Chapter 11

102 7 0
                                    

Chapter 11

At dahil nadin sa may taglay na kaingayan si Mika, nalaman ko na matagal na palang merong invisible girl na gusto si Dylan, nakilala nya daw ito nung nasa ibang bansa sila at sa playground nya ito nakilala. Hindi alam nila Mika kung totoo ba ang sinasabi ni Dylan kasi simula bata palang ito ay wala na itong kinakausap bukod sa kamag-anak nya.

Parati kaming magkasama ni Mika sa masamang kapalaran ko, ayos nadin sa akin kasi meron akong free sight kay Dylan kahit na parati nya akong sinusungitan at parati syang galit sa akin. One time nga nung magkasabay sabay kami nila Mika na magsimba ay halos itakwil ko na ang sarili ko at ilayo sa mga taong kasama ko dahil bukod sa ang ganda nilang lahi at hindi naman talaga ako belong ay kung ano ano ang sinasabi ni Dylan tulad nang:

"Bakit nandito yang Babaeng yan?"
"Ano bang gingawa nyan dito?"
"Bakit ba kasama nyo sya?"
" Hindi ka paba aalis dito sa pwesto namin?"
Yung last yung hindi ko makakalimutan kasi kagalit-galit na at gusto ko na talagang umalis kung hindi lang ako napigilan ni Mika. Pasalamat sya at kilala sya sa Simbahan at kung tinatanong nyo kung bakit hindi sya nasa harap at tumutulong kay Father, may schedule pala daw kasi ang mga Sakristan at dahil isa sya sa matataas na member ng samahan sa simbahan Malaya syang nakakapili kung gusto nyang maglingkod o hindi, talaga naman napakagaling naman sa Simbahan ano.

After ng pagkikita naming na iyon parang nagkaroon na ako ng phobia na pag nakikita ko si Dylan hindi nalang sya yung kakabahan ako, manginginig ang tuhod ko, iba na naiinis na ako pag nakikita ko sya. Bukod kasi parang tinubuan sya ng pangalawang ngunot sa noo, para pang diring diri sya na kausapin ako, talaga bang mahirap ako kausapin? O sadyang may sapak lang sya sa utak kaya naman ganyan sya sa akin at baka nadin sa iba.

Monday nang ipatawag ako sa CSG para mag report nang kung ano ang gagawin namin course ako kasi ang naatasan na bukod sa ako ang president ng section naming ako din ang nagiisip ng kung ano ang gagawin namin sa Foundation Day. Hindi ko nga malaman kung bakit pati sa College uso ang mga Stall, yung makukuha naman naming pera ay gagamitin naming para sa Christmas Party ng batch namin.

Kitang-kita ko kung sino ang naabutan ko sa room ng CSG, si Dylan lang naman mag-isa at naka kunot pa ang noo habang binabasa ang mga papel na hindi ko alam kung reviewer nya ba o baka naman mga papel na may kinalaman sa CSG. Ayoko naman na talagang pumasok pagkakita ko sa Glass window kung hindi nya lang talaga ako nakita na nakasilip doon. Kaya kahit labag sa loob ko pumasok nalang ako.

"Anong gagawin nyo sa Foundatiom Day?" tanong nya sa akin habang nakatingin padin sa papel na binabasa nya.

"ahm, naisip kasi ng course naming tutal mga IT student kami gagawa nalang kami ng booth na Photo Booth atleast for this coming Foundation everyone can capture those moments." Hinabaan ko na para approved agad.

"what if may dala silang Camera, or Sa Phone nila? Pano mo malalaman na papatok ang naisip nyo?" sinasabi nya iyon habang binababa nya yung papel na hawak nya. Napalunok ako nang titigan nya ako diretso sa mata ko. Nakalimutan ko ata yung dapat kong sasabihin, nakaka conscious ang pagtingin nya.

"errr, aware naman kami dyan but para sa amin may mga designs na pwedeng gamitin and we also have our own costumes at diretso print na sya na para talagang sa photobooth na may mga device na ang pinagkaibahan lang pwede silang mamili kasi Camera ang gagamitin naming and diretso photoshop nadin tutal naman mas bihasa kami sa mga bagay na ganyan." Salamat po Lord at naitawid ko po ng maayos ang sasabihin ko.

"Ok, sige makakaalis kana, eto ang form ilista mo dito yung mga gagawin nyo at yung mga kasama nyo or members na tutulong sa inyo sa booth. Pakipasa din sa akin yan mamaya after ng class mo, sige na pwede ka nang umalis."

"Thanks!" ayun lang yun, mas mabilis pang kumbinsihin ang mga Prof ko kesa sa kanya, ang haba haba pa ng paliwanag para lang umagree sya sa Booth na itatayo namin.

Umalis na ako para umpisahan nadin hanapin ang willing at kawang gawa na tutulong sa akin para maayos at ma set-up na ang gagamitin namin, isa nanamang mahabang araw ito para sa akin lalo't tatlong linggo nalang bago ang Foundation Day.

(a/n: as you can see hindi talaga ako nag uupdate na, ginagawa ko pa kasing 2-3 chapters bago ko i-update sa Wattpad, I hope na maunawaan nyo na mahirap po ang mag update but still, I keep my promise patuloy po ang pagsusulat ko ng kwento, salamat sa mga nagbabasa pa. GB"


ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon