Chapter 2

203 11 4
                                    

Chapter 2

Ang bakedmac ko.

Ang bakedmac ko.

Ang bakedmac ko.

Ang bakedmac ko.

Paulit-ulit na sabi ng isip at tyan ko habang tinitignan ko ang pagkain ko na nasa sahig na, natapon sya, walangya, 75 pesos ko nawala ng bigla bigla. Napatingin naman ako sa taong may kagagawan ng pagkasayang ng pagkain ko.

Ewan ko ba, bigla ata ako na tulala ng Makita ko ang muka nya, ang mga mata nyang medyo singkit, mapupulat maliit na labi, maputi at namumula nyang pisngi, matangos na ilong at

At

"Miss, okay ka lang? pasensya na nagmamadali lang kasi ako......................."

Maganda nyang boses. Para syang si Adonis na bumaba sa lupa, si peterpan ni wendy, si prince charming ng mga prinses ng mga fairy tales, ayoko isa-isahin dahil hindi ako mahilig sa fairy tales.

"miss? Papalitan ko nalang......"

Anak nang, oo nga pala yung bakedmac ko, napangiwi akong tumingin sa pagkain ko sa sahig, kung hindi lang talaga ako gutom, at kung hindi lang sya si Dylan, baka nahampas ko na sa kanya itong tray na hawak ko.

"baked mac ko" isang mahinang boses ang kumawala sa bibig ko pagkakita sa pagkain ko.

"sorry miss, palitan ko nalang, hindi ko sinasadya nagmamadali lang din kasi ako, and I guess nalate nadin ako sa subject ko."

Kinokonsensya ba ako nito? Ano naman ngayon kong na late sya, kasalanan ko ba parati iyon, dapat kasi 5 minutes palang eh naalis na sya dito, hindi yung nasa cafeteria padin sya kung kelan time nya na. tinitigan ko lang sya at sinabing

"palitan mo na, dalawang order yan, tapos ang juice ko pineapple" ngumiti lang sya sa akin at umorder nadin, bago pa man ako manginig sa sandaling ito, kelangan kong pakita na hindi ako tinatablan na karisma nya, dapat pa cool lang ako. Kahit na ang buong pagkatao ko ay isa-isa nang nagagambala dahil sa boses, at mga ngiti nya.

"eto na, pasensya na ulet" sabi nya sa akin na nakangiti, syet na malagkit ang gwapo nya talaga, para syang angel ko. Tapos mas lalo syang ngumiti nung nakatingin lang ako sa kanya.

"sa- salamat"

"no problem" umalis na sya sa harap ko, at ako naman hindi ko alam kung kakainin kop aba ito, kasi bigay nya to, kapalit ng natapon nya na pagkain.

Sa huli tinuluyan ko ng kainin ang binili nya, pero bago yun nag selfie muna ako dun, kahit naman sino iseselfie yun diba?

"nakita nyo yun? Nginitian sya ni Dylan, hindi lang yun, pinalitan nya pa yung pagkain nya tapos nakipagusap pa sa kanya"

Masaya na sana ako sa cafeteria kung hindi lang masyadong madaming maingay ditto at puro tsismisan ang ginagawa. So totoo pala na bihira pala talaga syang makipagusap at makipag pansinan sa iba, pero hindi naman siguro tinuro na maging rude sya sa mga tao pag may kasalanan sya.

Bago pa man matapos mapuno ng tao ang cafeteria, tinapos ko nalang ang pagkain ko at pumunta sa isang puno malapit sa field. Dito ako natambay pag gusto kong mag-isa, wala lang presko at tahimik kasi dito.


ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon