NAPATIGIL si Louttar sa sinabi ni Theon. Kahit ako natigilan, lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba.
"Andrei Zerron?" Hindi siguradong tanong ni Louttar kay Theon.
Mas lalo akong kinabahan ng marinig kong sinambit ni Louttar ang buong pangalan ni Zerron. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi niya binanggit ang apilyedo ni Zerron. Namin ni Zerron.
Malawak na ngumisi si Theon at sumulyap sa 'kin. "Yep!" Masayang sagot ni Theon at tumango-tango pa habang nakangisi.
Kumunot ang noo ni Louttar. "What about him?"
Bago pa makasagot si Theon ay nagtanong na naman si Hercules. "Zerron, who?" Kunot noong tanong nito.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pagiging chismoso ni Hercules o hindi. Baka sa sobra niyang pagtatanong ay biglang masabi ni Theon o Louttar kung sino si Zerron. Pagnasabi ni Theon o Louttar kung sino si Zerron, malalaman ni Luke tapos pag nalaman ni Luke ay maaaring magalit siya sa akin o 'di kaya ay palayasin niya ako sa bahay niya. Hindi ko kaya.
Napatigil ako sa naisip. Si Zerron ang dahilan kaya hindi ko na ginustong tumakas kay Luke pero, bakit ngayon ay parang ayokong magalit o palayasin ako ni Luke sa bahay niya? Siguro dahil hindi pa ako sigurado kung tutulungan ba ako ni Theon at Louttar sa paghahanap kay Zerron. Napailing na lang ako sa naisip. Just fool your self Zhianna. I thought you already admitted that you are already fell in love with Luke. Why are you fooling your self now? You even used Zerron to deny your feelings. Stupid, Zhianna!
"None of your business." Nakangising sagot ni Theon kay Hercules bago muling bumaling kay Louttar. "Do you remember his surname?"
Kumunot ang noo ni Louttar. "Of course-" Hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla siyang matigilan.
Bumaling sa akin ang malamig niyang tingin. Kinakabahang umiwas ako ng tingin. Damn it!
"Queen, I have to go." Napatingin ako kay Sataniel nang tumayo siya at tumingin kay Queen na nakatingin sa cell phone niya.
Nag-angat naman ng tingin si queen at tiningnan si Sataniel. Tumango lang si Queen bago ibalik ang tingin sa cell phone.
"Where are you going?" Tanong ni Hercules kay Sataniel.
Agad namang kumunot ang noo ni Sataniel. "None of your business." Nakakunot-noong sagot ni Sataniel bago umalis.
Napanguso naman si Hercules at tumingin kay Louttar na para bang nagsusumbong. Malamig lang siyang tiningnan ni Louttar at bumaling kay Queen na patuloy sa pagtitipa sa cell phone, habang humalakhak naman si Theon.
"Sweetie," Napatingin ako kay Luke nang bigla niya akong tawagin.
"Ha?" Lutang kong tanong kay Luke, nabigla sa pagtawag niya.
"Let's go home." Saad ni Luke at inilahad ang kamay sa tapat ko.
Napatitig ako sa kamay niya. Gusto kong tanggapin ang kamay niyang nakalahad sa 'kin dahil gusto ko na ring umuwi. Pagod na ako, sabi niya mag-sa-shopping lang kami pero look where did it go. Nasa hide out nila kami ngayon. Hindi pa nga ako tapos mag-shopping kanina nang bigla na lang may tumawag sa cell phone niya. Nagulat na lang ako kanina nang biglang nagbago ang mood niya, parang bigla siyang nagalit pagkatapos niyang makipag-usap sa cell phone niya. Namimili pa ako ng damit nang bigla niya na lang akong hinila palabas ng boutique na 'yon at sinakay sa kotse niya.
Ginalaw ni Luke ang kamay niyang nakalahad sa harap ko."Sweetie?" Tawag niya sa akin.
Natauhan naman ako mula sa pagkakatulala.Napatingin muna ako kay Louttar at Theon na nakatingin na pala sa amin, akin. Tinanguan naman ako ni Louttar samantalang ngumisi naman si Theon sa akin habang tumango-tango.
"Next time." Saad ni Theon at kinindatan pa ako.
Napangiti naman ako habang napailing-iling bago bumuntong hininga.
Bumaling naman ako kay Luke na ngayon ay nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo ni Louttar at Theon.
"Next time?" Naguguluhan niyang tanong kay Theon.
Umiling lang si Theon kay Luke at tumingin sa 'kin na nakangisi. Nakasunod naman ang tingin ni Luke sa tingin ni Theon kaya napatingin rin ito sa akin.
Nagtatanong ang mga tingin nito."Sweetie?"
Umiling-iling ako kay Luke at tinanggap ang nakalahad niyang kamay sa harap ko. Tinitigan muna ako sandali ni Luke bago bumuntong hininga at tumingin kay Queen na busy pa rin sa cell phone.
"Queen." Tawag niya kay Queen.Tumango lang si Queen na para bang naintindihan na ang ibig sabihin ng pagtawag ni Luke sa kaniya.
Napailing na lang si Luke at tumayo na. Napatayo din ako dahil hawak ni Luke ang kamay ko. Akmang hihilahin na ako ni Luke paalis ng may naalala ako. Napatigil si Luke at nalilito akong tiningnan.
"Sweetie, what's wrong?" Hindi ko pinansin si Luke, tiningnan ko ang sofang inupuan. Mabilis kong dinampot ang cell phone ni Luke at humarap sa kaniya. Napailing naman siya habang nakangiti ng maliit ng makita ang ginawa ko. Napahalakhak naman si Hercules at Theon na nakatingin rin pala sa amin. Mga chismoso talaga ang dalawang to. Hindi naman sila siguro kambal?Tumingin muna ako kay Louttar at Queen. May binubulong si Louttar kay Queen habang si Queen ay nakatutok pa rin sa cell phone niya pero halatang nakikinig naman siya kay Louttar. Mabilis akong umiwas ng tingin ng bigla na lang halikan ni Louttar at balikat ni Queen. O, goshness!
"Ang damot!" Napatingin ako kay Hercules ng bigla siyang magreklamo.
Napanganga naman ako sa nakita habang ang katabi kong si Luke ay napailing-iling lang sa aking tabi. Nag-aagawan si Theon at Hercules ng lollipop na parang mga bata. May subo-subong lollipop si Theon at may hawak pa na lollipop sa kaliwang kamay na pilit naman na kinukuha ni Hercules. Naka-unan naman si Tael sa lap ni Hercules kaya minsan ay naiipit ang ulo niya ng tiyan at lap ni Hercules. Si Taen naman ay naka-unan sa sandalan ng sofa at ang paa ay pareho ng pwesto ng paa ni Tael na nakalapag sa sahig. What the hell? Normal pa ba sila? Ewan ko rin ba kung tama ako na si Tael talaga ang naka-unan sa sa lap ni Hercules at kung si Taen talaga ang naka-unan sa sandalan. Nalilito ako kung sino si Tael at sino si Taen.
Natauhan ako sa pagkakatulala sa apat nang magsimula na si Luke maglakad. Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya. Pigil ang ngiti ko habang nakatitig sa kamay namin na magkahawak. Ang laki ng kamay niya, bagay na bagay sa kamay ko.
Napatigil ako sa pag-titig sa kamay namin ni Luke na magkahawak ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Tiningnan ko siya, nakangisi siya habang nakatingin sa apat na lalaki sa sofa. Nasa likod na pala kami nila ni Theon, Hercules, Tael, at Taen.
"Luk-" Naputol ang iba ko pang sasabihin ng biglang takpan ni Luke ang bibig ko.
Napatitig ako sa kaniya ng ilagay niya ang kaniyang daliri sa kaniyang labi.
"Sshhh" Tumango ako sa kaniya, gusto niyang tumahimik ako. Mas lalong lumaki ang ngisi niya ng tumango ko. Kumunot ang noo ko ng bigla siyang lumapit sa sofa na kina-uupuan nila Theon. Dahan-dahan siyang dumukwang palapit kay Theon na hanggang ngayon ay nakikipag-agawan pa rin ng lollipop kay Hercules.
Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang hablutin ni Luke ang lollipop na pinag-aagawan ni Theon at Hercules. Nang makuha niya ang lollipop ay mabilis niya itong hinagis sa dibdib ni Taen na mahimbing na natutulog. Nanlaki naman ang mga mata ni Theon at Hercules sa nangyari. Bago pa makapag-react ang dalawa ay mabilis na hinawakan ni Luke ang kamay ko at tumakbo. Napatakbo na rin ako habang nakatingin kay Luke na tumatawa.
"What the fuck, Theon Lim?" Rinig kong malakas at galit na sigaw ng dalawang kambal bago kami tuluyang makalabas ni Luke.
Naughty, Luke.
Poor, Theon. Poor lollipop addict.
YOU ARE READING
Sinner 1: Luke Yokiman
RomanceAfter being kidnapped, Zhianna was taken care of by Luke, her kidnapper. As the days passed, Zhianna started to feel unknown emotions that she never felt before. As she starts to name the unknown emotions she's feeling is the same time she starts to...