06

880 26 0
                                    


It was almost dark when I opened my eyes. I immediately checked my phone to see the time and it was quarter to six o'clock already.

"Oh, fuck," I grunted and let myself fall back and bury the back of my head in the pillow again. Hindi ko akalain na mapapahaba ang dapat na idlip ko lang kanina. Maybe it was because I was damn tired the past few days and I just feel like resting.

Also, as much as I hated to admit it, I do feel comfortable being here now. Kahit na wala pa nga akong isang araw sa lugar na ito, pakiramdam ko kaagad ay komportable ako rito.

Sariwa ang simoy ng hangin dahil na rin nasa isla kami at bukod sa isang pick-up jeep na nakita ko kanina ay dalawang speedboat lang ang naroon. Taliwas na taliwas ang hangin na nalalanghap sa Maynila.

Kung hindi lang ako nainis kanina sa lalaking umuukopa sa tabing kuwarto ko ay binuksan ko na lang talaga sana ang salaming pinto para hayaan ang hangin na pumasok sa kuwarto ko, e.

"I am hungry..." mahinang sabi ko habang nakatingin pa rin sa may kisame. Naiiling ba bumangon na ako at inayos ang kama ko bago nagpunta sa may banyo para maghilamos bago bumaba para magtingin kung may pagkain na.

Sina Nanay Jacinta naman talaga ang bahala sa pagkain namin doon at nasabihan naman ako na puwede naman daw akong mag-request ng pagkain sa kanila at iluluto nila. Wala naman din kasing restaurant na malapit dito dahil nga nasa isla kami.

Kailangan ko pang sumakay ng speedboat papunta sa bayan kung gusto kong kumain sa mga fast food restaurants.

Tahimik ang pasilyo nang lumabas ako ng kuwarto. Makintab at malinis din ang sahig na halatang naaalagaan din sa linis at maging ang mga lamesa at mga dekorasyon doon ay pulos malilinis din.

May mga nakasabit na mga paintings doon na sa palagay ko ay locally made. I couldn't help but to feel amazed at how people create magic through arts. I've been in an art museum and I am really impressed by how creative people can be.

Napatingin ako sa may isang painting na naroon. Malaki iyon at tila ba ako nakatingin mismo sa dagat dahil sa buhay na buhay na itsura ng painting. Whoever painted that really captured the beauty of the ocean and how it meets with the sky in the end.

I hugged myself as I continued walking and noticed Conrad's door was a bit open. Kumunot ang noo ko habang naglalakad at nakatingin pa rin doon.

Nakatulog din kaya siya?

Humaba pa ang leeg ko sa pagsilip sa kuwarto nito habang naglalakad ako. Hindi naman nakapatay ang ilaw sa kuwarto nito kaya kahit papaano ay nakikita ko iyon. Sakto namang nasa tapat na ako nito nang nakita ko si Conrad na nakatayo at nakahubad ng pang-itaas.

I could see his toned body through the open gap of the door.

Napalingon ito sa kinatatayuan ko at agad akong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad papalayo roon.

Hindi ko naman sinasadya na makita itong nakahubad. I was just curious as to why his door was open. Malay ko bang nakahubad pala si Conrad?

Tsaka hindi naman yata niya ako napansin? Naglakad naman din ako ng mabilis papalayo, e.

I know he has a good body. Hindi naman din iyon ang unang beses na nakita kong nakahubad ang lalaki. May mga pagkakataon na nakahubad ang mga ito kapag nagti-training sa gym. Inugali lang nila na magdamit dahil na rin sa utos ni Conrad kapag naroon ako sa gym noon.

"Hi, Ada!" bati ni Canlas sa akin. Pareho sila ni Tamayo na abala sa mga laptop nitong naroon sa may lamesa.

"Hi. What are you doing?" I asked them and Canlas smiled at me before showing me his laptop screen. Nang tinignan ko iyon ay nakita ko na mga kuha iyon ng mga camera na ikinabit ng mga ito.

It's Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon