"What happened? Why are they here?"
Nakasimangot ako habang nakatingin kina Conrad, Canlas at Tamayo na kasalukuyang naroon at nakatingin din sa malawak na dagat sa harapan namin. Naibaba na rin lahat ng gamit at may lumapit sa amin kanina na isang matandang lalaki at babae na siyang nagsabi na ihahanda ng mga ito ang almusal namin.
"Good morning, too, Ada," sagot ni TL sa akin sa kabilang linya. Napakagat ako ng labi at nakaramdam ng hiya kahit na papaano dahil wala pang alas-sais y media ng oras na iyon. Sinubukan ko lang din ulit na tawagan si TL nang makababa kami sa may plane.
Sinagot naman din nito agad iyon at naririnig ko pa ang paos sa tinig nito nang sagutin ang tawag ko.
I breathed heavily, trying to calm myself. "Good morning, TL," sabi ko na lang muli. "I am terribly sorry for calling you this early. I just couldn't understand why Conrad is here with me. I wasn't informed that–"
"I was trying to call you yesterday," he cut me off. Natigilan din ako sa sinabi nitong iyon. Well, I know that he was trying to call me, but I was busy with my things and I purposely didn't answer his call since I was still thinking about the rejection and my confession.
I thought he was going to talk to me again about what happened so I opted not to talk to him yesterday. Ayos na rin naman lahat ng kailangan ko para sa assignment ko kaya wala na rin akong kailangan na gawin pa. Wala rin naman akong kinausap sa mga kasamahan ko sa trabaho kahapon, e.
"I... I was busy..." sabi ko rito. "But I can't understand why you sent them?" hindi ko mapigilan na hindi magtaka sa naging desisyon ng mga ito. "Sir Nash was against the idea of sending me here. Now you sent them here?"
"We've told you that it is possible that you will have company. We can't risk sending you alone after what happened before–" natigilan ito sa pagsasalita.
Maging ako ay hindi rin nakapagsalita. Hinawakan ko ng mahigpit ang telepono ko habang nakatingin sa malawak na dagat sa harapan ko. Kumikislap iyon dahil na rin sa sinag ng araw na nagsisimulang kumalat at magbigay ng liwanag sa aming lahat.
Naghahalo rin ang magagandang kulay sa may kalangitan.
"You're all afraid that I would lose Amara Saldana so you sent someone to be with me to make sure that won't happen..." napayuko ako. Ramdam ko ang bigat sa may dibdib ko sa mga sandaling iyon. Kung gaano kaganda at dapat na maging magaan sa pakiramdam ang kapaligiran ko sa mga sandaling ito, gano'n naman kabigat ang nararamdaman ko.
I clenched my fists as I tried to stop myself from talking.
"Ada, that's not what I meant. We just don't want you to get hurt so we agreed to send them."
I nodded my head even though he couldn't see me right now.
"I understand," I uttered, losing my confidence to talk to him right now.
"Ada!" tawag ni Canlas sa akin. Nilingon ko naman ito at nakita ko na dala nito ang mga bag ko. Sinenyasan pa niya ako na pumasok na rin sa malaking bahay na naroon. I just gave him a small nod.
"I have to go, we're here now, and maybe you were right for sending them, too," sabi ko na lang at nagpaalam na rin at ibinaba ang tawag at inilagay na sa may bulsa ng suot na pants ko ang telepono ko.
Nakita ko na nakatayo rin si Conrad sa hindi kalayuan at nakatingin din ito sa dagat. Mukhang malalim din ang iniisip nito. Hindi ko naman na ito tinawag at tumuloy na lang ako sa pagpasok sa malaking bahay kung saan naroon ang dalawa pang lalaki.
Ang mga gamit namin ay nasa may malawak na sala na.
"Nakahanda na ang almusal niyo sa may komedor," sabi ng matandang babae na nagpakilala sa amin kanina na Jacinta ang pangalan. "Mayroon ding mainit na kape na nakahanda roon," dagdag pa nito at nagpasalamat naman kami rito at pumasok na itong muli sa may kusina.