Kabanata 7: Ang Kapatid na Naka-Maluwag na Pantalon at Tsinelas

6 0 0
                                    

Malapit nang magtanghali nang magising nang masama si Bai Luo Yin dahil sa isang tawag sa telepono.

Nang sinagot niya ang telepono, agad na sumalubong ang masigla at masayang boses ni Yang Meng sa kabilang linya.

"Hoy, bro! Natutulog ka pa ba? Pasukan na ngayon. Nakatalaga ka sa klase 27. Bilisan mo at magparehistro ka na. Sigurado akong magkakaroon ka ng malaking, nakakatuwang sorpresa."

Umupo si Bai Luo Yin. Hindi pa nawawala ang pagkabigla na naramdaman niya dahil sa biglaang tawag ni Yang Meng. Habang naaalala niya na magsisimula na naman ang pasukan, lalo siyang nadismaya. Ang iba pang mga estudyante ay nakaupo na sa loob ng klase, samantalang siya ay nasa bahay pa, dahan-dahang nagsusuot ng kanyang mga damit imbes na magmadali.

Habang papunta sa paaralan, nakaramdam si Bai Luo Yin ng kakaiba sa kanyang mga paa. Nang tumingin siya pababa, napagtanto niyang nakatsinelas pala siya papunta sa paaralan.

Wala na, nakalayo na rin naman ako. Ayoko nang bumalik ng bahay.

Tinulak ni Bai Luo Yin ang pinto at pumasok sa klase 27, isa sa mga klase sa pangalawang taon ng high school.

May isang patakaran. Ang huling estudyanteng darating sa klase ay siguradong makakakuha ng pinakamalaking atensyon mula sa lahat ng estudyante, at si Bai Luo Yin ay hindi naiiba.

Gayunpaman, hindi pa rin alintana ni Bai Luo Yin ang nangyayari. Huli na siyang dumating sa klase, ngunit sa halip na magpaliwanag, diretsong naglakad siya papunta sa huling bakanteng mesa, hinila ang upuan, at umupo. Buong panahon, kalmado at mahinahon ang kanyang ekspresyon.

Dahil sa kanyang pag-uugali, sinipulan at pinagtawanan siya ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanya.

Hindi maintindihan ni Bai Luo Yin kung bakit siya pinagtatawanan ng mga estudyante sa paligid niya. Hanggang sa ipinaliwanag sa kanya ng lalaking estudyante na katabi niya ang dahilan ng kanyang kalituhan.

"Sayang, may napakagandang pagkakataon kang pinalampas kanina."

Gayunpaman, mukhang hindi interesado si Bai Luo Yin. "Anong pagkakataon?"


"Makikita mo rin."


Iniangat ni Bai Luo Yin ang kanyang mga mata at tiningnan sandali ang mukha ng kanilang homeroom teacher. Ang guro na ito ay isa sa mga may pinakamataas na posisyon sa paaralan. Siya ay sobrang ganda, at tuwing may matagumpay na nagagawa ang paaralan, kadalasan ay dahil siya ang kinatawan. Lahat ng lalaking estudyante ay umaasang maging estudyante niya.


"Kung ako ikaw, tiyak na gagamitin ko ang pagiging late ko bilang dahilan para humingi ng paumanhin sa kanya. Magpapalapit ako at magiging magkaibigan kami."

"Kung babasagin mo ang mesa, siya mismo ang lalapit sa'yo at magiging kaibigan mo."

Ngumisi lamang ang lalaking estudyante bago sumagot, "Hindi ko kakayanin gawin 'yon."

Sa puntong iyon, naintindihan na ni Bai Luo Yin kung ano ang ibig sabihin ni Yang Meng na "nakakatuwang sorpresa." Lumalabas na ang sorpresa ay ang babaeng guro na ito. Sa totoo lang, hindi interesado si Bai Luo Yin sa mga matured at magagandang babae, lalo na't kahawig pa ng kanyang ina.

Habang inaayos ni Bai Luo Yin ang kanyang mga gamit, nahulog ang isa niyang ballpen sa sahig. Habang yumuko siya para kunin ang ballpen, aksidente niyang napansin na ang lalaking estudyante sa harap niya ay naka-tsinelas din papunta sa paaralan. Hindi lang iyon, naka-maluwag na pantalon din ito. Wow, talagang flashy siya kung gusto niyang magpakita.

"Mga estudyante."

Nang magsalita ang guro gamit ang mapupula niyang labi, agad na naging tahimik ang buong klase na halos maririnig mo na ang pagbagsak ng karayom. Lalo na ang mga lalaking estudyante. Sa mga sandaling iyon, hindi man lang sila naglakas-loob na huminga nang malalim.

"Ako ang inyong homeroom teacher. Ang pangalan ko ay Luo Xiao Yu, at ito ang aking numero ng telepono." Humarap ang guro sa pisara at isinulat ang kanyang numero ng telepono, "Hindi ko pa kailanman ibinigay ang numero ng telepono ko sa ibang mga klase. Kaya, dapat kayong maging proud."

Malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa silid-aralan.

May dalawang estudyante lang ang hindi sumulat ng numero ng telepono. Isa na dito si Bai Luo Yin. Sa katunayan, siya ang pinakamatalino dahil kahit kailan ay hindi matawagan ang numerong ito. Pero siyempre, iyan ay isa pang kwento na ikukwento sa susunod.


Nagpalit-palitan ang mga estudyante sa unahan upang ipakilala ang kanilang mga sarili.


Nang sa wakas ay dumating na ang oras para sa lalaking naka-maluwag na pantalon at tsinelas, lalo pang nagtuon ng pansin si Bai Luo Yin sa kanya.

"Galing ako sa Tianjin, ang pangalan ko ay You Qi [1]."

Naghihintay pa rin si Bai Luo Yin na sabihin niya ang kanyang pangalan, ngunit naglakad na agad ito palayo nang may pormang galaw. Nanatiling nakatitig si Bai Luo Yin, nagulat ng sandali bago tahimik na nagreklamo sa sarili, "'Ang pangalan ko ay espesyal?' Ano bang mali sa pangalan mo? Hindi mo pa nga sinabi sa amin, pero naglakad ka na agad palayo!"

Gayunpaman, nang itinaas ni Bai Luo Yin ang kanyang ulo, napansin niyang ang dalawang salitang nakasulat sa pisara ay "You Qi."

Mukhang ang pangalan niya talaga ay "You Qi."

Agad na napahawak si Bai Luo Yin sa kanyang noo. Sa kabutihang-palad, walang nakarinig sa kanya na nagmamaktol sa sarili kanina. ---[1] 'my name is You Qi': Ang "You Qi" ay nangangahulugang "espesyal," kaya inakala ni Bai Luo Yin na ang ibig sabihin ng lalaki ay espesyal ang pangalan niya.

你丫上瘾了 [Are You Addicted?] Tagalog TranslationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon