Keychain
Sobrang kabado ako dahil baka walang magkagusto sa realistic charcoal portrait ko ngayong may basag na ang frame niya. Hindi na sana ako tutuloy dahil malabong may kumuha ng portrait ko. Pero sayang ang efforts at mga nagastos ko. Kaya kung sakali mang meron ay ipapangako kong papalitan ko ang frame niya.
"O to the M to the G! Seryoso ba iyan Mr. Fonteverde? Hindi ka nagbibiro?"
Gulat na gulat ako. As of now ay 100,000 ang pinakamalaking bid sa isang painting. Maganda kasi at agaw pansin. Maganda at polido ang pagkakagamit niya ng mga kulay. Mukhang hindi nga nagbibiro ang bidder. At isang Fonteverde!
At first, I thought it was Knov Fonteverde but it was another Fonteverde. Halos matulala ako sa gandang lalaki niya nang umakyat siya sa stage at kinuha ang entry. Mas matured lang siya ng kaunti kay Knov at siguro ganoon rin ang magiging itsura niya kapag mas tumanda pa. They looks so fine. Nasa lahi nga talaga nila ang pagiging magandang lalaki.
"Calling for Hiraki Zei Cortes. Come here infront now and let's see what you have!" anunsyo ng Governor ng college namin na siya ring host.
Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Tumayo ako at binitbit ang entry ko. Parang nasa akin lahat ng atensyon nila. Sobrang kabado akong umakyat ng stage.
"Hey, pretty man! Your portrait's name?"
Namula ang pisngi ko sa tinawag niya sa akin. Nahihiyang ipinakita ko ang gawa ko. Nagulat siya ng makitang basag. Maski ang ibang estudyanteng nakakakita ay napasinghap at nagtaka.
"Oh, what happened?"
"Uhm, nabitawan ko po kasi kanina... pero hindi naman nasira ang loob... pwede kong palitan bukas ang frame..."
"Still, your art's good and very clean! Astig! Your hands are magical ey?"
Napayuko ako sa hiya. Magaan sa loob ko ang pagpuri niya. Pero nakakahiya pa rin talaga.
"So let's start the-"
"50, 000!"
Agad-agad na may sumigaw na akala mo nakikipag-unahan. May ilang natawa roon.
"Eh? Agad-agad?"
"Yeah?"
"55, 000!"
"Wow!"
"200, 000 daw!" mabilis na habol ng pinaka-una kanina.
"Wow na wow! Totoo ba 'yan? Grabe na ang mga person!" Natawa pa ang governor namin. "O baka may hahabol pa?"
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng didbib ko. Napalunok ako. Wala nang umimik pa kaya nanalo ang huling nagbid.
"Halika na rito sa stage!"
Tumayo siya kaya nakita ko kung saan siya galing. Hindi ko kilala ang lalaking naglakas loob para magwaldas ng ganoong kalaking halaga. Sa palagay ko ay fourth year. But he looks bit familiar to me. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Nang maitutok sa kanya ang ilaw ay may kung sinong nahagip ang mata ko. Napansin ko agad ang lalaking nasa tabi niya. Si Knov Fonteverde na seryoso at hindi inaalis ang pagkakatutok ng tingin sa pwesto ko. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa.
Naalis lang ang tingin ko sa kanya nang sundan ko ang paglapit at pag-akyat ng nakakuha sa portrait ko. Kinuha niya mula sa kamay ko nang iabot ko. Nagpasalamat ako at balak makipagkamay pero mukhang nag-alangan siya noong una. Sa huli ay tinaggap niya rin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik at paulit-ulit na nagpasalamat. Naalala kong siya pala ang kasama ni Fonteverde noon sa c.r.
BINABASA MO ANG
THE WAY I LOVE YOU (BL NOVEL #2) [SLOW-UPDATE]
Romantiek®18 BL NOVEL COLLECTION #2: The Way I Love You This is another Boys Love novel. If you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my second BL story, and only those who wants t...