KABANATA 7

20 3 0
                                    

Friends

"I'm really sorry but I can't help you. I'm busy with my internship report."

Kael Samaniego was the one who bid my portrait during the auction in my freshman year. Talagang hinintay at inabangan ko siya sa harap ng building ng fifth year. Nagbabakasakali akong matulungan niya ako sa final project ko dahil nahihirapan ako.

"Ah, gano'n po ba? Sorry po hindi ko alam!"

"It's fine. But I do have a friend who can help you. Mas magaling pa 'yon sa akin." He winked.

"Mabait po ba?"

"I guess so?" aniya at mas natawa. "Kidding. Yup, mabait naman. I'm so sure he will surely help you with your project!"

Nag-alangan ako. Ngayon pa lang na kaharap ko itong senior ko at humihingi ng tulong ay nakakahiya na. Kinakapalan ko lang talaga ang mukha ko dahil wala akong choice.

"Ano pong pangalan niya, Kuya? May number ka po ba niya?"

"Yeah! Wait,"

Walang pagdadalawang-isip na ibinigay niya sa akin ang number ng tinutukoy niyang kaibigan. Aniya ay sasabihan na lang niya iyon. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na magpatulong ako sa iba. Sabi naman ng professor namin na pwede lang basta huwag entotong ipapagawa. Basehan iyon para sa dagdag grade namin sa finals lalo na kaming mga nanganganib ang grades. May kailangan din akong ipasang mga quiz at activities kaya binigyan ako ng remedial.

Kinagabihan ay bumuo ako ng message na ipapadala ko. Dahil ginabi ako ay kinabukasan ko na-ideliver ang message ko. Mabilis rin naman siyang nagreply.

Unknown:

Sure, I'm glad to help. And yes, I'm free today. We can meet up after lunch and talk about your project.

Ako:

Sige, kuya. Sa library na lang po tayo magkita at mag-usap.
Thank you so much! *﹏*

Unknown:

No worries. Welcome! ;)

Magaan naman siyang kausap. Nawala ang kaba ko. Sana mabait talaga siya at willing akong tulungan. Funny to think, kuya Kael forgot to say his friend's name. Nakalimutan ko rin.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Kasama ko ngayon sina Deivann at Sumin. Pareho silang nasa harapan ko at kumakain din ng lunch. Kaming dalawa lang sana kanina ni Sumin dahil napilit niya ako pero biglang dumating si Deivann na katatapos lang ang practice nila. Halos gusto kong tumakbo at umalis kanina.

"Kanino ka pala magpapatulong sa project natin, Raki?"

"Uhm, hindi ko pa alam..." halos kagatin ko ang dila dahil sa pagsisinungaling.

"Hindi ko rin kaya ng mag-isa ang project natin. Kainis, ba't kasi nadamay ako sa bagsak!" pagrereklamo niya.

Natawa ako ng mahina habang nag-aayos ng pinagkainan. Kung ako bagsak sa mga quizzes at written activities, siya naman ay halos bagsak rin sa mga plates at major requirements niya. Nakakabawi lang naman siya sa mga quizzes at activities kasi nangongopya siya.

"Did you just laugh at me, Raki?"

"Huh? Hindi ah, may naalala lang." Palusot ko. Inisahan kong inubos ang isang bote ng C2.

"Ano?"

Napatingin naman ako kay Deivann nang magtanong. Nadatnan kong matamang nakamasid siya sa akin. Ngumuso ako at umiling. Pero halos mapaubo ako sa sunod na sinabi niya.

"Girlfriend?" he continued.

"Oo nga 'no! Kanina ka pa may ka-text. Baka may girlfriend ka na? Hindi ka na nga rin sumasama at sumasabay sa amin eh!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE WAY I LOVE YOU (BL NOVEL #2) [SLOW-UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon