Chapter 05

38 5 0
                                    

"Ano ba 'yan, hindi naman kami athlete pero required pa rin pumasok!"

"Manahimik ka na lang kasi, beb. Sa court nalang tayo, marami nang boys doon kasi magsisimula na!"

"Ano ba, ante! Pumasok para mag-man-hunting?"

Napangisi ako at sumang- ayon sa huling nagsalita.

Walang classes ngayon dahil magkakaropn lang ng tryouts para sa mga maglalaro sa paparating na Intramurals.

Tama nga naman. Kung wala lang din talaga akong kailangan ipasa sa isang subject ay hindi na ako pumasok.

Bumuntong-hininga ako matapos magsulat ng notes. Kung may maayos lang kasi na internet sa bahay, natapos ko na 'to! Ang kaso ay wala, kailangan pang lumabas kaya napag-isipan kong dito na lang tapusin.

Ayan tuloy, sayang ang ilang oras na tulog at kailangan kong ipagpalit sa pag-aaral.

"Announcement... to all students from Grade 7 to Grade 12, please proceed to the school's covered court for the tryouts for men's basketball." Rinig kong announcement ng speaker.

Kung hindi ako nagkakamali, 'yung kaibigan ni Rivera iyon, 'yung representative ng grade level namin. Kilala ko kahit hindi masyadong maingay, sobrang batak kasi, e. Palaging nasa stage.

"Hoy, tara na raw! Kung ayaw niyong puntahan kayo ng SSG dito sa classroom!"

Sumimangot ako sa narinig sa labas.

Oo nga pala, required. Ginulo ko ang buhok at sinuklay ito gamit ang kamay bago lumabas ng classroom kasi ako nalang ang natira. Balak ko kasing huwag na tumuloy, nandito naman na ako sa school, siguro p'wede na iyon.

"Hi, Miss Messy Hair!"

Bagsak ang balikat akong tumalikod at ginustong bumalik sa classroom nang marinig ang isang boses paglabas ng pinto. Kaso nga lang, naalala kong officer nga pala 'to, ayoko magkaroon ng sanction kung sakaling isumbong ako.

Tumatawa-tawa si Rivera nang makitang bumalik ako sa loob bago ako sinundan.

"Sungit mo naman, ganda." He winked.

Sumama agad ang tingin ko sa kanya.

"Joke na hindi naman joke," he chuckled. "Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ka siguro pupunta sa court, 'no? Hindi mo ba ako papanoorin?" Nagtatampo pa 'yung boses talaga.

Saka ko lang napansin 'yung suot niya, naka-jersey siya ng kulay green at white na mayroong logo ng school. Number 7. Nakasuot din ng sapatos na bagong-bago. Kahit tryouts pa lang, sobrang bago na tingnan ng mga gamit nito. Paano pa kaya kapag tournament na?

"Hindi, pumunta lang ako para sa attendance."

Umawang ang labi niya, may paghawak pa sa dibdib at offended tingnan. "Grabe! As if hindi mo 'ko inalagaan—"

"Gano'n ako sa lahat ng nagkakasakit!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Nakakainis. Bakit mainit ang paligid?

"Kung si Yorge ang nagkasakit, aalagaan mo rin?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi, ano ba kami ni Yorge?" Sagot ko pero nagsisi ako bakit 'yon ang sinabi ko. Ang ilang tuloy pakinggan kasi parang iba 'yung ibig kong sabihin.

Sumilay ang bilog sa gilid ng labi niya nang tuluyan siyang matawa. I rolled my eyes in annoyance.

"So, tayo, ano tayo? Inalagaan ko ako, ah?" Taas-baba ang kilay niya at malaki ang ngiti.

JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon