"Be careful, princess."
I glared and glanced at Conrad who was smirking at me.
"What? I am just reminding you to be careful. You and the sea water here aren't having a good connection," nangingisi pa rin na sabi nito sa akin. Nakaupo ito sa may buhanginan habang may suot na shades at naka-suot pa rin ng T-shirt nito. "Surely, you don't want to be in danger for the third time."
"I won't be in danger again, and in case I will be, I will call the others. You don't have to rescue me or save me or–"
"You're saying something that is impossible to happen. I will be the first one to jump in the water to save you in case you'll be in distress."
I scowled at him. "Said by someone who tossed me in the water."
He shrugged and looked at me. "It was effective, wasn't it?" he grinned.
Inirapan ko na lang ito at naglakad papunta sa may dagat. Naroon na si Amara at ang kasama nito ay si Canlas at Tamayo na piniling lapitan na lang si Amara kaysa maipit sa bangayan namin kanina ni Conrad.
When he tossed me in the water, they both went inside the house to wait for Amara instead of helping me. Hindi naman na ako nagtaka dahil panay ang sulyap nila kay Conrad at bakas din ang takot sa mga mukha nito.
I ended up putting sunscreen on myself. Conrad was watching me, offering to help me which I declined.
At ang nakakainis pa sa lahat, hindi ko mapigilan na hindi maisip ang sinabi niya sa akin matapos niya akong iitsa sa may tubig.
He's outside my room last night, knocking. Hindi naman ako nagising kagabi kaya hindi ko alam na naroon pala ito sa may labas kagabi.
And maybe it was also better since he's having a good time with Amara. Kung sinasadya man niya na pagselosin ako o ano, mukha namang nag-e-enjoy siya, e.
"Let's play!" Amara said and looked at me. She even swam towards me while smiling. Sa ngiti pa lang ni Amara mukhang may plano na naman siyang gawin at mukhang magpapatulong na naman siya sa akin.
"Ada, let's play!" sabi niya nang makalapit sa akin. Hinahayaan ko lang ang alon na mabini kaming isayaw habang lumulutang kaming dalawa sa may tubig.
"What game?" tanong ko na lang din. Mukhang maliban sa trabaho namin na bantayan ito, magiging babysitter pa kami nito at sasamahan ito sa lahat ng gusto nitong gawin.
"Chicken fight," she giggled and looked at Conrad who just swam towards Canlas and Tamayo. "You can pick between Canlas and Tamayo who your partner will be, Conrad will be my partner," desisyon na sabi nito.
Nilingon ko siyang muli at nakatingin pa rin siya kay Conrad. Mukhang naplano na niya sa isipan niya ang gagawin namin ngayon sa tubig at mukhang excited na rin ito sa laro na iyon.
"Uhm... you told Conrad about it already?" tanong ko.
And he agreed?
She chuckled and shook her head. "Not yet, but I want to ask for your help to convince him since you two are close."
"Huh?" alanganin akong ngumiti. Kami? Close?
Sa kama, oo.
"Come on, let's tell them!" hinawakan pa nito ang braso ko bago lumangoy papunta sa mga kasama namin. Wala na rin akong nagawa at iiling-iling na nagpatangay na lang sa babae.
"Conrad!" tawag nito. Lumingon naman agad si Conrad pero sa akin siya unang tumingin bago binalingan si Amara. "Let's play a game!" sabi niya sa lalaki nang makalapit sa mga ito.