"Gumising ka na, huwag ka nang matulog. Bumili ka ng gamot para sa lola mo."
Kinapa ni Bai Luo Yin ang kanyang mga mata sa antok at nakita niyang madilim pa rin ang langit.
"Hindi na naman kailangang kumuha ng waiting number kapag bumili ka ng gamot. Kung mayroon na tayong reseta, pwede na tayong pumila agad." mahinahong tugon ni Bai Luo Yin, pagkatapos ay tumalikod.
Si Bai Luo Yin ay nagpumiglas ng kaunti, gayunpaman ay padabog siyang bumangon mula sa kama. Bawat agahan, sampung taong di nagbabago ang kanilang ulam, isang piniritong
mga maruya at malambot na tokwa. Araw-araw, si Bai Han Qi ang palaging na uunang bumili ng agahan sa karenderya. Kahit di pa dumadating ang tindera, maghihintay pa rin siya doon hanggang sa siya ay dumating. Unti-unting naging magkakilala ang bawat isa at sa tuwing pupunta si Bai Han Qi sa karenderya, agad-agad na binabalot ng tindera ang masarap na pagkain at agad ibibigay ito kay Bai Han Qi."Busog na ako." Ibinaba ni Bai Luo Yin ang kutsara niya.
Nakatingin si Bai Han Qi kanyang anak, "Palagi ka na lang may natitirang pagkain." May masamang ugali si Bai Luo Yin. Kahit anong uri ng pagkain ang kinakain niya, palagi itong ng iiwan ng sobrang pagkain. Kahit na hindi pa siya nabubusog, palaging may matitirang pagakain ito, ugali ni Bai Lou Yin na nakuha mula pagkabata. Noong bata pa siya, ang kanyang ama ay hindi kumain ng hindi pa busog at ibibigay ni Bai Han Qi kung anong pagkain ang maaari niyang itabi para kay Bai Luo Yin. Dahil doon, mahal na mahal ni Bai Luo Yin ang kanyang ama habang naaawa din siya nito. At sa gayon, parati siyang nag iiwan ng parte niya.
Kahit marami na silang nakakain ngayon, hindi na mababago pa ang masamang ugali niyang iyon.
Ngayon ay Biyernes at wala ang doktor sa katpusan ng linggo. Samakatuwid, napakasobrang haba ng pila sa ospital. Lalo na sa nangungunang tatlong mga ospital, ito ay punong-puno ng tao na gustong bumisita sa doktor. Bukod dito, ang dami ng tao ay halos kapareho ng dami ng tao sa rush hour sa subway ng Beijing.
"Hoy bro, tinapakan mo ang paa ko."
"Imposible, hindi naman magkakalapit ang ating mga paa.
"...."
Habang nasa pila, si Bai Lou Yin ay nakatayo sa likod ng isang magandang babae. Sa hindi inaasahan, binangga siya ng isang tao nasa likod niya, dahilan na mauntag siya ng pa ulit-ulit sa babaeng nasa harap niya. Nalilito siya kung masasayahan ba siya nito o maiinis. Natatakot na baka ma buntis na niya ang babae kung ma uuntog pa siya sa kanya ulit.
"Hoy pogi."
"Kinakausap kita."
Iniisip parin ni Bai Lou Yin ang babaeng nasa harap niya, hanggang sa kinalabit na siya ng tao'ng nasa likod niya. Noon lang siya napasilip sa gilid at napagtanto na, may dalawang babae na magkaparehas ng mukha at may magagandang kasuotan, ang sumapaw na sa linya.
"Hoy napakarilag. Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian, maaaring hayaan mo akong tumayo sa harap mo o ibibigay sa akin ang numero ng iyong telepono."
"136XXXXXXXX"
Naglakad palayo ang dalawang babae habang masayang humahagikgik.
Parang di na makatiis ang babaeng nasa harapan ni Bai Lou Yin para kausapin siya, sa wakas ay nakapag ipon na siya ng lakas ng loob at humarap sa kanya, "Number mo ba talaga 'yun?"
"Wala nga akong telepono."
"..."
Sa halos buong araw ng paghihintay, nakauwi na si Bai Lou Yin habang nagdadala ng gamot. Di talaga mahirap ang pamilya nila dati. Kailangan nilang gumastos ng 1057 Yuan at 3.2 Mao kadabuwan para sa gamot. Umaasa nalang ang kanyang lola sa gamot para panatilihin ang kalagayan nito. Sa kabilang banda, may cerebral thrombosis ang kanyang lolo at para di ito pabalik balik, kailangan niya ng IV drip paminsan-minsan.
May dalawang lalakeng kapatid si Bai han Qi: doktor ang panganay, nagtuturo sa isang kilalang unibersidad sa Beijing bilang isang propesor. Ang sweldo nito ay lagpas sa milyon/libo-libong Yuan kasama pa nito ang di mabilang na proyekto. Gayunpaman, pagdadamit mahirap ang kinahiligan nito. Ang ikalawa sa panganay ay isang magarbong negosyante na laging winawaldas ang pera pag nagpapakonsulta sa doktor.
"Tita."
Malumanay na binati ni Bai Lou Yin ang kapitbahay na nasa harap niya.
"Bumalik ka yata? May pananghalian ka ba?"
"'Di ko alam, Tita."
Pagaktapos magsalita ni Bai Lou Yin, may bigla siyang narinig na sasakyang bumubusina sa likod niya. Inikot niya ang kanyang ulo at tumingin sa likod, tapos may nakita siyang marangya at kapita-pitagang sasakyang militar.
Pagkasulyap niya ulit, isang maganda at mukhang bata na babae ang may-ari ng sasakyan.
Binilisan ni Bai Lou Yin ang paglalakad niya.
"Xiao Yin."
Para mahabol niya si Bai Lou Yin, tumakbo ng pagkabilis si Jiang Yuan habang itinataas ang kanyang palda. Kung makikita ni Gu Hai ang hitsura niya, pupunain siya agad sa isip nito.
"Bakit mo ba ako iniiwasan?"
Tahumik lamang si Bai Lou Yin.
"Tinatwag kita kasi gusto kitang makausap, sakay sa sasakyan."
Hindi nagpatinag kahit isang saglit si Bai Lou Yin, malamig at malayo ang ekspresyon niya.
"Kung hindi mo ako sasagutin, papasok ako sa looban ng bahay niyo."
Malabong narinig ni Bai Lou Yin ang pagtawag ng kanyang lola sa looban. Ang laman ng plastic na kanyang dinadala ay gamot para sa sakit sa puso ng lola niya. Nahirapan si Bai Lou Yin saglit bago sumuko, mas mabuting makipagkompromiso sa kanya.
"Ang rate ng mga nakatapos sa haiskul na pinpasukan mo ay mababa. Bukod dito, hindi rin maganda ang pagtuturo nila. Pwede kitang tulongan na makapasok sa isang prebadong haiskul at pwede ka mag aral ng dalawang taon doon. Pagkatapos ng entrance exam sa kolehiyo, maghahanda ako para makapag aral ka sa ibang bansa."
Sinabi lamang ni Bai Lou Yin, "Hiindi ako sasama."
Alam na ni Jiang Yuan na mangyayari ito, pero di susuko ang puso niya.
"Pwede mo akong pagkamuhian, at questionin mo ang pagiging ina ko sayo. Gayunpaman, wag mong pahirapin ang sarili mo ng ganito. Ano ang mapapala mo sa isang mahirap na haiskul? Magka edad lang kayo ng anak sa bago kong asawa. Nag-aaral din siya sa prebadong haiskul na hinahanda ko para sa'yo. Magkakaroon ka ng mas maraming oportunidad, ano ba ang pinagkaiba sa inyong dalawa?"
Bagong asawa - pagkarinig ni Bai Lou Yin sa katagang iyon, natigilan siya.
Huwag mong sabihin na susunod ka padin sa layaw ng iyong ama, pagiging isang walang silbi sa buong buhay niya, at sumasakay parin sa 40 taong gulang na bisikleta?"
Napalunok si Bai Lou Yin, at sa wakas, nakapag salita ng maayos.
"Ang mga nagawa ng isang tao ay hindi hinuhusgahan lamang sa kung gaano sila kayaman at sa mga pag-aari, pero sa kung ano ang kaya nilang maibigay sa ngangailangan. Kaya, gusto kong tanungin ka, Mrs. Jiang Yuan. Nagmamaneho ka ng magagarang sasakyan at merong magarbong mga bag, pero ilan na ba ang natulongan at naibigay mo sa mga tao?"
Parang sinaksak si Jiang Yuan ng kutsilyo sa mga maiikling salitang iyon.
Matagal niyang tinitigan si Bai Luo Yin, pagkatpos ay nanginginig itong nagsalita.
"Na pagtanto ko na hindi ko na gawa ang trabaho ko bilang isang ina at gusto ko lamang makabawi kahit ngayon lang. 17 taong gulang ka palang, at samantalang bata pa ako, bakit mo ako hindi kayang pagbigyan?"
"Bibigyan kita ng pagkakataon, Huwag mo na akong lapitan at hanapin pa."
Tumindig at naglakad patungo sa pinto si Bai Lou Yin.
"Xiao Yin!"
Tumayo si Jiang Yuan at napahagulhol.
Mahigpit na kinuyom ni Bai Luo Yin ang kanyang kamao at tumingin muli kay Jiang Yuan.
"At sa susunod, huwag mo nang banggitin ang pamilyang iyan ulit. Sawa na ako."
BINABASA MO ANG
你丫上瘾了 [Are You Addicted?] Tagalog Translation
RomansaHere's a refined version of the text with improved phrasing: --- Are You Addicted? [Ikaw Ba Ay Na-Aadik Na?] 《你丫上瘾了》by Chai Ji Dan [Hindi Opisyal na Salin sa Tagalog] Orihinal na Pamagat ng Nobela: Are You Addicted? 你丫上癮了 Kilala rin bilang: Heroin...