Girlfriend
Mag-isa akong nag-enrol para sa second semester. Nang yayain ko si Deivann na sabay mag-enrol ay busy siya at hindi nakasama. Aniya ay magsasabay pala sila ni Selma.
Matagal na palangs sila. Ibinalita niya lang sa akin sakto pa noong araw ng bagong taon. Nanliligaw na pala siya noong mga buwan ng November pagkatapos ng Intrams at hindi niya sinabi sa akin. Kaya pala meron si Selma sa bahay nila noong Christmas nang imbitahin kami ni tita Kara na makisalo sa kanila. Nagulat na lang ako sa presensya niya. Nagustuhan siya agad ng parents ni Deivann. Lahat na lang ng nagiging girlfriend niya ay idinadala niya sa bahay nila at ipinapakilala.
"Zei,"
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang tawagin ako ni papa. Nilunok ko ang kinakain bago bumaling sa kanya.
"Pa,"
"Baka hindi na ako makauwi ng tanghali dahil nagbago ang shift ko sa trabaho sa restaurant. At baka hindi ko na rin masundo si Zidney sa hapon kaya baka masundo mo ang kapatid mo kapag wala ka ng klase,"
"Sige po, pa. Hanggang alas kwatro lang naman ang inaabot ng klase ko,"
"Sabi ko naman, papa, kaya ko na mag-tricy pauwi! Grade 5 na ako sa susunod!" Singit naman ng kapatid ko habang maganang kumakain.
"Kahit pa. Delikado pa rin kapag mag-isa mo,"
"Bigyan niyo na lang ako ng cellphone para- ouch, kuya!" inda niya nang kurutin ko ang matambok na pisngi niya.
"Cellphone ka diyan. Ang bata mo pa para magka-cellphone,"
"Eh, para naman matawagan ko kayo kapag pauwi na ako!"
"Sunduin na lang kita."
"Papa, please?"
"Wala pang pera ang papa, anak. Kabibigay ko lang ng allowance sa kuya mo,"
"Zidney kasi. Pagka-graduate mo na lang ng grade six. Ako nga, 4th year highschool na nagkaroon ng cellphone eh!"
Napanguso siya. "Promise niyo 'yan ah!"
Natawa ako at ambang kukurutin pa siya nang kinuha niya ang kamay ko at kinagat.
"Papa, si Zidney nangangagat na naman!" Sumbong ko agad habang iniinda ko ang kagat niya.
Natawa lang si papa habang nanonood sa amin. Tatlo na lang kami sa buhay. Iniwan na kami ni mama. Anim na taong gulang ako at wala pang isang taon ang kapatid ko noong nag-abroad siya at nagtrabaho sa Japan. Simula noon ay hindi na siya kailanman umuwi at pinutol pa niya ang komunikasyon nila ni papa. Kaya hindi rin siya kilala ng kapatid ko at ang tanging alam niya ay patay na ang mama. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa kanya dahil hindi naman siya lumaking kasama siya. Hindi ko na rin halos matandaan ang mga panahon na kasama siya.
2nd year highschool ako nang bigla siyang nagparamdam sa amin at inaming may ibang pamilya na pala siya sa Japan. Mas pinili niya ang bagong pamilya niya kaysa sa amin. Sobrang iniyakan niya noon si mama. Maski ako, iyon na yata ang huling iyak ko.
Halos ibenta na namin noon lahat ng mga ari-arian namin dahil nagbalak siyang sundan si mama at hanapin. Nabenta na ni papa ang bahay at lupa namin nang nalaman namin ang totoong dahilan kung bakit hindi na umuwi si mama sa amin. Doon tuluyang nakipaghiwalay si mama kay papa.
Sobrang sakit ng ginawa niya sa amin. Pero mas masakit ang makita si papa na araw-araw na nagmamakaawa kay mama na bumalik at umuwi sa amin. Hanggang sa napagod rin siguro si papa at piniling bitawan si mama sa huli.
Ipinangako ni mama na tutulungan niya akong makapag-aral ng college. Tutustusan at papadalahan niya ako at ang kapatid ko ng pera. Tinanggap ko dahil wala rin naman akong choice. Iniisip ko na lang na responsibilidad naman niya iyon dahil sa pang-iiwan niya sa amin. At gusto ko rin namang mag-aral at makapagtapos para magkaroon ng trabaho at kahit sina papa at kapatid ko man lang ang mabigyan ko ng magandang buhay. Gusto ko ring mabawi ang bahay at lupang ibinenta namin noon.
BINABASA MO ANG
THE WAY I LOVE YOU (BL NOVEL #2) [SLOW-UPDATE]
Roman d'amour®18 BL NOVEL COLLECTION #2: The Way I Love You This is another Boys Love novel. If you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my second BL story, and only those who wants t...