Chapter 14

83 4 1
                                    

Judy POV

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina lang. Iniisip ko palang na ngumiti sya, Halos hindi na ako makahinga. Tama ba talaga ang nakita ko? ngumiti talaga sya. teka baka hindi naman kasi sa akin nakangiti. Tama baka dun sa nagpalaya sa amin sya ngumiti. Judy naman nag iimagine ka nanaman kasi.

Tumayo ako para kumuha ng tubig at naisip ko nadin ang pumunta muna ng terrace. mas kumportable kasi ako doon at baka makatulog nadin ako kung magbibilang muna ako ng stars.

Kasalukuyan akong nagbibilang ng stars ng may marinig akong tumatawa ng mahina sa paligid ko. It actually creeps me out. 12am may maririnig akong natawa, sino bang hindi tao ang hindi matatakot para dun. Mas narinig ko ang tawa ng isang tao mula sa malayo. Lumalakas kasi ang tawa nya. Hindi ako makagalaw ayoko lumingon lingon sa paligid kasi natatakot talaga ako.

"Judy" "pst" "pst"

OMG. Kilala ako nung ghost. huhuhu wag sana yan si lola baka mapagalitan nya ako. Wala pa naman si Mama para takbuhan ko. Nag enjoy na ata sa China at ayaw na bumalik sa akin. Mas lalong lumakas ang tawa sa kabilang area. Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng makita si Dylan ang tumatawa at halatang gustong gusto at enjoy na enjoy sya sa pantritrip sa akin.

Saglit akong natulala kasi nakita ko nanaman syang tumawa. Teka. Tumatawa  sya, aba isang himala ito at mulang enjoy na enjoy sya sa pagtawa. Sana ganyan nalang sya parati nakangiti at tumatawa. Tinignan ko sya maigi nasa terrace din sya kagaya ko. Nakaupo sya at nakadekwatrong natawa. Tapos bigla syang napasimangot ng makita nya na nakatitig lang ako sa kanya.

"Anong tinitingin tingin mo d'yan?"  ayan na naman sya. Ang KJ nya talaga. kitang nag eenjoy pa akong tignan sya e.

Sinimangutan ko nalang sya. Ang KJ kasi talaga.

"Pft" "Hahahaha" tumawa nanaman sya. ano bang nakakatawa kasi at tawa sya ng tawa tapos yung tawa nya ay nakakainsulto pa. Tinignan ko sya ng masama habang sya mukang enjoy na enjoy, mabilaukan sana sya.

Habang tumatawa sya bigla bigla nalang syang nasamid. Haha sabi ko na nga ba may powers talaga ako e. Umayos na sya ng upo at tinignan ako. Medyo ano nakakahiya kasi. tsaka ano kinikilig ako kasi tinitignan ako ng crush ko. Sino bang hindi kikiligin.

" I saw you, you're counting stars and its actually weird." sabi nya sa akin matapos nyang sabihin yun.

Tama ba ang narinig ko? Pinagmamasdan nya ako habang nagbibilang ng stars. Guys Can i die now?

" Then ang loud pa ng pagbibilang mo. may kasama pang hintuturo at parang feeling mo mabibilang mo silang lahat. Pft" muli syang tumawa. Lupa please bumukas ka at kainin mo ako. Please lang.

Yun pala ang sanhi ng pagtawa nya ng malakas. Batuhin ko kaya ito ng mug nang mawala yang ngiti sa labi nya. nakakainis. Ginagaya nya pa ang ginagawa ko kanina tapos tatawa nanaman sya. Teka? Kanina pa kaya sya dun? Feeling ko muka akong tanga habang pinapanood syang tumatawa.

"You made my day, Judy Thanks. Matulog kana, Good night." Tumayo sya at pumasok na sa room nya habang ako natulala at hindi pa masyadong nag sink in yung sinabi nya. Tama ba ang narinig ko?  Hihihi ano teka teka lang talaga. hahaha impit akong napatili baka kasi makita nya kung gaano ako kahumaling sa kanya.

Pumasok ako ng room ng may ngiti sa labi at Hindi nagtagal nakatulog ako.

(a/n: Hi guys, I hope nakapag pasaya ako sa isang chapter na ito. Keep reading guys. Salamat.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon