"Ang ganda nito! Dream house ko na 'to!" Si Gio na limang beses na ata sinabi yan habang kinakabit ang mga sketch ko sa pader. Pinaframe ko na ang mga sketch ko na bahay at iba pa dahil last month pa ako kinukulit nito.
Manghang mangha sya sa mga designs ko dahil talaga raw na may mararamdaman ka kapag tinitignan mo. Parang lumutang daw sya sa sobrang ganda. Bolero talaga.
Inabot nya sakin ang sketch ko na london bridge at kinabit iyon sa harap ng table ko na na inorganize ko rin dahil napapadalas ang pag ssketch ko dahil excited sa upcoming college.
Matagal pa naman, tatlong buwan pa pero halos hindi ako makatulog dahil sa saya kaya bumili na agad ako ng mga kailangan ko.
May mga pencils 'yon na mamahalin at T-square. Naka drafting table na rin at maraming iba't ibang eraser na naka organize. May drawer narin ako para sa bond papers at sketch pads. Ang mga hindi ko pa nabubuksan na colored pencils at acrylic paints at colored markers ay nasa gilid palang.
Nilahad ko ang kamay ko para sa pang huling sketch ko. Nang tignan ko si Gio, matagal ang titig nya sa kaisa isang gold framed na sketch ko.
It's my dream house. The Victorian House I drew when I was thinking about him. Ni-re-sketch ko pero ngayon, nay kulay na.
A house that has beige and brown walls, may kulay na sila. Ang white fence ay naka palibot sa bahay. There's flowers around it, may welcome sign pa sa pintuan. Meroon ring puno sa gilid na may kulay na at dalawang swing na nakasabit. Malaki ang bahay at talagang kitang kita mo ang detalye. Hindi ko rin nakalimutan ang red na mail box.
I imagine it as a house in switzerland. In a place where there are friendly neighbors. It's like a place I've been before—like home.
I can imagine me and Gio sitting on that swing 20 years later where we'd look back and not regret the chances we took. The mistakes we made; because we know deep within our hearts that if we never took risks we wouldn't be in that swing—just enjoying the views with nothing in mind but the two of us—there's no grief or sadness in sight. We just both know we're together and that alone is already enough.
"Kahit anong titig ko, talagang gandang ganda ako rito. Parang naka punta na ako sa lugar na 'to kahit hindi pa naman.." Ani Gio.
"My dream house. Kaya yan naka gold. Yan ang pinaka gusto ko sa lahat nang na sketch ko" I said. Umupo sa upuan na tinatayuan ko kanina pa at niyakap ang parehas na tuhod.
"Kapag tumanda ako.. gusto ko ganito kaganda ang bahay ko" He smiled, making my heart melt.
"Ako mag dedesign ng bahay mo" I assured. Talagang ako, hindi pwedeng hindi.
He chuckled. "Ikaw ang architect ako ang engineer?"
Kinuha ko ang frame na 'yon na inabot nya na sa akin. Sa gitna ng sampung sketch ko ang gold framed Victorian house. Meron pirma ko sa gilid ang lahat ng sketch ko.
My table looked so pretty. Sobrang organized ng table dahil may mga drawer pa ang mga highlighter ko.
Binuksan na rin namin ni Gio ang prisma colors ko at inorganize sa gilid, pati narin ang colored markers ko at mga ruler na kakailanganin ko sa college.
Ako ang bumili ng lahat, matagal na ako nag iipon para dito dahil ayoko na si mommy ang gumastos. Pakiramdam ko mas masaya gamitin ang mga ito kung ako mismo ang bumili.
I'm so determined. Pakiramdam ko parang nag lalaro lang ako na kahit ma stress man sa college alam ko na gusto ko parin magpatuloy dahil gusto ko ang kurso ko.
Kung ako, sobrang arte at organized. Iba kay Gio, akala mo si Albert Einstein ang may ari ng table dahil nang makita ko ang table set-up nya ay parang pang matalino lang talaga.