Sinner 1: Chapter 6

3 1 0
                                    

"Sweetie," Hindi ko pinansin si Luke na nakaupo na sa tabi ko. Nanatili ang tingin ko kay Louttar na nakayuko.

"Sweetie, you did not eat?" Dinig kong tanong ni Luke.

Tiningnan ko siya, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"I did." Mahinang sagot ko at akmang lilingon ulit ako kay Louttar ng hawakan ni Luke ang baba ko.

Nakakunot pa rin ang noo nito. "But there's still two cupcakes."

Iniwas ko ang mukha sa kaniya kaya nabitawan niya ang baba ko. Tiningnan ko naman ang dalawang natitirang cupcakes bago tumingin kay Theon na nakangising nakatingin sa 'min ni Luke. Chismoso. Palagi ko na lang talaga siyang nahuhuli na nakatingin sakin o sa aming dalawa ni Luke. Parang palagi niyang binabantayan ang kilos namin, lalo na ang kilos ko.

"Theon, give me three cupcakes." Baling ko kay Luke.

Mas lalong kumunot ang noo nito. "And you just eat one cupcake?"

Kumunot rin ang noo ko sa tanong niya. Ano ba ang ipinaglalaban niya? "One cupcake is enough for me." Naiinis kong sagot kay Luke.

"Sweetie-"

Naiinis ko siyang tiningnan. "Shut up, Luke Yokiman!"

Nanlaki ang mata niya at nagparte ang kaniyang labi nagulat sa inasta ko. Akala niya siguro hindi ako naiinis sa ginawa niya kanina. Fuck him! Doon siya kay Queen.

Narinig ko ang malakas na halakhak ni Theon kaya muli akong napatingin sa kaniya. Katabi na niya ang anim na lalaki. Nagulat ako sa aking nakita kaya mas lalong lumakas ang halakhak ni Theon. Ang kaninang pang isahang sofa ay naging mahaba. Paano nangyari 'yon?

Tumigil lang sa paghahalakhak si Theon nang may bumato sa kaniya ng lollipop na agad niya namang nasalo.

Nanlaki ang singkit niyang mga mata ng makita ang binatong lollipop sa kaniya.

"Where did you get this?" Tanong niya at dali-daling binulsa ang lollipop na akala mo ay may aagaw sa lollipop niya.

Tinuro naman ng lalaking bumato sa kaniya ang sofa na inuupuan niya.

"Nahulog?" Tanong ni Theon na parang hindi makapaniwala.

"Obviously." Sarkastikong sagot ng lalaking katabi at kamukha ng lalaking bumato ng lollipop kay Theon.

"Wehhh??" Hindi naniniwalang tiningnan naman siya ni Theon.

"Your to loud, Lim." Seryosong ani ng lalaking bumato kay Theon ng lollipop. Kambal siguro sila ng lalaking sumagot ng sarkastiko kay Theon. Mula sa katawan hanggang sa mukha ay pareho, walang pinagkaiba. Parehong matitipuno ang pangangatawan at parehong gwapo. Well, lahat naman sila gwapo, walang tulak-kabigin.

Pareho rin silang seryoso ng kambal niya at pareho rin ng kulay ng suot na damit. Magkatabi rin sila ng upo kaya nakakalito.

"Oh, hi there, baby, Taen." Nakangising kumaway si Theon sa lalaking nagsalita. Hindi siya pinansin ng lalaki, bumaling ito ng tingin sa 'min, sa 'kin.

"Carzious Taen Aprodavam," Pakilala niya sa 'kin at kinindatan ako, napanganga naman ako sa kaniya. Akala ko seryoso siyang tao.

"Should I pluck out your eyes fucker?" Malamig na saad ni Luke kay Taen habang matalim na nakatingin dito. "You don't have a rights to wink at her."

Nagulat naman ako sa inabi ni Luke at ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko. Nagseselos ba siya? Pero, bakit naman siya magseselos? Wala namang ginawa si Taen o baka naman assuming lang ako? Damn you, Luke! Wag kang ganyan please. Baka mas lalo akong mahulog niyan.

Sinner 1: Luke YokimanWhere stories live. Discover now