I looked at Luke again for the nth time. Madilim ang kaniyang mga mukha at umiigting din ang kaniyang panga. He look so dangerous. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, halos maglabasan na ang kaniyang mga ugat sa kamay. Mabilis din ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. He look different now. Nakalimutan na nga niya siguro na kasama niya ako.
Mahigpit kong hinawakan ang seatbelt at pumikit ng mariin nang mas lalo niyang binilisan ang pag da-drive. Pakiramdam ko hinahabol kami ni kamatayan ngayon.
Mabilis akong napamulat nang bigla na lang itinigil ni Luke ang kotse. Muntik na akong mapasubsob sa dashboard, mabuti na lang at naka seatbelt ako.
Napatingin ako kay Luke nang dali-dali siyang lumabas. Akala ko iiwan niya na ako nang bigla niya akong pinagbuksan ng pinto. Walang salitang kinalas niya ang seatbelt ko at hinawakan ako sa kamay. Mabilis ngunit may pag-iingat niya akong tinulungang makababa ng kotse. Hinila niya ulit ako patungo sa Sin Pleasure, isang bar. Sarado pa ito, siguro dahil hapon pa lang. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang gagawin namin dito pero dahil masyado siyang seryoso at halatang galit dahil halos magdikit na kaniyang kilay sa sobrang pagsalubong nito ay pinili ko na lang na manahimik. Akala ko dadaan kami sa entrance pero bigla na lang siyang lumiko. Hawak niya pa rin ang kamay ko kaya naman napasunod ako sa kaniya.
Nang makarating kami sa likod ay dumeritso siya sa parang isang pinto na kakulay ng pader. Walang hawakan pero may pinindot si Luke na parang switch na kulay pula sa gitna nito. Gulat akong napaatras nang bigla na lang naging kulay pula ang pinto, parang dugo, bloody red. What the heck?? Ang hightech.
Muli akong napatalon sa gulat nang bigla na lang nagsalita ang pinto. Malamig ang boses nito, pero parang robot at boses babae pa, nakakakilabot.
"Sinner code?"
"Gold 0001." Napatingin naman ako kay Luke nang sabihin niya 'yon gamit ang malamig niyang boses. Halos manginig ang tuhod ko. At, anong gold 0001? 'Yon ba Ang code? At ano ang ibig sabihin ng sinner code? At, bakit may pa code code pa?
"Sinner name?" Tanong ulit ng babaeng robot.
"Luke Yokiman." Sagot ulit ni Luke gamit ang malamig niyang boses.
Napatingin naman ulit ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad sa 'min ang mahaba at madilim na pasilyo. Only a red dim light that placed in the every side of the wall are giving a light. Is that a torch? No! But it's look like one. Agad na naglakad papasok si Luke habang hawak pa rin ang kamay ko kaya kahit ayaw kong pumasok ay wala akong magawa. Ayaw ko rin na sabihan at baka sa 'kin pa niya mabunton ang init ng ulo niya. Dumikit na lang ako sa kaniya habang naglalakad, takot na baka may bigla na lang humila sa 'kin.
When we reached at the elevator. Yes, elevator! Mabilis kaming sumakay ni Luke na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Pababa ang elevator. Tangina! Saan ba kami pupunta? Sa ilalim ng lupa? Sa impyerno?? Even the elevator has a red and black theme and red dim light. It's still normal? Stupid zhianna! Of course it's not normal anymore. Seriously? What is he? A drug lord? Mafia? Or what? I started to feel scared. Mas lalo pa akong dumikit kay Luke. Kulang na lang ay kumalong ako kay Luke sa sobrang dikit ko sa kaniya. Natatakot at kinikilabutan na ako sa lugar na 'to. Anong lugar ba ito?
"You scared?" Mahinang tanong niya. Napansin niya siguro ang panlalamig ng kamay ko at ang pagdikit ko sa kaniya.
Tumango ako, hindi ko na magawang makapagsalita. Napatingin ako sa kamay niya nang bigla niyang binitiwan ang kamay ko. Pero mas nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang at mas lalo pang idikit ang katawan ko sa kaniya.
"I'm sorry, I shouldn't dragging you to this kind of place." Malambing niyang saad.
"It's o-okay." Sagot ko at tiningala siya.
YOU ARE READING
Sinner 1: Luke Yokiman
RomanceAfter being kidnapped, Zhianna was taken care of by Luke, her kidnapper. As the days passed, Zhianna started to feel unknown emotions that she never felt before. As she starts to name the unknown emotions she's feeling is the same time she starts to...