"What the fuck is this?"
Halos mabitawan ko ang tatlong folder na hawak ko ngayon nang marinig ang dumagundong boses ng boss ko mula sa loob ng opisina niya.
Alas siete pa lang ng umaga pero ganoon agad ang bungad. Klarong-klaro sa pandinig ko ang galit at iritadong tono niya dahil saktong bumukas ang pinto at lumalabas ang sekretarya niya pagkatapos samahan kanina at papasukin ang isang empleyado mula sa Finance and Investment Development. Nang sumara ay wala na akong narinig pa.
Nadako naman sa akin ang seryoso at walang kangiti-ngiting mga mata ng magandang secretary niya. Kaya siguro hindi pa siya kailanman tinanggal at pinalitan ng boss namin dahil sa personalidad na mayroon siya. Tahimik man pero magaling sa trabaho, may mahaba siyang pasensiya para sa boss namin. Ang balita ko ay matagal na siyang secretary niya kahit pa nasa Italy pa lang sila nagtatrabaho.
Ngiwing napangiti na lamang ako at sininyas ang mga hawak kong idadala sa loob. Tumango lang siya at pinaupo ako sa may waiting area katabi ng desk niya sa labas ng opisina ng boss namin. I sat and waited. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa loob pero alam ko nang may umiiyak na namang lalabas sa opisina niya mamaya, gaya ng mga naririnig kong bali-balita sa ibang department.
Araw-araw at wala namang pinagbago sa ugali ng boss namin simula nang palitan niya ang pinsan sa pamamahala ng kumpanyang bagong pinagtatrabahuhan ko ngayon. Mailap siya. He always doesn't have the mood to communicate with somebody else, as if he was allergic to people now. Swertehan na lang talaga minsan kapag naisaktong nasa mood siya at tahimik lang lalo na sa mga meeting. Pero kung may hindi siya nagustuhan agad, magugulat na lang kami sa tuwing galit siyang ipapatigil ang meeting at saka lalabas. Mas gugustuhin pa namin kapag palaging tahimik lang siya at walang pake kaysa sa laging galit at damay ang lahat sa tila pagkamuhi niya sa mundo.
Mapait akong natawa sa huling naisip. Pero agad ring napalis nang marinig ko ang mahihinang hikbi ng babaeng empleyadong kalalabas lang mula sa opisina. Bitbit niya ang ilang folder na hawak habang nagmamadaling naglakad palayo. Mabuti at hindi humahagulgol dahil tiyak na senyales daw iyon na tanggal na sa trabaho.
Ngumiwi na lang ako sa kaba. I let out a deep breath and stood up. Sunod na akong pinapasok sa loob ng sekretarya niya nang ipaalam ko sa kanya ang sadya ko. Ngayong araw na naman ang beses na papasok ako sa opisina niya. Ngayon lang na naman ako inutusan ni sir Jerry na magdala ng mga importanteng papel sa CEO office.
Tantyado ang galaw, maingat akong naglakad papasok. Sobrang lakas ng aircon, parang naninigas ang mga braso kong nakayakap sa mga folder na hawak. Sobrang lamigin pa naman ako. Pati nga sa opisina ay malamig din pero medyo nakakaya ko pa, pero rito ay baka hinding-hindi ko matatagalan.
Mabagal akong naglakad. Pagkaliko ko at pagkaharap sa direksyon ng table niya ay agad ko na siyang nasilayan. Halos magkasalubong na naman ang mga kilay at hindi maipinta ang gwapong mukha. Sa likod ng salaming suot niga ay nakatuon ang iritadong mata sa papel na hawak. I can't stop myself but to admire and be amazed of how good looking he is. Still simple and plain but in a hot and attractive way.
Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad nang marinig siyang nagsalita.
"Get out."
I was just about to speak, pero iyon ang agad na saad niya sa matigas at baritonong tono bago pa ako magsalita. I know he already noticed me.
"Uh, sir, pinapabigay po ni sir Jerry-"
"Didn't you hear me?"
Nakagat ko ng mariin ang labi dahil hindi ako sanay na sinusungitan niya. Napalunok ako nang magtama na ang mga mata naming dalawa. Klarong-klaro sa salamin ko ang nakikitang iritasyon at pagkadisgusto sa mukha niya habang nakatingin sa akin. I swallowed hard and forced to meet his deadly stares.
BINABASA MO ANG
THE WAY I LOVE YOU (BL NOVEL #2) [SLOW-UPDATE]
Romance®18 BL NOVEL COLLECTION #2: The Way I Love You This is another Boys Love novel. If you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my second BL story, and only those who wants t...