Just a Fangirl by Cabelza
A Luhan fanfiction
Date posted: September 24, 2014
Date ended: April 3, 2016
PROLOGUE
"Hanlu, Magbreak na tayo. Sa tingin ko kasi malapit ng maging kami ni Luhan. Pasensya na." Kasalukuyan akong nakikipagbreak sa boyfriend ko.
Close na kasi kami ni Luhan. Pakiramdam ko nga ay mahal nya narin ako at sa tingin ko konti nalang, magiging kami na.
Nanatili syang nakatayo sa harap ko tila iniisip mabuti ang narinig nya. Maya maya ay tumulo na ang luha nya na syang ikinagulat ko.
"Ano bang pagkukulang ko Elipse para ganituhin mo ko?" Tanong nya
"Wala.. Di na kasi kita mahal.. mas mahal ko si Luhan." inilagay nya ang kamay nya sa bulsa nya at tumingin sa taas upang pigilan ang luhang tumutulo sa mata nya pero patuloy parin ang pagtulo nito.
"Sorry.." Sabi ko at tatalikod na sana ng lumuhod sya sa harap ko.
"Please Elipse, wag mo tong gagawin. Kung gusto mo magaaral akong sumayaw at kumanta para maging kasing galing ni Luhan. Pupunta rin akong korea para dun magtraining.." patuloy parin ang pagiyak nya.
"Gagawin ko ang lahat Elipse.. lahat lahat.. wag mo lang akong iwan. Nagmamakaawa ako Elipse." Niyakap nya ko habang nakaluhod parin
Napapikit ako.
BOYFRIEND KO O BIAS KO?!Habang humihikbi sya.. nakarinig ako ng mga katagang nakasakit sakin.
"Elipse, please, accept the fact that You're Just a Fangirl.."
BINABASA MO ANG
Just a Fangirl
FanfictionEXO SERIES #6 [Luhan FF] "He's an Idol and I'm just a Fangirl." Status: C O M P L E T E D