07

949 33 0
                                    


At exactly six o'clock, I was already downstairs and ready for our agenda. Ang buong akala ko pa nga ay ako pa ang nauna na bababa at ako ang maghihintay sa mga kasama ko pero nakita ko na naroon na ang mga ito at kausap na ni Conrad si Tatay Nanding tungkol sa plano namin sa umagang iyon.

These men really know how to be serious on the job.

Ang usapan pa nga namin kagabi ay alas-sais y media magkikita para sa almusal at inagahan ko para hindi na lang din ako mahuli pero mukhang mas maaga pang bumangon ang mga ito kaysa sa akin.

Inihahanda na rin nila Canlas ang mga cameras na ilalagay pa ng mga ito mamaya habang naglilibot kami.

"Good morning, Ada," Canlas greeted me. I nodded my head and sat beside him. We don't have to wear suits now, so we opted to just wear our polo shirt and pants as our uniforms. Nagbaon na rin ako Inalok ako ng mga ito ng kape dahil may nakahanda na raw na kape sa may kusina pero tumanggi ako at sinabi na sa almusal na lang ako magkakape.

"Wala naman pong problema, Sir. Pasasamahan ko kayo kay Natoy sa paglibot sa isla para mapakilala kayo sa iba pang narito," naulinigan ko na sabi ni Tatay Nanding.

"Sige po, 'tay. Salamat. Mamayang tanghali ang dating ni Amara kaya pakihandaan na lang siya ng tanghalian," sabi pa nito sa matanda at tinapik ang braso nito.

"Sige po, Sir. Nakahanda na rin ang almusal niyo bago kayo maglibot sa isla," sagot naman ng matanda na tinanguan na lang ni Conrad bago humarap sa amin.

He smiled when he looked at me. "Good morning, princess," he greeted me and I made a face. "How was your sleep?" he asked before sitting on the couch.

"It's fine, thank you for asking," I responded. Tinanong niya rin kaya sila Tamayo at Canlas kanina o ako lang dahil ako lang naman ang inaasar niya?

"Naayos na namin 'yong mga camera, lalagay na lang mamaya habang naglilibot tayo," sabi ni Tamayo kay Conrad. Tumango naman ito rito.

Nagsabi rin ito na kung kailangan naman nito ng tulong ay puwede naman na tumulong si Natoy na anak din nila Tatay Nanding. Mas makabubuti naman daw na may katulong silang dalawa ni Canlas para mas mabilis na matatapos.

"Let's eat first before we go out," sabi nito at nauna pang tumayo. Tumayo naman na rin ang dalawang lalaki at nauna pa nga ang mga ito sa may komedor. Tumingin sa direksyon ko si Conrad at ipinilig ang ulo.

"Do you want me to carry you towards the dining room?" he smirked and I scowled at him. Padabog akong tumayo at tumingin sa lalaki.

"No, thanks. I can walk on my own," I said as I walked towards the dining room. I heard him chuckle before following me. Ipinaghila pa niya ako ng upuan at naupo siyang muli sa tabi ko.

"We won't be eating with Amara, so we will take turns. Canlas and Tamayo, you will eat first while we're guarding Amara," tumingin siya sa akin at ngumiti. "We will eat after them."

Nilingon ko siya at sinimangutan. "Why don't you and Tamayo eat together? I will eat with Canlas. I think that's a better pairing, right?" sabi ko naman sa kaniya.

He shook his head. "No, no. Tayo ang sabay na kakain na dalawa, and that's final, princess."

I made a face before putting food on my plate. Wala naman din akong magagawa sa bagay na iyon at ayaw ko naman na magmaktol na parang bata dahil lang sa naiinis ako kay Conrad kaya sumang-ayon na lang ako sa gusto niyang mangyari.

Pasado alas-siyete naman nang lumabas na kami para mag-ikot sa isla. I wore a black cap to protect my head from the heat. Si Conrad naman ay nakasuot din ng itim na cap at may suot pang sunglasses habang naglalakad.

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon