21

344 36 13
                                    

“Sab ano ba? Where the hell are you? Tito Greggy called and asking me kung anong oras matatapos ang group work natin. Gosh Sab, wala tayong group work na gagawin” nag-aalalang boses ni Jean nang sagutin ni Sab ang tawag niya. 

“What did you say to daddy then?” Sab plainly asked Jean, she heard her sighed. 

“I told him na hindi pa sigurado kung anong oras matatapos kahit na wala ka naman talaga rito sa bahay. Where are you?”

“Im fine Jean, uuwi rin ako sa amin mamaya. Nagpapalipas lang ng oras” she said. 

“I’m asking you kung nasaan ka”

“Ang mahalaga okay ako, Jean. I’ll text you later once na makauwi na ako”

“Gosh Sab, don’t be a hard headed girl. Malaki ka na at alam mong delikado na ngayon. Its past five Sab, at maya maya magdidilim na. Umuwi ka na”

“Before 6 uuwi na ako promise. I’ll hang this up na okay? Thanks Jean” she said and ended the call. 

Itinago niya ang phone niya sa bag niya at muling niyakap ang mga tuhod habang nakatanaw siya sa City Lights. 

Madilim na nga sa paligid pero okay lang, unang punta naman niya sa lugar na ito ay gabi na rin. Mabuti nalang pala at pinakilala ni Governor Imee ang lugar ma ito, nagkaroon ng bagong tambayan si Sab para maglabas ng sama ng loob at magpakalma ng sarili. 

Hindi siya pwedeng umuwi na hindi okay kasi malalaman nila na may problema siya. Mahirap na, baka malaman pa ng daddy niya na alam niya na ang totoo. 

Her mind was clouded with a lot of thoughts. She badly wants to spill everything to her dad and asked him things pero natatakot siya. Hindi niya alam at hindi pa siya ready sa kahihinatnan ng lahat. 

Naubos na rin ata ang luha niya kakaiyak kaya kahit na sobrang mabigat ang loob niya ay halos wala ng luha ang pumapatak.

Half an hour before 6pm when she decided to go home. She was about to stand up when she heard some footsteps walking near her. Agad siyang nakaramdam ng pangamba and was about to hide when she saw a figure of woman. Madilim na kaya di niya pa agad ito namukhaan. Her eyes widened when she saw Irene. Pareho ata silang nagulat nang makita ang isa’t isa dahil maski si Irene ay napahinto sa paglalakad nang makita siya.

“Sab? What are you doing here? Akala ko ba may group work kayo kila Jean? Mag-isa ka lang ba? Paano mo nalaman ang lugar na ito?” Kalmado pero tuloy tuloy na tanong ni Irene sakanya. 

Sab smiled weakly at her, “isa isa lang po ang tanong tita. I knew this place because of Gov Imee. She introduced this place to me kasi sabi niya nung mga panahong wala kayong matakbuhan dito kayo tumutungo. You’re the first one who found this place right?” Tumango si Irene at tumabi ng upo sakanya. 

Pareho na silang nakaharap sa city lights, pinagmasdan ni Sab si Irene at nakita niya ang hint ng lungkot sa mga mata nito. 

“Are you okay? Why are you here Tita? Gov told me na pumupunta lang kayo rito pag malungkot o may problema kayo?” Sab asked. 

“May mga tanong pa akong di mo nasasagot, Sab. Bakit ka nandito at wala sa bahay nila Jean?”

“I lied, I’m sorry. I don’t wanna go home yet kaya when dad call me kanina I told him na pupunta ako kila Jean for our group work”

“Alam mo bang delikado na pumunta mag-isa rito? Sab maggagabi na oh, hindi ka ba natatakot?” Umiling si Sab. 

“Ewan ko ba tita, wala na ata akong kinatatakutan” she joked and laughed a bit. Irene remained serious. 

Taming A Cold HeartWhere stories live. Discover now