Fangirl five

595 36 1
                                    

Elipse POV

"Eli!" Lumingon ako at nakita ko si Hanlu na tumatakbo palapit sakin.

"Oh?" Nginitian ko sya. Tumigil sya sa harap ko

"Woh! Magcconcert na ang EXO dito." May kinuha sya sa bulsa nya

"May dalawang VIP ticket na ko para satin." Nanlaki ang mata ko

"B--bat m--eron kana nyan? Di pa naman nagsisimula ang pagbebenta nung ticket huh? Next week pa ang start!" Agad syang namutla at napayuko

"Hanlu.. Anong koneksyon mo sa EXO?" Seryoso kong tanong

"W--wala." Mahina nyang sabi

"Girlfriend mo ko pero di mo masabi sakin kung sino ang kambal mo at bakit meron kana agad na ticket at ang matinde pa, VIP pa!"

"Ayaw mo ba nito? Ibibigay ko nalang sa iba." Tatalikod na sana sya pero pinigilan ko sya

"No. Joke lang naman yun Hanhan eh. Hahaha! Yeheyyyyy~" Niyakap ko sya ng mahigpit

"Kiss ko?" Bulong nya. Natawa nalang ako. Agad akong tumingkayad upang maabot ko ang pisngi nya sabay halik dito

"I love you." Sabi ko habang nakatingin sa mata nya

"I love you too." Nakatitig nya ding sabi sakin

"Kaso Hanhan di ako papayagan nila mama." Malungkot kong sabi

"Bakit?"

"Alam mo na. Dahil sa nangyari last year."

"Ahh~" tumango tango sya

"Hayaan muna natin baka sakaling magbago ang isip nila. Tara Eli, kain tayo." Hinatak nya ko at dinala sa park

"Hanhan~ Gusto ko ng Icecream na yun uh!" Tinuro ko si Manong na nagtitinda ng dirty icecream

"Madumi daw yan." Pagbabanta nya

"Okay lang, mas masarap pag madumi!" Tumawa naman sya ng bahagya at naglakad na kami papunta doon. Pagtapos namin bumili ay nagcrave naman ako sa street foods

"Hanhan, gusto ko ng street foods, please~" nagpout ako sa harap nya

"Oo na! Hintayin mo ko dito. Jan ka lang." Napangiti ako ng malapad. Spoiled ako eh. Hahaha!

Habang hinihintay ko sya ay may dumaan na grupo ng mga babaeng naguusap tungkol sa pagdating ng EXO.

"Next day na pala ang dating ng EXO dito." G1

"Bat ang aga?" G2

"Ahm. May usap usap na may dadalawin daw si Luhan dito." G3

"Sino naman yun?" G2

"Ewan. May mga nagsasabi na kakambal daw ni Luhan pero madami din ang di naniniwala." G3

"Ahh." Pagtango nung dalawa. Napatingin ako sa gawi kung saan sila nakatingin dahil bigla nalamang naglakihan ang mata nilang tatlo

"Fvck. Sya ata ang sinasabing kambal ni Luhan mga Be." G1 Nakita ko su Hanlu na naglalakad mula sa tindahan ng street foods

"Gosh! Kamukha nya si Luhan. Ang pinagkaiba lang ang style ng buhok at ang kulay nito." G2

Lumapit na sakin si Hanlu. Nakatitig ako sa mukha nya pero ang mga tenga ko ay nakikinig parin sa tatlong babae.

"Walang duda mga be. Sya talaga ang kambal ni Luhan." G3

"Oh? Eli, bat ganyan ka makatingin?" Pagtatanong nya

"Ikaw.. ikaw, kambal mo si Luhan diba?"

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon