Sinner 1: Chapter 12

0 0 0
                                    

"huh?" Nakaawang ang labing tanong ni Luke, halatang nagulat sa sagot ko. Alam kong hindi niya inaasahang 'yon ang sasabihin ko.

"I said, I don't like it." Muling saad ko habang nakatingin ng seryoso sa kaniya.

"You don't like it?" Nanlulumong tanong niya.

"Hmm." Tumango ako sa tanong niya at kinuha ang tatlong tangkay ng rose sa ibabaw ng table. Inamoy ko ito at napapikit na lang ako sa bango ng rose.

"But, w-why?" Bigong tanong niya, halatang disappointed sa sinabi ko.

"I don't like it-" nakangiting saad ko at tiningnan siya ng deretso sa mata. "-'cause I love it."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaayos ng upo. "You w-what?"

"I love it, Luke. I love it so much." Nakangiting saad ko at muling inamoy ang rose na hawak, buti na lang wala nang tinik.

"Shit! I thought——you scared the shit out of me, Sweetie."

Humahalakhak kong pinatong ang tatlong tangkay ng rose sa mesa bago ibaling ang paningin kay Luke. "I didn't do anything."

"Yeah. You didn't do anything." Puno ng sarkasmong wika niya.

Natawa naman ako. "Kinabahan ka, ano?"

"Shut up." Saway niya sa 'kin at itinulak ang pinggan na nilagyan niya ng kanin at ulam. "Kumain ka na."

"Hindi ka kakain?" Tanong ko ng makitang kape lang ang iniinom niya.

Sandali siyang napatigil sa pag-inom ng kape bago tumingin sa 'kin. "Kakain."

Pinanood ko lang siyang lagyan  ang plato niya ng kanin at ulam. Hindi niya naman kailangang pilitin ang sarili niyang kumain kung ayaw niya, eh. Hindi ko naman siya pipilitin. Alam kung sanay siyang hindi kumain ng kanin sa umaga, kape lang okay na sa kaniya, hindi katulad ko na sanay na kumain ng kanin sa umaga. Mabilis akong magutom, eh, at sumasakit ang tiyan ko kapag hindi ako kumain ng kanin sa umaga.

"Hindi mo naman ako kailangang sabayan sa pagkain kung napipilitan ka lang." Saad ko at seryoso siyang tiningnan.

Napatigil siya sa akmang pagsubo ng kanin at nalilito akong tiningnan. "What?"

"Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong kumain. Alam kung hindi ka sanay na kumain ng kanin sa umaga."

"What are you talking about? Hindi ako napipilitan lang, Sweetie." Seryosong tugon niya, hindi na natuloy ng pagsubo niya ng kanin. "Matagal na kitang sinasabayan, diba?"

Ngumuso ako. "Baka kasi napilitan ka lang kumain kasi-"

"Ang lawak talaga ng imahinasyon mo." Putol niya sa iba ko pang sasabihin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hey, Sweetie!" Mabilis akong napalingon ibaba ng terrace ng marinig ko ang boses na 'yon ni Theon.

Nakatayo siya sa labas ng gate ng isang bahay na katulad ng disenyo sa bahay ni Luke.

"That fucker." Nilingon ko si Luke ng marinig ko ang mahinang bulong niya. Masama siyang nakatingin kay Theon, kung nakakamatay lang ang sama ng tingin malamang kanina pa nakabulagta 'yang si Theon.

"Sweetie, laro tayo!" Awang ang labing nilingon ko si Theon na walang humpay na kumakaway sa amin ni Luke, at kung minsan ay tumatalon pa na parang batang excited. What the hell?

Laro? Ano siya bata?

"Ikaw na lang!" Sigaw na sagot ko para marinig niya, hindi na ako bata para maglaro.

Napatigil si Theon sa pagkaway at pagtatalon nang marinig niya ang sagot ko. "Ayaw mo?" Nagtatampong tanong niya, wala nang sigla ang boses.

Umiling ako. "Ayaw ko!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sinner 1: Luke YokimanWhere stories live. Discover now