Kabanata 8: Paano Binabasa ang Salitang Ito?

7 0 0
                                    

"Ito ang mga name card ng mga kaklase mo. Sundin mo ang lokasyon at pagkakasunod-sunod, at isulat ang listahan ng upuan. Ibigay mo sa akin pagkatapos ng klase."

Tahimik na kinuha iyon ni Bai Luo Yin, at nagsimulang isulat ang mga pangalan isa-isa.

Pinagmamasdan siya ng mga lalaking katabi niya na may paghanga. Ikalawang araw pa lang ng pasukan, pero pinapagawa na siya ng guro ng mga bagay, bakit kaya? Para kay Bai Luo Yin, nakasanayan na niya ito. Tuwing papasok siya sa bagong klase, palaging siya ang inuutusan ng guro na gumawa ng listahan ng upuan dahil maganda ang kanyang sulat-kamay.


Siyempre, kasingganda rin ng sulat niya ang kanyang mukha.

"Gao Chao, Wang Jian, Wei Ze Long, Gu Xin, Fang Xiao Shi..."

Isa-isang isinulat ni Bai Luo Yin ang mga pangalan sa papel. Pero nang kunin niya ang ikaapat na papel, napatigil siya.

"Gu.... Ke? Hindi pwede.""Gu... Mu? Sino naman ang tatawagin sa pangalang 'yan?""Gu... Lang? Mali eh..."

Pagkatapos ng halos isang minutong kalituhan, tinapik ni Bai Luo Yin ang balikat ni You Qi.

"Hoy, alam mo ba kung paano basahin ang salitang ito?"

Hawak ni You Qi ang card sa isang kamay, habang ang hintuturo ng kabilang kamay ay nakatapat sa kanyang ilong, nag-iisip nang tahimik na may cool na itsura. Ilang segundo lang ang lumipas bago siya napabahin, saka kumuha ng panyo para punasan ang ilong niya. Pagkatapos, sinabi lang niya, "Bakit parang pirma ng isang celebrity ito?"

"Talagang ayoko sa mga ganitong tao!"

Sa totoo lang, sa dami ng beses na nagawa na ito ni Bai Luo Yin, kaya na niyang basahin ang kahit anong estilo ng sulat-kamay. Kaya niyang kilalanin ang kahit anong random na salita. Pero ang pinaka-ayaw niya ay ang mga taong nagpapakacool at tuluyang binabago ang estilo ng sulat, kaya't hindi na niya mabasa ang mga karakter.

"Pwede mo naman siyang puntahan at tanungin. Nakasulat naman ang numero ng upuan niya sa card. Hanapin mo na lang siya at tapusin mo na 'yan!"

Ang ganitong uri ng tao ang huling taong gustong makasama ni Bai Luo Yin sa buong buhay niya.

Lumapit si Bai Luo Yin sa upuan ni Gu Hai at isa-isang kinuha ang mga libro sa mesa ni Gu Hai na may nakasulat na pangalan. Ngunit bawat pangalan sa mga libro ay nakasulat sa parehong autograph na font.

Samantala, nakayuko si Gu Hai sa kanyang libro. Pero bigla na lang may kumuha ng libro mula sa kanya.

Kalmadong binuklat ni Bai Luo Yin ang libro at binuksan sa unang pahina. Nandoon ang pangalan ni Gu Hai, pero nakasulat pa rin ito sa parehong istilo. Isang istilong hindi niya mabasa o maintindihan.

"Ano'ng kailangan mo?" Isang mababang boses ang marahang narinig.

Tiningnan ni Bai Luo Yin si Gu Hai at sinabi, "Ginagawa ko ang listahan ng upuan, sabihin mo ang pangalan mo."

"Gu Hai."

Napatigil si Bai Luo Yin saglit bago siya magaan na sumagot, "Kung tao ka, magsulat ka naman na parang tao!"

Bahagyang nairita si Gu Hai. Ang mga ganoong klaseng malulupit na salita, walang naglakas-loob na sabihin sa kanya, maliban sa kanyang ama. Isa sa mga pangunahing dahilan ay dahil, sa nakalipas na sampung taon, palagi siyang nakikisama sa iba dahil sa kanyang estado. Ngunit ngayon, isa na siyang ordinaryong mamamayan.

Sa totoo lang, minsan ay hindi rin naman masama ang mapagsabihan.

Ito ba ang salitang "Hai"? Sabik na tinitigan ni Bai Luo Yin ang kanyang papel. Paano naging "Hai" ang salitang ito? Wala man lang pagkakahawig!

Medyo naiinis, bumalik si Bai Luo Yin sa kanyang upuan habang isinusulat ang pangalan sa papel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

你丫上瘾了 [Are You Addicted?] Tagalog TranslationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon