Chapter 6

107 5 0
                                    

Chapter 6

Umalis na ako ng bahay na nakasimangot, wala na bad vibes na ako sa araw na ito. ikaw ba naman nakita ka ng taong gusto mon a natulo yung laway habang tulala. Ano nalang ang iisipin nun pag nagkataon, ano ba naman yan.

Dumating ako ng school na nakasimangot padin, kinakausap ako ng mga klasmeyt ko kung may nagawa daw ba akong assignment kasi kokopya daw sila, ayan sinigawan ko nga, aba pinaghirapan ko kayang iresearch itong cascading style sheet at kung hindi ko pa aralin mababaliw ako sa mga codes nito, pero design lang pala ang ibig nitong sabihin.

Nakatulala lang ako hanggang sa matapos yung mga sinasabi ni sir, wala ako sa mood magsulat at making, parang nakakatamad. Natapos na lahat lahat yung subject naming at ganito padin ako.

Para mawala naman ang bad vibes na nararamdaman ko, pumunta nalang ako dun sa field na madalas kong pag tambayan pag gusto kong mapagisa. Pero wala pa ata ako sa malayo ng may nakita akong nakaupo na babae na nakayuko sa pwesto ko.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kanya, paano naman hindi ako matatakot ang gulo ng buhok nya tapos yung uniform nya ang dumi may kulay pula pa na dots, tapos sa bandang tuhod nya may mga dugo na naagos, kung sino man ang makakakita nito, for sure sasabihin nya din na ang creepy ng babaeng ito.

Aalis na sana ako nang marinig ko syang biglang napahagulgol sa iyak, hala may sapi ata itong babae na madumi ang uniform, iyak lang sya ng iyak na akala mo batang nawala, na akala mo walang nakakarinig sa tinis at lakas ng boses nya.

"ayoko na, ayoko na talaga waaahhh"

Nakakainis na yung ingay na nililikha nya, kaya iniwanan ko na sya at pumunta nalang ako ng cafeteria, napakaingay sino ba yung babae nay un at parang wala nang bukas kung umiyak sya.

Bumili nalang ako ng pizza tsaka baked mac pampa good vibes sa kumakalam kong tyan, tapos may pa takeout pa akong burger baka kasi gutumin ako after next class, at sana naman yung babae na nakita ko wala na dun kasi hindi naman magandan na mag stay lang sya dun, wala bas yang klase.

Natapos na ang klase ko at lunch na, ayoko naman na kumain kasi medyo nabusog na ako kanina tsaka isa pa may burger pa ako dito sa bag, kaya naman nag decide na akong pumunta nalang sa field para tumambay.

Papalapit palang ako ng Makita kong may nakaupo padin sa bench, tulad ng inaasahan ko yung babae nanaman, this time parang nagging worst pa ang itsura nito. Mugto na ang mata nya tapos ang pula-pula na nya. Nagaalangan akong lumapit pero itong curiousity ko ang nagpalapit sa akin.

Nakita ko sya nga malapitan, ay kagandang babae naman nito, bakit sya naiyak ng ganyan. Tapos singhot na sya ng singhot pero infairness yung ngawa nya kanina wala na iyak nalang ngayon. I mean tulo luha nalang.

Inabot ko nalang yung panyo ko sa kanya nakakaawa naman na kasi punas sya ng punas gamit iyong kamay nya. Tapos umupo ako sa tabi nya kaya naman nagulat sya sa ginawa ko.

"sa- salamat" alanganin nyang sabi sa akin sabay kuha ng panyo at siningahan agad, pambihira naman, nakaka turn off.

"wala yun, alam mo ba na mahalaga ang luha ng mga babae?" bigla akong napatingin sa kanya tapos nakita ko syang ngumunot ang noo, kaya naman pinagpatuloy ko yung sinasabi ko

"sabi sa akin ni mama, na ang luha parang dyamante yan, mas mahal pa kahit anong bato dito sa mundo, kaya dapat pinapahalagahan at pinagpipilian kung sino man ang bibigyan o lalaanan natin nito " nginitian ko na sya this time tapos agad na nag register sa muka nya yung lungkot nya.

"pwede ba akong magtanong?, bakit ka naiyak" kahit naman hindi ako interesado minsan sa mga tao, pinalaki naman ako ni mama kung paano makisalamuha at maki dalamhati sa kanila.

"namatayan kasi ako eh" malungkot na sabi nya. Agad akong naawa sa kanya, hindi biro ang mamatayan, parang sampung libong beses kang nasaksak ng stick, nakagat ng hantik sa sobrang hapdi at sakit na mararamdaman mo.

"condolence, hindi ko alam kung ano sasabihin ko kasi hindi pa naman ako nawalan nang mahal sa buhay" ngayon naman lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang braso nya.

"ang sakit kasi sobra, ang sakit pag nawala sayo yung minahal mo ng mahigit sampong taon, inalagaan mo" hindi nya natapos ang sinabi nya tapos umiyak na sya, awang awa ako sa kanya.

"sino ba yung namatay" sabi ko sa kanya.

"si chichi" sabi nya sa akin.

"kaano-ano mo?" tanong ko sa kanya kasi ang unique naman ng oangalan nun.

"pusa namin waaaahhhhhh" tapos umiyak nanaman sya. Kawawa talaga.

Pero ano daw pusa nila. Abat talaga naman ang sarap hampasin nito at isako palayo tapos ibitin patiwarik nang malaman at matauhan sya sa pinagagawa nya. Yung muka nya halos hindi na mapinta kasi natatakpan na nang buhok nya, tapos kala mo nawala sya ng ilang taon kasi muka syang gusgusin. Tapos nang dahil lang sa pusa.. para syang namatayan ng mahal sa buhay.

Ive never experience na mamatayan ng alaga kaya hindi ko alam at kung saan nya hinuhugot lahat ng pinagagawa nya. Nakakapanood naman ako ng movies na kapag namatay ang alaga nila iniiyakan nila ito pero saglit lang tapos tuloy-tuloy na ang buhay.

Nadistract naman ako kung paano papatayin itong maingay na kasama ko este papatahimikin kasi nakakarindi na nang mapatingin ako sa kanya. Paano tumunog ba naman ang tyan nya na nagsasabi na HOY ANO PAKAININ MO NAMAN AKO. Napatawa nalang ako sa nangyari kaya inabot ko nalang sa kanya yung burger na binili ko kanina. Ang kyut pa nga nya nung tinanggap nya kasi namumula na sya, siguro sa kahihiyan din.


ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon