Fangirl four

599 39 5
                                    

Elipse POV

-Flashback-
One year ago

Isang napakaingay na paligid ako bumungad sakin nang makarating ako sa airport. Woooh~ agad akong tumakbo sa mga nagtutumpukang fans, kaso sa height kong to kahit tumingkayad ako ay di ko parin matanaw ang paglabas ng EXO.

"KYAAAH~ ANG GWAPO NI CHANYEOL~"

"OMG! BAEKHYUUUUN~"

"GHAD! SI TAO YUN OH!"

Halos mangiyak iyak ako dahil kahit tumalon na ako ay wala parin.

"Bat kasi ang liit liit ko!" Pamamaktol ko. Tumingin ako sa paligid.

"Oh?" Sa likod ko ay nakita ko ang isang lalaking matangkad, nakamask, maputi, ang buhok nya ay pang kpop din, nakajacket at nakalagay sa bulsa ng jacket nya ang dalawa nyang kamay, nakatingin lang sya ng walang kahirap hirap sa EXO

"Mukha syang Kpop." Mahina kong sabi.

Dahil nga naka face mask sya ay ang chinito nya lang na mga mata ang nakikita ko.

Lumapit ako sakanya.

"Hi." Tumingin lang sya sakin at binalik ang tingin sa EXO

Puta. Snob ako! Alam ko na! May naisip ako para makita ang EXO.

Pumunta ako sa likod nya at agad na kumapit sa leeg nya.

"Hey! Fuck!" Pinilit kong sumampa sa mga balikat nya.

"Bumaba ka nga jan! Ano ba!" Galit na galit nyang sabi sakin

"Parang awa mo na kuya! Kailangan kong makita ang EXO lalo na si Luhan!" Nang nasa balikat nya na ko ay humawak ako sa buhok nya.

"Shit! Magugulo yung buhok ko!" Pagmamaktol nya

"San ako hahawak? Baka malaglag ako!" Sigaw ko sakanya

"di ko na problema yun. Nakapatong kana nga sakin ako pa magiisip kung san ka hahawak? Ang liit liit mo pero ang bigat mo." Pagdadaldal nya

"Si Luhan!~" sigaw ng mga fans.

Agad akong napasigaw.

"Omg~ Kuya! Lapit ka ng konti di ko makita yung asawa ko bilis!"
Narinig ko ang buntong hininga nya.

"Omg! Luhan!" Sigaw ko ng makita ang nakatalikod na si Luhan

"KYAAAAH~" nakita ko rin ang mukha ng mga members pero si Luhan nakatalikod parin

"Hey! Wag kang magulo baka mahulog ka!" Sigaw ni kuya. Naramdaman ko ang paghawak nya sa mga paa ko.

Nagside view bigla si Luhan kaya...

"UGGGH~ OMG~ OMG~ LUHAAAAN!!!~" Di ko mapigilan ang sarili ko, agad akong nagwala.

"Omg talaga!!!~" Patuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Hey. Stop." Rinig kong sabi nya.

Huli na nang maalala ko na nakapatong lang pala ako sa isang lalaki. Kaya agad akong tumigil.

"Sorry." Sabi ko.

Kalmado na ako nang biglang magtakbuhan ang mga fans. Sa sobrang dami nila ay na babangga na nila si Kuya.

"Hey! Bumaba kana jan baka ma--"

*BLAG*

Naramdaman ko ang sakit ng aking ulo. Unti unting lumabo ang paningin ko..

"Aww" Rinig ko ang eco ng mga boses ng fans na patuloy parin sa pagtakbo

"Hey.. miss, are you okay?" Kahit malabo na ang paningin ko ay nakikita ko parin ang naka face mask nyang mukha. Tinanggal nya ang face mask nya..

"Lu...luhan?"

"No. Im not Luhan. Fuck! Dumudugo ang ulo mo."

Yun lang ang huli kong narinig mula sakanya at nawalan na ko ng malay.

Nagising ako na nasa hospital na ko at nasa gilid ko ang mama at papa ko.

Tinanong ko sakanila kung nasan yung lalaking nagdala sakin. Ang sabi nila ay nasa kabilang kwarto daw dahil medyo masama din ang pagkakabagsak nito kaya nung medyo magaling na ako ay agad ko syang pinuntahan sa kwarto nya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa puntuan.

"Come in." Rinig kong sabi nya mula sa loob.

Dahan dahan ko itong binuksan at sumilip. Agad syang lumingon sakin..

"Luhan?!" Nagmadali akong pumasok

"Im not Luhan." Nagrolled eyes pa sya.

"Pero kamukha mo sya." Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mukha nya

"Hey! Ano ba! Wag mo kong hawakan. Baka nakakalimutan mo ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Sorry at Thankyou. By the way I'm Elipse, Eli nalang at ikaw siiiiiiiiiiii?~" ngumiti ako ng malapad

"Im HanLu."

-End of Flashback-

Hay! At yun ang dahilan kung bakit ganun nalang ang mga magulang kong makapagbawal sakin.

Kahit di ko nakita ang buong mukha ni Luhan ng mga araw na iyon ay masaya parin ako kasi nakilala ko si HanLu.

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon