Sinner 1: Prologue

10 2 0
                                    

"Found you," he said as he walked closer to me.

"S-Sino k-ka? Anong k-kailangan mo s-sakin??" Kinakabahang tanong ko sa lalaki habang umaatras. Napatigil lamang ako sa pag-atras ng maramdaman ko ang malamig at matigas na pader sa 'king likod. Wala na akong takas. Nagsimula nang mangatog at mamasa ng pawis ang aking mga kamay dahil sa kaba. Habang ang lalaki naman ay patuloy sa paghakbang palapit sa akin. Nang makalapit ang lalaki ay nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Trapping me between him and the wall. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba, wala na talaga akong takas. Na corner na niya ako.

"A-Ano bang k-kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko. "Pera? Wala akong perang maibibigay sa 'yo kaya p-paalisin mo na a-ako." Lakas loob kong saad sa lalaki, pilit nilalabanan ang takot na nadarama.

"Money? I don't need your money, sweetie. I have lots of that." Saad ng lalaki gamit ang kaniyang baritonong boses.

Mas lalo akong kinabahan.

"E-Eh, A-Ano?" Nauutal kong tanong. Nawala na parang bula ang tapang ko ng marinig ko ang sinabi ng lalaki. Marami naman pala siyang pera. Kung gano'n, anong kailangan niya sa 'kin?

The man leaned in close, his hot breath brushing my ears and neck. I could also smell his masculine scent. He was too near.

"You," the man whispered in his husky and deep baritone voice, "It's you that I needed, sweetie."

Natigilan ako sa sinabi ng niya. "H-Ha? A-Ako?" Nauutal kong tanong at tiningala siya. Muli akong natigilan nang bumungad sa 'king paningin ang kulay kape niyang mga mata. Beautiful yet dangerous.

"I finally found you, Sweetie." Bulong ng lalaki sa tainga ko, hindi pinansin ang tanong ko sa kaniya. Bago pa ako muling makapagsalita ay tinakpan na ng lalaki ang aking ilong ng itim na panyo. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"You will be her substitute until she comes back into my arms again." Rinig kong bulong ng lalaki, pero hindi ko na 'yon maintindihan. "You really look like her."

Unti-unting nanlabo ang aking paningin at ang kulay kapeng mata ng lalaki ang huli kong nakita bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

Sinner 1: Luke YokimanWhere stories live. Discover now