Chapter 3
'dear diary,
Wow this is the first time na nakita ko ng malapitan si Dylan, hindi lang yun, nakausap ko pa sya, hindi ba masaya yun? Kaso kaya lang naman kami nagkausap dahil dun sa bakedmac na natapon nya pero ok lang yun, atleast kahit papaano nalaman ko kung sino ba talaga si Dylan, mabait sya diary, hindi katulad ng sinasabi nila na masungit, pinalitan nya yung pagkain ko eh, kaya para sa akin mabait nga talaga sya'
Sy
Sinara ko na yung diary ko, masyado atang madaming nangyari ngayon at mukang kelangan kong isulat sa notebook na kulay gray, masaya naman ako kahit papaano kasi may nasasabihan ako ng nararamdaman ko. Pero minsan iniisip ko na what if, may bestfriend din ako, what if nakwekwento ko din sa kanya ito.
Umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa labi, pangkaraniwan lang naman kasi akong estudyante, uuwi, papasok sa school, magsisimba at gagala paminsan-minsan.
Nadatnan ko ang mama ko na nagawa ng sandwich, meryenda nya siguro ito, parati kasi sya nagawa nyan at minsan ginagawan nya din ako pag umuuwi ako ng maaga.
"hi ma, andito na ako" bumeso ako kay mama tulad ng nakagawian ko na.
"dy, gusto mo ba? Teka gagawan kita"
"naku, hindi na po, akyat lang ako sa kwarto, busog pa po ako"
"sige anak, pagkatapos mo baba ka dito may paguusapan tayo"
"sige po"
Kung ano man ang paguusapan naming, wala akong ideya, wala naman kasing sinasabi yan si mama, minsan lang syang magsalita pero kahit ganun close kami nyan, minsan nga lang mukang hindi.
At dahil wala pa naman akong gagawin, bumaba na ako para makapagusap nadin kami ni mama.
"ma, regarding sa sasabihin moa no po bay un?" pauna kong sabi sa kanya.
"wala naman, kamusta ang school? Kamusta ang scholarship mo?"
Akala ko naman kung ano na, yun pala tungkol lang pala sa school, scholar ako ng school naming, hindi naman kasi kami kasing yaman ng mga tao dun, hindi naming afford ang malaking tuition ko dun kaya nga para kahit papaano mabawasan ang fees ko, nagging full scholar ako ng school.
"ayos lang po, ganun padin po, simula first year ako" sagot ko kay mama. Ewan ko ba kung bakit eto ang usapan naming ngayon.
"nga pala anak, bukas pwede mo bang ihatid yung pagkain sa kabilang bahay, may bago tayong kapitbahay kaya naman gusto ko silang I welcome sa street natin"
Si mama talaga, napakabait sa mga kapitbahay nya.
"sige po, san po ba banda?"
"katapat bahay natin dyan lang sa harap"
Aaahhh, kahit naman papaano may ideya na ako kung saan ko ibibigay yung pagkain bukas.
Yun lang naman ang pinagusapan naming ni mama, wala masyadong bago, dalawa lang kami sa bahay, ang papa ko naman nasa ibang bansa kaya ganto nasa subdivision kami at kumbaga nasa kalagitnaan kami ng mahira at mayaman, katam-taman kung baga.
Kinabukasan maaga akong gumising hindi dahil excited ako bigyan nang pagkain yung kapitbahay, kundi ganto naman kasi ako parati, maaga gumising kahit walang pasok, wala naman nakasanayan ko lang na maaga gumising.
Maaga din nakapagluto si mama, kaya naman pumunta na ako dun sa katapat bahay naming para ibigay nadin ang pagkain na pinadala ni mama, sigurado akong magugustuhan nila ito, mabango na, masarap pa magluto si mama.
Hindi ko manlang napansin, madaming pinagbago ang bahay na ito, mas lumaki at mas gumanda kumpara dati, siguro mayaman talaga ang may ari ng bahay na ito kaya napakalaki ng bahay.
Inumpisahan ko ng mag doorbell, isang beses, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito,walo,syam, sampo.
Wala atang tao, babalik nalang siguro ako mamaya. Patalikod na sana ako ng may marinig akong boses na nanggaling sa likod ko.
"wengya naman, ano bay un at doorbell ka ng doorbell" isang galit na lalaki ang narinig ko, pero parang narinig ko na ang boses nya, hindi ko lang alam kung saan.
Lilingon na sana ako nang magsalita pa ulit sya, na ikinabigla ko.
"ano na? miss ano ba problema mo?" napakasungit naman nitong lalake na ito. Alam nya ba kung ano ang GMRC, nilingon ko nga at mas nagulat ako. Teka si Dylan katapat bahay naming, ganito pala talaga sya sa ibang tao.
"oohh miss, ano nakakairita yang titig mo, ano ba kelangan mo?"
Hindi ko magawang sagutin sya, kasi naman kanina napakabait nya sa akin, tapos ngayon parang hindi nya ako kakilala, sabagay hindi nya naman talaga kasi ako kakilala, ano bang maasahan ko.
Magsasalita na sana ako nang bigla nyang isarado ang gate nila, sakto naman na malapit lang ako sa gate nabangga tuloy ako sa muka.
"ouch" aray naman lalake ba talaga to? Marunong ba syang gumalang sa mga tao?
"hindi ka kasi nagsasalita eh, at wala akong panahon sa mga tulad mo na nakatulala lang dyan"
Napaka-bastos ng bunganga nito, kala ko ba sacristan sya bakit ganyan na mga salita ang nilalabas ng bibig nya.
"eto, mister binibigay ng mama ko, bigay mo nalang sa mama mo, pakisabi bigay ng katapat bahay nya *sabay turo sa bahay namin*, pakisabi din sa mama mo welcome daw sa street na ito" tuloy-tuloy kung sabi bago tumalikod, naiinis kasi ako na ewan, at kinikilig nadin dahil nahawakan ko bigla ang kamay nya, anytime baka lumambot ang tuhod ko, delikado na.
"tss, nakakapagsalita naman pala, kala ko pipi, oi salamat"
Hindi ko na magawang lumingon, bakit pa? masyado ata akong nadidistract sa muka nya at yung kagaspangan ng ugali nya ay hindi ko Makita, eto talagang puso ko, parang kinakabahan na ewan.
Tumakbo nalang ako sa bahay para hindi nya ako Makita na, namumula na ang muka, kahit naman papaano nahihiya padin ako.
*sigh* isang araw palang ang nakalipas pero parang napakadami na nangyari ngayon.
BINABASA MO ANG
ONE SIDED LOVE - OSL
SpiritualHow do you define inlove? Is it something that you can express towards others like some emotions: sweetness, bitterness, anger, hatred? Or is it some of infatuation that you will know when you hit your head because you never notice it before. What i...