Sketch
Umaga niyon ay sumama ako kay papa sa pinagtatrabahuhan niyang restaurant. Nagawa niya akong maipasok roon at mag-part time job. Dahil bakasyon na namin ay hinayaan naman ako ni papa dahil gusto kong mag-ipon. Kailangan ko ring abalahin ang sarili ko para makalimutan ang nangyari sa victory party ng baseball team.
Ako ang unang umuwi kinahapunan. Sinundo ko si Zidney. Pagkauwi namin ay sakto rin ang pagdating ng kotse ni Deivann sa tapat ng building ng apartment na tinutuluyan ng pamilya ko. Alam ko na kung bakit siya andito. Tuloy-tuloy akong naglakad habang hila si Zidney para sana makaiwas pero nakita siya ng kapatid ko nang bumaba.
"Kuya Deivann!"
"Hello, cutie patootie!" Nakangiting bati niya sa kapatid ko saka kinurot sa pisngi.
"Si ate Vanessa, kuya? Miss ko na siya!"
"Nasa bakasyon na,"
"Ay sayang maglaro sana kami ng Barbie ulit!" Nguso nito.
"Sasabihan ko mamaya," ngiti niya habang nakayuko sa kapatid ko. "Usap lang muna kami ng kuya mo ah?"
"Yay! Okay!"
"Mauna ka na sa taas, Zid." Singit ko.
"Okay!"
Agad naman siyang sumunod nang ibigay ko ang cellphone ko sa kanya.
"Raki,"
"Anong ginagawa mo rito?" unang bungad na tanong ko sa kanya at hinarap.
"I think I owe you an explanation about last night?" He chuckled apologetically.
"Para saan?"
"I broke my promise?"
"Wala 'yon, Deivann."
"I'm really sorry. Nagalit ba si tito? I came here to apologize to you and to tito Zed. Magpapaliwanag na lang ako-"
"Hindi naman kailangan. Tulog na siya nang makauwi ako. Atsaka okay lang naman ako at ligtas nakauwi."
"Why did you go home without telling me anyway? Ang sabi ko naman ay ihahatid kita,"
"Wala, inantok ako. Atsaka hindi rin kita mahanap kaya nauna na ako. Going to party like that is not really my thing, Deivann. I feel outcast and left out. Hindi ako makasabay sa inyo d'on."
"I'm really sorry, Raki."
"Okay lang 'yon. Ang mahalaga nag-enjoy ka naman... kasama si Sumin... at mga kaibigan mo..."
Parang natahimik siya sa sinabi ko. Hindi siya nakasagot. Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Umiwas ako at napaatras.
"Sige na, una na ako. Ingat ka pauwi, Deivann."
"Sabay na tayo mag-enrol sa pasukan?"
"Tingnan ko." tanging nasagot ko. "Bye. Ingat ka."
Tumango siya at binigyan ako ng ngiti. Tumalikod na ako at naunang naglakad palayo. Hindi ko na siya sinulyapan pa.
Isang buwan at kalahati lang ang naging bakasyon namin dahil August ang pasukan. Hindi ako nag-online at hindi ko ginalaw ang cellphone ko para hindi ako makabalita sa kanya. Iniwan ko at ipinahiram na lang sa kapatid ko sa buong buwan. Kahit noong dumaan ang birthday ko ay hindi ko binuksan ang cellphone ko para tingnan kung binati ba niya ako o ano. Hindi rin naman niya ako pinuntahan sa bahay.
Ako lang mag-isa ang nag-enrol. Mahaba ang pila sa registrar ngayon. Balak ko sanang kumuha ng enrolment certificate at grades ko. Umupo ako sa waiting area. May aberya ata sa harap at tila may kaaway na naman ang officer-in-charge sa registrar.
BINABASA MO ANG
THE WAY I LOVE YOU (BL NOVEL #2) [SLOW-UPDATE]
Romance®18 BL NOVEL COLLECTION #2: The Way I Love You This is another Boys Love novel. If you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my second BL story, and only those who wants t...