Fangirl Ten

805 32 1
                                    

Elipse POV

"Elipse nasa baba si... Hanlu? Nagpakulay ba sya ng buhok?" Sabi ni mama habang nakadungaw sa pintuan ko

"Ah ma. Si Luhan yun, kambal ni Hanlu." Paliwanag ko habang kinukuha ang handbag ko.

"Luhan? Parang narinig ko na yun... Ahmm, Luhan. Luhan." Halata sa itsura ni mama na inaalala nya ang pangalang Luhan. Pft, malamang ilang beses nya na yung narinig mula sakin.

"Di ko matandaan, pero ang gwapo ng kambal ni Hanlu huh, I mean mas gwapo sya kaysa kay Hanlu. Dahil mas maporma to, medyo mas maputi ito kay Hanlu at yung hairstyle nya ibang iba." Tuloy tuloy na sabi ni mama

"Haha, Oo nga ma eh." Lumabas na ko ng kwarto at bumaba na ng hagdan habang si mama naman ay nakasunod sakin

"Ahm. Hi Luhan." Naabutan ko sya na kumakain ng cookies habang nagccellphone.

"Hello, may wifi pala kayo? Ang saya naman dito." Tuwang tuwa nyang sabi

"Ay oo iho. Ito kasi si Elipse gustong gustong maginternet tapos lagi pa syang nagpupuyat kasi----" Alam kong magkkwento nanaman si mama ng kung anu ano kaya agad ko syang pinatigil.

"Mama naman.. ano tara na?" Tanong ko kay Luhan na mukhang walang balak umalis dahil sa wifi.

"Ay, sige. Tara na." tumayo na sya

"Ahm. Pwede po bang magbaon ako ng cookies nyo tita? Please po, ang sarap kasi eh." nagpuppy eyes sya kaya si mama ay agad na natawa.

"Oo naman. Wait, may isang box pa ng cookies dito sa ref eh, ibibigay ko nalang sayo yun since kambal ka ni Hanlu." Pumasok si mama sa kusina at mamaya din ay lumabas dala ang isang box ng cookies

"Ayan, si Hanlu hindi mahilig sa cookies parang to si Elipse hindi din mahilig. Kaya kadalasan walang kumakain ng mga binibake ko. Buti at punta ka dito." Tuwang tuwang sabi ni mama

"Ganun po ba? Haha, babalik po ako dito. Para po kasi sakin wala ng sasarap sa home made cookies eh. Salamat po dito huh? Alis na po kami, sa uulitin po sa may cookies ako." niyakap ni Luhan si mama na ikinagulat ko

"Ang bait naman ng batang ito parang si Hanlu lang din. haha. Sige, mag iingat kayo."

Lumabas na kami ng bahay at pumasok sa sasakyan ni Luhan na nakapark sa tapat ng bahay namin. Inistart na nya yung kotse nya at nagsimulang magdrive.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Luhan sakin habang ngumunguya ng cookies. Di parin ba sya busog jan?

"Ikaw bahala." sagot ko habang kinakabit yung seatbelt na kanina ko pa di makabit.

"Aish! Puta, bat di makabit?" Mahina kong sabi sa sarili pero nagulat ako ng biglang huminto yung sasakyan kaya agad akong nasubsob.

"Asdfghjkl~" yan lang ang nasabi ko habang muling umaayos ng pagkakaupo. Nanlaki ang mata ko ng nasa tapat ko na si Luhan

"L..luhan.. anong ginagawa mo.. di pwede to.. girlfriend ako ng kambal mo.. iba nalang.. kahit bais kita.. di ko to magagawa.." Di nya ko pinansin. Mas lalo pa syang lumapit sakin. Pumikit ako dahil konting konti nalang ay magdidikit na ang mga labi namin.

*Teek*

Pagkarinig ko nun ay naramdaman ko ang paglayong muli sakin ni Luhan kaya minulat ko ang isa kong mata para siguraduhing wala na sya sa tapat ko.

Napahinga ako ng malalim, narinig ko ang mahinang tawa ni Luhan.

"ba't ganyan mukha mo? Nanghihinayang kaba kasi di kita hinalikan?" Tanong nya kaya agad akong napalingon sakanya.

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon