Fangirl three

666 39 3
                                    

Elipse POV

Hinagis ko ang gamit ko sa sahig ng kwarto ko at binagsak ang katawan ko sa kama ko.

Baka kasi si Luhan yung kambal nya.

Baka kasi si Luhan yung kambal nya.

Baka kasi si Luhan yung kambal nya.

"UGH!!!" Napasabunot ako sa buhok ko. Gumulong gulong ako sa kama ko.

Shit naman kasi! Bat pa sinabi yun ni Lei.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang twitter ko. Bumungad naman sakin ang napakadaming tweet tungkol sa concert ng EXO dito sa Pilipinas.

Nanlaki ang mata ko ng mismong SM ent. Na ang nagconfirm nito. Agad akong bumangon sa kama ko at pumunta sa kwarto ni mama. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko syang kausap si papa sa Skype.

"Ma! Pa! Magcconcert na ulit dito ang EXOOOOOO! Yes, this time sisiguraduhin kong makakapunta na ko! Woooh~" napatingin sakin si mama at si papa naman ay nakita kong umiiling sa screen.

"No Eli. Di ka pupunta. Maski sa airport ay hindi din pwede. Get it?!!" Galit na sabi ni mama

"Pero--"

"Please Eli. Makinig ka samin ng mama mo. Ayaw naming maulit yung nangyari dati dahil sa kanila."

Tumulo ang luha ko.

"Ano bang problema? It's been a year since that accident and I'm fine now." Pag mamaktol ko.

"WE SAID NO! AND ITS FINAL ELI!!" sabay pa nilang sabi. Kahit sa screen ko lang nakikita ang mukha ng papa ko ay halatang galit sya.

Lumabas ang ng kwarto nila at muling pumasok sa kwarto ko.

Lei Calling..

Agad ko itong sinagot.

"Hello Babae, Omg~ magcconcert na ulit dito ang exo huh? anong plano mo? Pupunta ba tayo sa Airport? Wait, umiiyak ka ba?" Sunod sunod nyang tanong.

"Yea.. di ako pinayagan nila mama at papa." Dahil chismosa si Lei ay agad syang naexcite

"Bakit? Kita tayo sa park. Kwento mo."

"Tss. Mukha kang pagong kaya ikkweto ka talaga, ganto kasi yun babae--" Ready na ako para magkwento ng pigilan nya ko.

"Wait~ Kita tayo sa park. Dun mo ikwento. See you girl."

Matapos nun ay agad akong naligo at pumunta na sa park. Naupo ako sa swing at nagmasid sa paligid. Bat pa kasi nangyari yun sakin.

"Babaeeeee!~" nakita ko si Lei na malayo palang ay kumakaway na. Tumakbo sya palapit sakin at naupo sa katabi kong swing.

"GAME!"

"Tch. Pasalamat ka talaga at kaibigan kita. Di sila pumayag kasi ayaw nilang mangyari yung nangyari sakin dati dahil sa pagpunta ko sa concert nila ay may nangyaring masama.." pinutol ko ang kinukwento ko ng makitang kong seryosong seryoso ang mukha ni Lei.

"Pft! HAHAHAHAHA! Ang pangit mo pala Lei pag nagseseryoso ang mukha?! Hahahaha! Price less girl." Hagalpak kong tawa kaya sa muling pagkakataon ay nakatanggap ako ng isang malakas na batok galing sakanya

"Leche ka. Excited na nga ako ehh." Pagmamaktol nya.

"Aray huh! Pangalawa mo na yan ngayon araw!" Hinimas ko ang batok ko

"Game na!" Utos nya

Agad ko namang kinuwento ang nangyari taon na ang nakakalipas, nang matapos ko iyong ikwento ay nanlulumo ang mukha ni Lei pero napalitan naman iyon masiglang mukha. Shit talaga tong babaeng to, kahit kailan napaka positive thinker.

"Atleast dahil dun nakilala mo ang iyong prince charming na si Hanlu. Swerte mo parin." Sabi nya.

"Tch. Pero di ko parin na kita si Luhan at ang EXO!" Sagot ko.

"Haist. Pwede naman tayong tumakas sa araw ng punta dito ng EXO huh?" Napangiti ako dahil sa sinabi ni Lei

"Wooh~ kahit papano pala may matino kang nasasabi no babae?"

Cabelza♡

Just a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon