"Let's just try again tomorrow?"
Lahat kami ay tumingin kay Amara na nakaupo na at may hawak na baso ng buko juice na dinala ni Nanay Jacinta sa amin kanina habang nagpapaturo ito kung paano ang bumaril. May biko at banana cue rin na naroon na dinala rin ng matanda para makakain daw kami habang nag-eensayo.
"Gusto mo pang subukan ulit?" si Canlas ang nagtanong at kunot ang noo. Parang gusto pa nitong tumawa sa tanong na iyon sa babae. Sinulyapan nito ang mga target boards namin na halos kami lang din naman ang mga umasinta kanina.
Since she was having a hard time with her stance and the way she was holding the gun, the four of us ended up doing some practice shooting.
And of course, our captain showed off with his skills.
Lahat ng tinamaan nito kanina ay diretso sa gitna at wala man lang hindi tinamaan. Walang nasayang na bala kay Conrad. Amara kept on cheering for him, too, like she was his staged girlfriend and he was in the olympics, competing for gold.
"Yup!" Amara replied after drinking. "I had fun, I am just too scared, though," she added and shrugged. Lihim na lang akong umiling bago huminga ng malalim at tinignan ang mga baril na naroon.
Back in Praesidium, despite being on desk duty, I still go to our shooting range to practice. Ayaw ko naman din na mangalawang ako dahil lang hindi ako tumatanggap ng kahit na anong assignment noon.
"You can practice with cans tomorrow," si Conrad ang muling nagsalita. Nilingon ko ito at kinunutan ng noo. He's agreeing with Amara?
Papayag siya na mag-practice pa rin si Amara bukas kahit na mukhang wala namang pag-asang may tatamaan ito?
"Really?" lumaki ang ngiti ni Amara at tumayo pa nga para lumapit kay Conrad. Hinawakan din nito ang braso ng lalaki. "Is it really okay?"
He nodded his head. "You will be staying here on the island for quite a while. I am pretty sure you wanted to do something to alleviate the boredom," he replied and smiled at her. Ni hindi man lang nito tinanggal ang kamay ni Amara na nakahawak dito.
Mas lumalim pa ang kunot ng noo ko habang nakatingin doon.
"Canlas, Tamayo," tawag nito sa dalawa nang sulyapan ang mga ito. "Make sure to set up a make-do shooting range in the woods tomorrow. Get some cans, too, for her targets," utos nito sa mga kasama ko.
"Copy that, Capt.," sagot naman nila sa lalaki.
"You should go inside, Amara. Take some rest," masuyong sabi nito sa babae.
Nananatili akong nakatayo habang nakatingin sa mga ito.
"We should take some rest! You've been teaching me, and you're probably tired, too. Come on!" hinila na ito ng babae para maglakad papasok sa bahay. "We should take some rest! You've been teaching me, and you're probably tired, too. Come on!" hinila na ito ng babae para maglakad papasok sa bahay. "We're going inside," sabi pa nito at naiwanan kaming tatlo doon sa may buhanginan.
I scowled and rolled my eyes before looking away. Inayos ko na lang ang mga baril na nasa lamesa at maging ang mga bala na naroon. Mabuti na lang din at marami naman palang dinalang blank bullets ang mga kasama ko kaya may magagamit kami para sa trip ni Amara na gawin.
"Nag-away na naman kayo?" tanong ni Canlas sa akin habang kinukuha ang mga target boards.
"Huh?" I looked at him after I put the guns on their cases.
"Kayo ni Capt.," sabi nito at inilapag na rin sa lamesa ang mga hawak na target boards. Tinignan ko iyon at gitnang-gitna talaga ang mga tama ni Conrad dito kanina.