Fangirl nine

618 37 2
                                    

Elipse POV

Sabay kaming pumasok ni Lei sa Moonlight restaurant. Parehong may ngiti saming labi.

"Excited na kong makilala yung kakambal ni fafa Hanlu~" labas gilagid na sabi Lei

Dumiretsyo kami sa taas ng restaurant

"Ba't nandito tayo babae? For private and VIP persons lang ang pwede dito eh." Pagtataka nya

"Tinanong ko si Hanlu kung nasaan sila, sabi nya nasa second floor daw." paliwanag ko sakanya habang hinahanap ang room number na tinext sa akin ni Hanlu kani-kanina lang.

dito kasi sa second floor ng MR ay puro rooms lang. yung iba dito nag meeting habang kumakain. kaya nasabing for VIP or private rooms to dahil kadalasan mga sikat at mayayamang tao lang ang nandito.

"Eh ba't dito pa? Juskoooo~ Alam kong mayaman si Hanlu pero ipapakilala nya lang naman yung kambal nya ba't kailangan sa private room pa?" Tanong nya

"Malay ko." Yan nalang nasagot ko sakanya dahil kinakabahan na ko. asdfghjkl~ makikita at makakasabay kong kumain ang EXO mga bhe! Sino di kakabahan dun.

"Tch. Sikat ba yang kambal ni Hanlu huh?" kasabay ng tanong nyang yan ay saktong kita ko sa kwarto kung nasaan sila

Mula sa labas nito ay rinig narinig mo ang manly at malakas nilang tawanan at boses.

"Woy Bhe! Dito na ba yung kwarto nila? Tara na sa loob." Hinawakan nya ang door knob

" Woy, Mumatok muna tayo bhe." Kinakabahan kong sabi

" Tae kaba? Ba't pa kakatok eh si Halun at yung kambal nya lang naman ang nanjan sa loob." Agad nya itong pinihit at binuksan ng malaki sabay sigaw

"WELCOME TO THE PHILIPPINES HANLU'S TWIN BROTH!!!!-----" Nanlaki ang mata nya at napatakip sya ng bunganga

medyo sumilip ako upang makita ang reaksyon ng EXO dahil sa inasal ng bestfriend ko. napasapak ako sa noo ko ng makita ko sila ng naglalakihan ang mga mata pati ang bunganga nila ay nakabukas dahil siguro sa sobrang gulat. Maski ako naman nagulat sa ginawang yun ng bestfriend ko

Agad na sinara ni Lei ang pintuan.

"Wrong room tayo bhe. EXO kasi ang nandun eh. napahiya ako bhe." Mangiyak ngiyak nyang sabi

"Nawalan na ko ng gana kumain bhe. Uwi na tayo, Sabihin mo kay Hanlu napahiya si Lei sa EXO kaya nagpasyang umuwi. Tara na." Tuluyan ng tumulo ang luha nya at hinila nya na ko upang makauwi na ng biglang bumukas yung pintuan at iluwa nito si Hanlu.

" Elipse at Lei! Saan kayo pupunta? pasok na kayo." pagaaya nya samin na ikinagulat ni Lei

"B--ba't ka nanjan e kwarto yan ng EXO..." pinunasan ni Lei ang luha nya

"Kasi.. basta pasok na kayo." Nginitaan nya kami

"Tara na Lei. Tangina mo kasi, sabi ko kumatok muna tayo eh." Sabi ko sakanya at hinila sya

"Wait lang!!! Uwaah~ Nahihiya akooooo~" Pumadyak padyak sya

"Bilis na kasi! Iiwan kita jan." Panakot ko sakanya at lumapit na sa pintuan. Iniiwasan kong tumingin sa loob nito dahil panigurado nakatingin sila sakin. Woooh~

Nagmadali naman sya ako tumabi sa akin. Nakayuko kaming dalawa habang pumapasok kami sa loob. ugh! Feeling ko magbbreak down ako dahil sa sobrang kaba.

naramdaman ko ang pagakbay sakin ni Hanlu kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko

"Wag kang kabahan. Just be yourself." Bulong nya sakin na lalong nagpalakas sa loob ko

Tsk! Feeling ko ipapakilala na ko ni Hanlu sa magulang nya eh. Hahaha! Paano pag maturn-off sakin ang EXO? Paano na kami ni Luhan? Paano na kami ni Hanlu? Baka paghiwalayin nila kami. Uwaaaaah~

Nang makalapit kami sakanila ay nagulat ako ng bigla silang tumayong lahat.

"ANNYEONG HASEYO~" Sabay sabay nilang sabi sabay bow sa harap ko

"Oh---A--- Annyeong~" Sabay din naming sabi ni Lei at nagbow

"I'm Suho." nilahad nya ang kamay nya kaya agad ko itong ikuha ganun din si Lei

"Chanyeol~"

"Lay~"

"Chen."

"Sehun~"

"Kai."

"Kris"

"Luhan"

"Tao"

"D.O"

"Baekhyun." Habang sinasabi nila ang pangalan nila ay isa isa silang nakikipagkamay saming dalawa ni Lei. Nilingon ko ang kaibigan ko na kasalukuyang nakatitig kay Baekhyun kaya binulungan ko sya

"Babae, Baka matunaw si Baekla. Kumurap ka naman."

"Anong kumurap? Mamaya wala na sya sa harap ko pagkumurap ako no." Sabi nya habang di parin inaalis ang tingin kay Baekhyun

"I'm Luhan.. Hanlu's twin brother." Nagbow sya kaya lumaki ang mata ni Lei

"Sabi ko na nga ba! Kambal kayooooooo~" gulat na sabi ni Lei.

Nagtawanan sila at pinaupo na kami para magumpisang kumain.

---

Masaya naman ang naging gabe naming lahat, kahit medyo nakakanosebleed dahil kadalasan nag kokorean sila kaysa sa tagalog. Unfair samin yung ni Lei kasi silang lahat marunong mag korean.

Tapos na kaming kumain at nagpapahinga nalang muna kami bago umuwi.

"Alam mo Hanlu sayang ka eh, nagoffer sayo ang YG, JYP, CUBE at SM na maging trainee na pero tinanggihan mo." Pagoopen ng topic ni Suho about dun

"Hahaha, Ya! Natatandaan ko nga nun nagbakasyon si Hanlu sa korean then ang dami na agad offer sakanya." Natatawang sabi ni Luhan.

Nilingon ko si Hanlu na kasalukuyang nakangiti.

"Naku, alam nyo naman gusto kong mag karoon lang ng normal life diba?" Paliwanag ni Hanlu.

"Everybody wants a normal life. Pero masaya rin naman yung alam mong maraming nagmamahal sayo." Luhan. alam kong mga fans ang tinutukoy nya

"Sabagay, pero kontento na ko sa pagmamahal ng girlfriend ko sakin." Hinawakan ni Hanlu ang kamay ko kaya agad na naginit ang buong mukha ko

"Talo ng libo libong taong nagmamahal sainyo ang pagmamahal na pinaparamdam sa ng nag iisang babae to, bro." Dugtong pa ni Hanlu

"So, pwede ko bang mahiram ang girlfriend mo bro para maramdaman ko din yung nararamdaman mo? Sige na bro, kahit 3 days lang. Iparamdam nya sakin kung paano magkaroon ng girlfriend." bigla naman akong nagulat sa sinabing iyon ni Luhan

"Don't worry bro. Ibabalik ko Elipse ng walang galos, let's call it KNOWING-MY-BROTHERS-GIRLFRIEND-DATE."

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon