Kabanata 6: Matandang Mag-asawa na Kaibig-ibig!

95 3 4
                                    

你丫上

(Are You Addicted?)

Kabanata 6: Matandang Mag-asawa na Kaibig-ibig! 

Author: Chai Jidan

Translator: emman_desu

English Proofreader: emman_desu

***********************************************

Ang BL drama na "Addicted" ay hango sa nobela na ito.

***********************************************

"Ano? Gusto mong limipat?"

Tumango si Guhai, "Sobrang lapit lang sa bahay ang eskuwelahan ko, at sapagkat lilipat na ako, medyo mahirap pag walang masasakyan."

Medyo na bigla si Fang Fei sa mga salita ni Gu Hai, "Sinabi mo bang lilipat ka na?"

Umupo si Gu Hai at dahan-dahang sumandal sa cabinet habang simpleng nag sindi ng sigarilyo bago sumagot, "Nag away kami ni papa."

Inagaw ni Fang Fei ang sigarilyo sa kamay ni Gu Hai, "Ang bata-bata mo pa para magsigarilyo, sasabihin ko sayo ito, ang paninigarilyo ay maaaring makaapekto sa pag bibinata."

"Hindi na ako binata."

Hindi sinasadyang mapatingin si Fang Fei sa bandang ari niya, pero madali niyang iniwas ang kanyang pagtitig at nagkunwaring walang nangyari at nagsimulang magsalita.

"So, anong eskwelahan ang hanap mo?"

"Dito mo ako tutulungan."

"Sabi ko na nga ba, hindi mo nakikita kung ano ang maganda sa'kin."

Napangiti si Gu Hai, "Ikaw lang ang pamilyang maaasahan ko ngayon."

Naantig si Fang Fei nang marinig ang mga salitang iyon. Parang kapatid na niya si Gu Hai; palagi siyang sinusundan nito kung saan siya pumunta. Kahit malaki na sila, parehas parin, hindi mahalaga kung ano, hahanapin siya nito.

"Sa totoo lang, may naging kaibigan ang asawa ko na nagkataong isang prinsipal."

"Dalian mo at tulungan mo ako."

"Teka," Hinawakan ni Fang Fei ang kamay ni Gu Hai, "Kailangan ko munang sabihin sa'yo, ang eskwelahan na'to ay hindi top rated, ang pag-tuturo ay hindi magaling kumpara sa pinapasukan mo na eskwelahan ngayon; sabagay, medyo hindi naman masama."

"Basta't makapag-aral ako diyan, pinapaubaya ko na lahat sa'yo."

—–

Bago pa lang binuksan ni Bai Luo Yin ang computer niya at nakalog-in sa email niya; puno ng spam ang inbox niya ng spam na mahigit sa dalawampung di pa nababasang email galing sa address sa ibang bansa, at galing lang sa iisang tao... Shi Hui.

Bura, Binura niya lahat.

Kung gusto niyang tapusin ito, gagawin niya na walang bakas na matitira.

"Xiao Yin ah~ Halika dito."

Pagtawag ni Lola Bai sa kabilang kwarto.

Agad-agad na tumayo si Bai Luo Yin at lumakad papunta sa kwarto ng Lola niya.

Nakaupo sa sopa si Lola Bai, mala Budha na maliit at mabilog ang anyo; kung di siya nagsalita, Mag aakala ang lahat na malusog at nasa maayos na pag-iisp siya. Pero pag nagsalita na, nakakatakot ito.

"Xiao Yin ah, hiwaan mo nga ako ng mansanas."

[T/N: Gumamit siya ng "" (kan, taga/hiwa: kadalasang ginagamit kapag tumutukoy sa pagputol ng kahoy/puno) sa halip na "" (qie, cut/slice)]

Sanay na si Bai Luo Yin sa mga ktagang iyon, kinuha niya agad ang mansanas at nagsimulang balatan ito. Nang malapit na siyang matapos, di na makapaghintay si Lola Bai; kumha siya ng balat ng mansanas na may binubulong sa bibig, at nilagay niya ito sa kanyang bibig.

Sinubukan niyang pigilan siya, "Lola, huwag mong kainin 'yan."

"Makapal, makapal."

[T/N: Ang ibig niyang sabihin ay naghihiwa siya ng medyo makapal na layer na balat sa mansanas.]

