Chapter 4
"Sunday"
Dito ay parati kaming nagising ng umaga, kahit naman ayoko at inaantok pa ako mas gugustuhin ko naman na magising ng umaga para wala masyadong tao sa pupuntahan ko. Hindi naman sa takot ako sa tao, ayoko lang ng masyadong madaming tao, dahil nadin pag madami ang tao, mas may tendency na umingay ang paligid.
Kaya eto ako ngayon nagsisimula na ang araw pag 5:00am, maaga akong natapos sa paliligo at pag aayos ng katawan ko, simple lang ang suot ko isang dress na medyo mahaba, sabi kasi ni mama mas bagay daw ito sa pupuntahan ko kaya eto nalang ang sinuot ko.
mula sa malayo naririnig mo na ang mga taong naglalakad papunta sa kung saan, ang kampana na tumutunog na, isang hudyat na malapit nang magumpisa ang misa. Sa simbahan makikita ang mga batang nagtatakbuhan habang may hawak na cotton candy, mga batang nagpapabili ng lobo, o kaya naman ay mga laruan na may gulong.
Sunday ngayon at syempre may misa, isa din napaka laking syempre ay nandito si Dylan. Kahit naman may paga ka rude na tao sya, hindi ko padin maiiwasan ang presensya nya. At dahil nadin siguro na sya lang ang nagustuhan ko ng lubos, na parang gusto ko nalang Makita sya kahit sa malayo lang.
Madali lang akong nakahanap ng pwesto malapit sa harap dahil nadin maaga pa, gusto ko sana dun sa bandang makikita ko kaagad si Dylan, kaso parang nakakatakot naman ata na dapat ko pang ipakita ang muka ko sa kanya, natatakot ako na baka maalala nya ako kasi kahapon nakita nya ako at parang nabwibwisit sya sa akin. Kaya naman napagdesisyonan ko na sa gilid nalang malapit sa pinto.
Nag ring na ang mga bell, kumakalansing ito at nagumpisa nang magsitayo ang mga tao, mga tinig na nagsisiglahan at mga ngiting makikita mo sa kanila. Kahit ako masaya ako na parati akong nakakapag simba, napaagaan sa loob ko at nakakatuwa talaga.
Sinilip ko ang sa aking mga mata ang isang lalakeng nakaputi katabi ni father, grabe talaga ang impact nya saken, isa lang naman ang itsura nya ngayon, at pag nasa school isang seryosong muka na akala mo hindi nasisilayan ng ngiti ang kanyang mga labi.
Habang papalapit sila sa pwesto ko, eto nanaman ang pakiramdam ko na hindi ma-identify para akong naestatwa at para akong nanginginig sa kaba at lakas ng tibok ng puso ko. Hindi pa sya nakatingin sa akin pero sobra sobra na ang ginagawa nyang presensya sa katawan ko.
Nagsimula naman na ang misa at nakikinig ako sa sermon ni father ay nagawi ang mga mata ko sa banda sa kanya. Ibang klase, ganito ba talaga pag sacristan ka, kelangan hindi ka ngingiti o sadyang hindi lang talaga sya palangiting tao.
Sana masilayan ko ulit yung ngiti nya, yung dun sa cafeteria, yung ngiti nya sa akin, gusto ko ulit Makita iyon. Habang busy ako sa pagtitig sa kanya ay siguro bigla nalang syang nakaramdam na para bang may nakatitig sa kanya at gumawi ang mata nya sa banda sa amin.
Gusto kong lumabas, gusto kong lumayo at medyo nataranta pa ako, nang Makita ko syang biglang tumingin sa gawi ko. Sana hindi nya ako nakita, kundi wala na akong maipapakitang muka sa kanya. Nakakahiya ano kaba judy. Habang kinakausap ko ang sarili ko at trina-try pakalmahin, mula sa pagkayuko ay muli akong tumngin sa harap.
"Hala" isang mahina kong sabi sa aking sarili.
Napayuko ulit ako, anak naman talaga bakit naman nakatingin padin sya sa gawi naming. Baka naman hindi na ako yun, baka naman katabi ko o kaya naman ay sa likuran ko, kaya agad –agad akong tumingin sa tabi ko at likuran ko, pero napangiwi ako. Sino ba naman kasing titingin sa kanila. Sa likod ko isang matandang lalake, at ang katabi ko naman ay isang matandang babae.
Tumingin ulit ako ng alanganin sa harap ng Makita kong bigla syang umiling at ngumiti. Ok lang ba sya? Sino naman tatawanan nya eh, parang nagagalit nga si father sa mga tao, puro sya pangaral sa kabataan.
Hinayaan ko nalang sya doon at hindi na pinansin, malapit nang matapos ang misa nang mapagawi ang mata ko ulit sa kanya, ngayon naman isang kunot na noo at simangot na muka ang nakita ko sa kanya, pero hindi la ng iyon..
Nakatingin padin sya sa banda sa akin, teka lang ano ba ang problema ng isang ito. Alam nya ba kung gaano kahirap magpakalma sa sarili ko gayong hindi ko alam kung sakin, o sa iba sya nakatingin. Naman Dylan, hindi ko na gusto ang nararamdaman ko.
Tanging pagyuko nalang ang ginawa ko matapos ang misa, ayoko na nga kasing tinitignan nya ako, alam nya ba kung gaano ako nako- concius tuwing titigan nya ako, feeling ko ang pula-pula ko na ngayon.
"Lets talk" napatingala ako sa boses ng lalake na humigit sa akin, mula sa pagkaupo, teka tapos nap ala at nakaalis na ang mga tao, at teka lang bakit nagpaiwan naman ako at nag papatangay sa lalakeng ito.
BINABASA MO ANG
ONE SIDED LOVE - OSL
SpiritualHow do you define inlove? Is it something that you can express towards others like some emotions: sweetness, bitterness, anger, hatred? Or is it some of infatuation that you will know when you hit your head because you never notice it before. What i...