Translator's Note:Chapter 4 na!!! PLEASE READ THE TRANSLATOR'S NOTE BELOW TO UNDERSTAND SOME TERMS/WORDS/CHARACTERS USED IN THE/OTHER CHAPTER(s).
Ignore the grammars and enjoy this chapter.
Translator: itsemman
Editor/Proof-reader: [ON THE PROCESS]
As always, SALAMAT sa pag-babasa and enjoying the journey kasama ang ating pilyong boys:
Gu Hai at Bai Lou Yin
《你丫上瘾了》
"Ano'ng problema?"
"Ang sabi nilang dalawa na sinusundan daw sila ng nakadamit sibilyan na mga pulis nung isang araw, at natatakot sila na baka malaman ng mga pulis ang detalye, kaya tinapon nalang nila ang kanilang kagamitan at tumakbo."
"Anong mga detalye?"
"Eh... Na pekeng reporters sila."
"Sinong may sabi na mga reporters lang ang pwedeng mag dala ng camera?"
"Pero nakasuot sila ng pekeng reporter's ID sa kanilang dibdib..."
"Kung gayon tatanongin kitanito, paano nila nalaman na sinusundan sila ng mga pulis?"
"Hindi nagdalawang isip ang mga pulis na habulin sila, at kaya sila nag panik, tapos..."
"Hinabol sila?" galit na galit si Gu Hai, pinatigas ang kanyang mala-leopard na katawan sa sofa. "Nag bayad kaba ng mga gago? O pulis? Mga magnanakaw sila at nagkataon lang na hagip lang sa kanilang mga mata ang magnanakaw."
"M-m-m-magnanakaw? Hindi maaring mangyari yan?"
"Hindi pwede?" pinikit ni Gu Hai ang kanyang mga mata at huminga. "Kaya magdasal ka at sabihin mo kung saan ang mga kagamitan ngayon?
Ang taong tinatanong ay hindi naglakas loob na buksan nag bibig.
Huminto si Gu Hai at winagaway ang kamay. "Pwede kanang umalis."
Naging tahimik ang bahay at pinisil ni Gu Hai ang kanyang ilong, iniisipkung ano ang nangyari sa kasal kahapon. Lumipad ang kanyang ispipan kung paano siya naka upo sa trono puno ng pagasa, at kung paan ito na wasak sa hanggang sa dulo.
Iniisip ang kahapon, masyado siyang walang malay.
Kahit na nakapunta ang dalawa sa pinangyarihan at nagawang wasakin ang kasal, paano magbabago ang mga kahihinatnan.
Wala ring mangyayari.
Sa huli, ang ama niyang laging tinitingala ay kukunin lamang ang kamay ng ibang babae at babalikan muli silid kasalan. at ang kanyang ina, sa kabilang banda, ay manatili paring patay sa kanyang kabaong. Pwede pa siyang mamatay para sa kanyang asawa, at kanyang huling ngiti sa deathbed ay hindi parin magbabago.
Nakatayo lang mag isa si Gu Hai sa bintana at tumatanaw sa labas. Ma, miss na kita.
"Xiao Hai, ako ang tita mo. handa na ba ang preparasyon? Naghihintay ang stasyon ng telebesyon. Bilisan mo at ipadala mo ang aking kailangan."
"Nawala na."
"Anong nawala?"
"Hmm, ibibigay ko sayo ang dalawang bagong tape sa madaling panahon."
Ibinaba ni Gu Hai ang telepono, at sa parehong oras, dumating ang kanyang ama at tiya. Ito ang unang hapunan na pagasasaluhan nila bilang isang pamilya.
Kumain si Gu Hai na naka duko, walang pake at hindi nag sasalita buong oras.
Tiningnan ni [1]Gu Weiting kay Gu Hai. "Bakit ang tahitahimik mo?"
"Diba dapat maging tahimik tuwing hapunan?"
"Papayagan kitang magsalita ngayon."
"Nagbabailta sa General: Wala po akong masasabi."
"Ha ha ha..."