Naintindihan ni Bai Luo Yin ang Lola niya na medyo makapal ang pag hiwa niya ng mansanas.

Noong nakaraang taon, ang lola niya ay masyadong madaldal; sa panahon ng mga pagtitipon ng pamilya, maririnig mo ang kanyang boses. Sa oras na iyon, sobrang madaldal na tao si lola Bai, walang laban ang sampung tao sakanya.

Sa pag sisimula ng taon na ito, na admit si lola Bai sa ospital dahil sa pulmonary embolism, at mayamaya'y nag porma ng thrombosis sa ugat na kung saan dumadaloy patungong cerebellum, na naging sanhi ng kanyang hindi maintindihang pagsasalita.

[T/N: pulmonary embolism – a sudden blockage in a lung artery.

thrombosis – a serious condition caused when a blood clot blocks the flow of blood in a blood vessel.]

Halimbawa "Tagain ang mansanas" sa halip na "Hiwain ang mansanas", at kadalasan, tatawagin niya ng Tito si Lolo Bai, o tatawagin niyang ate ang tita ni Luo Yin; sa paglipas ng panahon, tatawagin niya na parang magkasing edad lang niya ang kanyang apo.

"Lola, babalik na po ako sa kwarto ko, nakabukas pa ang computer."

"Teka lang, gusto pa kitang makausap ng matagal."

At isa pa, kahit na hindi parehas ang pananalita ni lola Bai noon, maligaya parin itong nakikipagusap, mas higit pa noon una. Sa tuwing may nakausap na siya, hindi na ito titigil, sa puntong tatakbo agad sila pag nakita siya. Sa totoo lang, ang pamilya niya lang ang tanging nakakaintindi sa kanyang bagong "pananalita".

"Kailan babalik sa sapatos (eskwelahan)?"

[T/N:(xié) – sapatos // (xué) – eskwelahan]

"Mga isang linggo o higit pa po yata"

Hinigpitan ni lola Bai ang pagkakahwak sa kamay ni Bai Lou Yin na may grabeng pag-aalala sa mukha nito, tumingin siya na parang isang malusog na batang babae.

"Mag-aral ka ng mabuti, huwag magdulot ng gulo (maging mayabang)."

[T/N: (nào) – maingay; magdulot ng gulo// (ào) – mayabang]

Nagsalita ng parang sanggol si Bai Luo Yin, "Lola, Huwag ka pong mag-alala, hindi po ako mangugulo (magiging mayabang)."

Wala pang limang minuto, nakatulog na si Lola Bai; kadalasan ang mga matatanda ay nahihirapan ng matulog, ngunit si lola Bai ay tiyak na natatangi. Nagigising siya ng alas otso ng uumaga para mag agahan, at matutulog ulit hanggang tanghali, kakain ng pananghalian, matutulog ulit hanggang alas kwarto ng hapon, maglalakad-lakad sa paligid ng bahay saglit, magsisimulang kumain ng hapunan, at mamahinga na pag alas otso pagkatapos.

Pag ikumpara kay lola Bai, si lolo Bai ay gigising ng alas kwatro ng madaling araw, sasakay ng bisikleta paligid sa kapitbahayan, sa tanghali ay babalik siya para kumain, lalabas ulit sa hapon, babalik para maghapunan, tapos lalabas ulit para maglakad-lakad, at oras na babalik siya, gabing gabi na.

Ang tanging pagkaparehas lang sa kanila: parehas silang magulohin ang pag-iisip.

Halimbawa, pareho silang manonood ng mga ilang programa sa telebisyon, at pagdudugtungin nila ang mga naganap sa gabi pagkatapos. Sa susunod na umaga, makakaisip sila ng completo at detalyadong nangyari sa palabas, at mabilis na makakahanap ng taong magsasalaysay muli ng kuwento.

—–

Hinay-hinay na kumuha ng gown sa sofa at tinakpan nito si lola Bai, at lumabas ng kwarto.

***********************************************

Hi, salamat sa mga sumusuporta parin ng kwentong ito kahit matagal ko ng hindi natuloy. 😊 

Hanggang sa susunod! Stay ADDICTED! 😁❤️

***********************************************

你丫上瘾了 [Are You Addicted?] Tagalog TranslationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon