Fangirl two

886 49 6
                                    

Elipse POV

"Hay." Napahalumbaba ako habang naglalabasan ang mga classmate ko dahil lunch break na.

"Woy girl. Makahinga ka naman ng malalim parang may problema kayo ng Boyfriend mong kamukha ni Luhan huh." Sabi ni Lei, inirapan ko sya kaya agad akong nakatanggap ng malakas sa batok mula sakanya.

"Dudukutin ko yang mata mong babae ka." Kumuha sya ng isang upuan at umupo sa tapat ko

"Game, Kwento na!" Paguutos nya. Sisimulan ko na sanang magsalita ng makarinig kami ng matinding tilian na nagmumula sa Hallway. Nagtinginan kami ni Lei, napakamot naman sya ng wala sa oras.

"Tch. Nanjan na si Hanlu pero wala ka paring nakwento. Mamaya nalang huh? Mauuna naman tayong umuwe kaysa kay Hanlu dahil may pratice pa sila ng Basketball diba?" Pagtatanong nya sakin at nagsimula ng lumabas ng classroom. Tumingin sya sa gawing kanan at napailing.

"Naku, kong ako sayo lumabas ka na jan dahil pinagkakaguluhan na dito si Baby Hanhan mo." Nakapout nyang sabi. Kinuha ko ang bag ko, dumampot na din ako ng papel mula sa sahig. Lamapit ako kay Lei na nakapout parin sabay subsob sakanya ng papel na hawak ko.

"Leche kang babae ka huh, sakit ng batok mo sakin." natawa naman ako sa reaction ng mukha nya kaya agad akong lumabas at tumakbo palapit sa mga babaeng nagkukumpulan. Sinubukan kong sumingit pero tinutulak lang nila ako.

Dahil matangkad si Hanlu ay tanaw na tanaw ko sya na nakangiti sa mga babae pero halatang naiinis na kaya naginit ang ulo ko.

"TANGINA NYO! AALIS KAYO SA TABI NG BOYFRIEND KO O BABANGASAN KO KAYO ISA ISA?!" Natigil ang pagtitilian nila at slow motion pang lumingon sakin, kaya agad kong nilagay ang kamay ko sa bewang ko at tinaasan sila ng kilay.

"NOW WHAT?! DISTANSYA O PUNENARYA?!" Narinig ko ang pagtawa ng mahina ni Hanlu.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa kaya ginawa ko rin sakanila yun.

"Ow shit. Mula ulo mukhang paa kayo kaya chupi!" Agad silang nagalisan. kaya ngayon ay nasa tapat ko na si Hanlun na nagpipigil ng tawa.

"PFT! Ang liit liit mo ang tapang tapang mo." Pangaasar nya sakin sabay gulo ng buhok ko.

"Tch, gustong gusto mo rin kasing pinagkakaguluhan ka ng mga babae." Tinignan ko sya ng masama

"Bat ka pa kasi pumunta dito sa building namin? Dapat hinintay mo nalang ako sa garden eh. Pinagkaguluhan ko tuloy." Inirapan ko sya pero inakbayan nya lang ako at nagsimula na kaming maglakad.

"Gusto ko lang sanang tignan kong may umaaligid sayong mga lalaki dito, kaso di ko naman alam na ang dami ko palang fans dito sa HRM building, sa engineering building kasi konti lang. Shit ang hawt ko talaga." Sabi nya at nag pogi sign pa. Nagulat naman ako ng may iilan na tumili sa likod namin, nakita ko ang tatlong babae na mukha 1st year college palang kaya agad ko silang pinandilatan ng mata kaya napayuko sila.

"Eli naman ehhh~ wag mo namang takutin ang mga fans ko." Tinignan ko sya ng masama at sinuntok ang tyan nya

"Gusto mo ba dun ka nalang sakanila huh Hanlu?" Madiin kong tanong sakanya.

"Aw. Aish. Hindi po boss, sige takutin mo lang sila." Ngumiti sya ng nalapad

"Tss. Mamaya may practice kayo? Una nalang akong uuwi huh?" Pagtatanong ko sakanya. Pumayag naman sya basta daw kasama ko si Lei at uuwi kami agad.

Kumain lang kami sa garden at hinatid nya ulit ako sa building namin pero di ko na sya pinaakyat pa dahil baka di na sya makababa.

Pagdating ko sa room ay maya maya rin ay dumating na ang prof namin sa last subject. Simpleng pagtuturo lang ang ginawa nya at nagdismiss na rin sya agad.

Agad akong nilapitan ni Lei at hinatak palabas ng building.

"Game na babae." Pagumpisa nya

"Hayst. Ganto kasi yan. Kaninang umaga tinanong ko si Hanlu kung kailan ko makikilala yung kamal nya sa Korea. Pero ang sagot nya lang ang kilala ko na daw yun." Napahinga ako ng malalim

"Pero di ko pa naman nakikilala, weird talaga ni Hanlu kanina. Tska ang gulo din kasi Chinese sila pero nasa korea iyon at nasa pilipinas naman si Hanlu? Anong meron?" Pagmamaktol ko. Pinadyak padyak ko pa ang paa ko, natigil ako ng biglang sabihin ni Lei ang isang bagay na ikinagulat ko. Kahit sa pabirong paraan nya lang iyon sinabi ay kinagulat ko parin iyon.

"Hahaha, Naku babae. Baka kasi si Luhan yung kambal nya. Kasi una, kamukha nya, pangalawa kabirthday nya, pangatlo kilala mo.. Hahahahaha! Jokeeeeeee!~"

Cabelza♡

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon