The breeze of the afternoon, the students waiting to go home, the cars repeatedly honking as if there's no tomorrow, and the music on my earphones.
Basta't makasama ka.. ako'y nakauwi na..
I watch as the people get annoyed on how long they've been standing here beside the road waiting for the bus and jeepney's to have atleast a space for them to finally sit.
The orange and yellow hues of the sky is at it's peak. I watched as the clouds move along with the bright colors—followed by the sun setting and the cold moon rising.
If I get asked what my fantasy is, I wish to be the sunset.
No matter how tired, how busy the humans are, I'll be there to remind them that at the end of the day, there's still something beautiful to catch, something peaceful to watch.
Nakauwi n-
Natigil ang momentum ko nang biglang may humila ng earphones ko.
"Vin, kanina pa kita tinatawag hindi ka lumilingon"
Napatingin ako sa lalakeng hawak hawak ang dalawang earphones ko at isinuot sakanya ang isa habang inaabot sakin ang kaliwang parte ng earphone.
Napatulala nalang ako nang ikabit nya sa tenga ko ang isang parte nito. Halos hindi mapakali ang puso ko sa mga galaw nya.
Teka ano ba? Pambihira!
"Give me back may earphone" malamig na utos ko.
Ipinikit nya ang mata nya at inakbayan ako papalapit nang walang hiya.
Kahit sandali lang, basta't makasama ka ako'y nakauwi na..
At saktong sakto pa talaga ang kanta sa sitwasyon namin ngayon. Gago! Uuwi na ngalang pakakabahin pa ako. Ano bang trip nito? Hindi na talaga ako nasanay.
Malakas kong hampas ang nag pamulat sakanya. Mukhang humiwalay pa nga ang kaluluwa.
"Akin na kasi!" Marahas kong tinanggal ang earphones sa tenga nya.
Natatawa nyang ginulo ang buhok ko habang inilalagay ko sa bag ang earphones para hindi nya na talaga makuha 'to. Ang kulit kasi, hindi ako tatantanan kung isusuot ko pa ulit 'to!
"Ang sungit mo talaga" sabi nya at pinisil ang pisngi ko.
I boyishly rolled my eyes at him. Basta pag dating talaga sayo eh!
May jeep na umikot sa gitna ng daan kaya nag sabay sabay ang mga tao na nag unahan para makaupo. Tatakbo na sana ako ngunit may biglang humila sakin at tumakbo papuntang entrance ng jeepney na sasakyan ko.
Kahit na sobrang daming tao na ang nag uunahan, ako at ang taong humila sakin ang unang nakaupo.
"Oh 'diba? Basic" Si Gio, ang nangungulit sakin kanina na ngayon ay nasa tabi ko na nakaupo malapit sa entrance.
Napatulala nalang ako dahil para kaming nag teleport. Para akong hinila ni flash kanina sa sobrang bilis namin nakaupo dito sa jeep at kami pa nga ang pinakauna.
Mabilis napuno ang jeep. Almost everyone is devastated to go home to their families while others look like they're just about to go to work.
"Pasuyo ho" Si Gio na inaabot ang one hundred sa katabi ko. Ang kaso, mukhang lasing 'tong katabi ko at hindi pinapasa ang one hundred. Amoy alak pa.
Ayos lang naman sakin kung lasing sya, ang hindi ko gusto ay 'yung amoy nya. Ayoko rin na kakapit sakin yung amoy. Gusto ko sana lumipat ng upuan pero puno ang jeep at wala akong choice.
Ako na ang nag abot dahil mukhang walang balak 'tong katabi kong lasing.
"Dalawang San Ma' ho, studyante" sigaw ni Gio sa driver.