“Hello Sab?” She heard her dad’s voice after answering his call.
“Yes Dad? You called? What time na dyan? You should sleeping by now” wika niya.
“Mangangamusta lang hija, how are you there?” He said.
Hearing his dad’s voice makes her heart clinched a bit. Her dad is very hands on simula nung malaman niya na hindi niya ito tunay na anak, even when he’s in Canada right now ay hindi nakakalimutan tumawag.
“I’m fine dad, ikaw kamusta ka dyan? Kailan ka uuwi?”
“Still have a week to stay here anak, may meeting pa kami sa makalawa and on sunday after that I will fly back home there na”
“Sure daddy, just take care of yourself there huh? I’ll hung up na the call so you can rest. Love you dad!”
“Love you too Sab, can we talk when I got home anak?”
“S-sure dad”
Pagkababa niya ng tawag ay agad na binagsak ni Sab ang sarili sa kanyang kama. Sasabihin na ba ng daddy niya ang totoo sakanya? If that’s so, pwede na ba niyang hanapin ang tunay niyang mga magulang?
_______
“Sab nagreply na ba sayo ang Tita Irene mo?” Jean asked her bestfriend Sab who’s looking at the hallway from time to time.
“Not yet Jean, hindi rin niya sinasagot tawag ko” she said na para bang nawawalan na ng pag-asa na makakadalo si Irene.
Meeting ng mga magulang nila ngayon at naipangako sakanya ni Irene na pupunta siya pero mag aalauna na at malapit na magstart ang meeting wala pa rin ito.
Halos lahat ng magulang ng mga kaklase niya ay nasa loob na ng silid at naghihintay nalang na magsimula ang meeting.
“Baka nalate lang”
“I don’t know, siguro nga” she sighed.
Her phone rang and Its Irene, parang nabuhayan si Sab at agad na sinagot ang tawag nito.
“Hello Tita? Where are you na? The meeting will start na in a few minutes” she said.
“Sab hija, I’m so sorry but I think I can’t make it sa meeting sa school niyo. Something came up and I need to take care of it hija. Babawi ako promise, pasensya na talaga” worried na tono ni Irene.
Napangiti ng mapait si Sabrina and nodded her head as if naman na nakikita siya ni Irene. “Oh ganun po ba? Sige po” hindi niya maitago ang disappointment sa tono niya.
“Sorry talaga Sab—”
“Okay lang po Tita alam ko rin naman po na busy kayo nagtry lang ako baka sakali hihi. I’ll hung na this call po, bye” she said and ended the call immediately.
Nakatingin sakanya ang kaibigan na para bang nag-aalala ito kaya mas pwinersa ni Sab ang sarili na ngumiti. “Oh what’s with that look?” She asked kahit alam naman niya ang sagot.
“Look, Its okay alam ko naman ns busy siya. Pupunta dapat yun pero may biglaan atang gagawin. Kaya wag mo na akong tignan ng ganyan dahil okay lang” she said and pretend that everything is okay.
Parang hindi parin kumbinsido si Jean kaya ngumiti na si Sab at hinila ang kaibigan papasok sa room nila para dun mamalagi habang nagm-meeting ang mga parents nila.
Around 4pm when the meeting adjourned, sumabay na si Sab sa paglalakad palabas ng school at inihatid na rin nila ito sa bahay nila dahil walang magsusundo sakanya.
Napakunot noo si Sab nang madatnan sila Nanay Helen na bitbit ang maleta pababa ng hagdan.
“Nay? What is happening po? Where are you going?” She asked.