoy! Umayos ka nga! Ba't ka ba natural?" Inis na sabi ko.

"Ano, k-kasi tumawag ako kay Lai at James. Sabi ko puntahan ka nila dahil mag isa ka lang diyan. Sabi ni James "oo" daw. Baka diyan na din siya matulog para nay kasama ka. Pero..." Nag aalangan siyang magpatuloy.

"Pero?" Tanong ko.

"Si Lai kasi." Si Lai? Pabitin naman 'to oh!

"Bakit? Ano si Lai?" Kunot noong tanong ko.

"H-hindi daw siya p-pupunta." Mas lalong kumunot ang noi ko dahil sa sinabi niya.

Bakit. Bakit hindi siya pupunta? Bakit hindi niya ko pupuntahan

"Bakit daw?" Nanlumo ako bigla.

"Mag k-kasama sila ni Hanna. May pupuntahan daw. 'Yan yung sabi niya sa tawag. T-tignan mo din post niya at ni Hanna, sa IG." Alam kong nararamdaman ni Weng ang lungkot ko. Kahit mag kalayo kami. Halata naman kasi sa itsura ko. Ibang klase din maki ramdam 'tong babae na 'to eh.

"A-ah ganun ba? S-sige OK lang. Pupunya naman si James diba?" Tumango lang ito.

"Anong 'ok' ka diyan? Sipain kita eh. Wag mo nang itago. Wag kang mag-alala kakausapin ko siya at pipiliting pumunta diyan. Sisipain ko siya pag 'di ka niya inuna. Joke lang!" Natawa nalang ako sa inaasta niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko.

"Sige na. May gagawin pa 'ko. Ingan ka—kayo ha? Sige babye!" Ngumiti ito at nag paalam din.

"Sige ingat ka rin. Bye!" Pinatay niya ka ang tawag.

Napabunting hininga nalang ako. "Hayst. Ang lapit lapit mo lang, pero ang hirap mong abutin." Bulong ko sa sarili—teka?! Napahugot ako dun ah?!

May nag door bell at nakita ko si James na may hawak na dalawang milktea at pizza!

"Uy andiyan kana pala. Halika pasok ka." Ngumiti naman siya at pumasok. "Wow! May pa milktea at pizza kapa ah? Libre mo 'to? Naks naman." Umiling naman siya at siyang ipinagtaka ko.

"Si Lai. Sabi niya dalhin ko daw 'to sayo pambawi dahil hindi siya makakapunta. Kasama niya pala si Han—" pinutol ko ang kaniyang sasabihin.

"Alam ko. Huwag mo ng banggitin."

***********************************************

Hi guys! Sorry na sa late upload. Sobrang busy lang talaga sa school. Lalo na nung intrams tyaka nung municipal meet. Wala na akong time. Hope y'all understand. Pag hindi na hectic yung sched ko tuloy tuloy na yung update. Almost 2 months na pala HAHAHAHA.  Bawi nalang ulit ako ha? Magiging busy kasi ulit ako dahil may foundation day at provincial meet pa huhu. See ya!


Waiting for the right time... (Best Friends Series 1)Where stories live. Discover now