Isang mahina na parang kampana na tawa ang madidinig sa silid, halos nagdulot para mabulunan si Gu Hai. Sa totoo lang, sa boung sampung taon, hindi siya kailanman nakadinig ng isang malamig na tunog sa kanyang bahay noon.
Matagal ng nasanay si Gu Weiting nito. Hindi nag iba ang ekspresyon sa kanyang mukha, inabot niya isang pirasong tissue sa babae katabi niya at sinabi sa malalim na boses, "Eto, punasaon mo ang bibig mo. Mukhang malapit mo na ma buga ng kanin."
"Paumanhin, paumanhin"
Tumawa ng mahna si Jing Yuan habang pinupunasan ang kanyang bibig, lumapag ang kanyang titig kay Gu hai paminsan-minsan. Nikita niyang hindi siya masyadong kumakain, kumuha siya ng prasong carp at nilagay sa kanyang plato.
"Eto, kumain ka pa."
Nagulat muli si Gu Hai sa babae na to.
Lagi niyang iniisip kung bakit pa naghanap ng ibang babae si Gu Weiting na kasing ganda ng kanyang ina, pero sa nakikita niyang babae sa kanyang harapan, napagtanto niya na kahit bata pa ito at maganda, walang maganda tungkol dito. Ang kanayang ngiti ay nagbibigay tibay kanayang masamang pamumuhay at kanyang postura ay maiihiwatig sa isang bukid na magsasaka.
Ano ang nikita ni Gu Weiting sa kanya?
Maaring sobra na ang kanyang pagkain ng masarap at gustong subukang kumain ng madumi minsan?
"Dalhin mo 'rito ang anak mo bukas at dito na siya titira."
Isang pangungusap na galing kay Gu Weting na naging dahilan para maging mapait ang buong paligid.
Tahimik lamang si Gu Hai, at makikita sa mukha ni Gu Weiting, alam na niya na hahantong din sa ganito.
"Xiao Hai", ngiting sabi ni Jiang Yuan, "Magka edad lang kayo ng anak ko, at magkatulad kayo ng pag-uugali. Alam kong magkakasundo kayo.
"Pagpumunta siya dito, aalis ako."
Isang salita lang galing kay Gu Hai ay naging sanhi para mawala lahat ang pag dadahilan ni Jiang Yuan.
Galit na galit si Gu Weiting, "Kung gayon, pwede ka ng umalis ngayon."
Tumayo si Gu Hai, at sinundan siya ni Jiang Yuan.
"'Wag mong awayin ang papa mo," nagmamakawang sabi ni Jiang Yuan. "Hindi kaylanman sumagi sa isip ko na dito papatirahin ang anak ko. Mas magkasundo siya ng papa niya at hindi siya sanay na tumira kasama ako.
Isang apatnapung taong gulang, hiwalay sa asawa at kanyang labimpitong taong gulang na anak. Gu Weiting, alam mo talaga kung paano mo gagawing komportable ang sarili mo. Iiwan mo nalang ba ang asawa mo na naging kasama mo sa dalawampung tao?, isip ni Gu Hai sa sarili.
"Kung pupunta ba siya dito o hindi, aalis apring ako."
Ang mukha ni Gu Weiting ay masama parin. gaano man siya tumayo ng matuwid, hindi niya mapigilang manginig ang kanyang balikat.
Hindi lang pinansin ni Gu Hai ang nagliliyab na galit sa likod niya. Nais talaga niyang umalis, pero lagi siyang walang lakas na loob. At ngayon, sa wakas ay nagkaroon na siya ng pagkakataong gawin ito.
----
Translator's Note: So yan ang chapter 4. 2 days ko natapos ang chapter nato at sana ang vites ninyo ang mag papainspire sakin na bilisan pa ang pag update. Commets are also highly appreciated.
BINABASA MO ANG
你丫上瘾了 [Are You Addicted?] Tagalog Translation
RomanceHere's a refined version of the text with improved phrasing: --- Are You Addicted? [Ikaw Ba Ay Na-Aadik Na?] 《你丫上瘾了》by Chai Ji Dan [Hindi Opisyal na Salin sa Tagalog] Orihinal na Pamagat ng Nobela: Are You Addicted? 你丫上癮了 Kilala rin bilang: Heroin...