Chapter 10

16 5 0
                                    

Yorge Isaiah Ruiz
active now

Yorge: utang mo, oy

Kyce: ano?

Yorge sent a location.

Kumunot ang noo ko at bumangon mula sa pagkakahiga bago pindutin ang sinend na location ni Yorge. Nang mag-load ang link, lumabas ang location ng isang mall malapit sa school.

"Ano 'to?" Tanong ko sa sarili

Bago pa man ako makapagtanong ay may naisagot na si Yorge dahil nagpop-up ulit ang notification niya.

Yorge: may plano sana kami ni boss ngayon kaso may emergency rito sa bahay kaya u nalang

Kyce: Boss? Drug dealer ka ba

Yorge: tanginamo talaga HAHAHAHAHAHAHA HINDE

Yorge: si kl lang naman pero pwede na rin kasi mukha rin yong drug dealer e

Kung nasa harap ko siguro si Yorge ay binato ko na siya ng kung ano. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! Ang i-set up ako kay Rivera na parang mga tanga.

Yorge: hindi kita sini-set up kasi totoo yon

Nag-reply lang ako ng like at inilapag ang cellphone ko para sana magsimula nang magsulat ng notes. Nang akmang magsisimula na ako sa pag-aaral ay bigla ulit may nag-notify kaya hindi muna ako tumuloy.

Yorge: oks na ssob meet up kayo maya

Kumunot ang noo ko. Ano raw?

Kyce: ??

Tumaas ang kilay ko nang i-unsend niya iyon. Kaagad ko rin naman naintindihan kahit hindi siya nag-reply muli.

Kyce: Na-wrong send pa ang tanga

Hindi na ako ni-reply-an ni Yorge at hindi naman na ako nag-expect. May atraso na sa 'kin iyon, ang kapal naman ng mukha niyang i-set up ako kay Rivera? Ayos din, e.

"Ano ba'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko habang inilibot ang paningin sa isang sikat na jewelry store.

Pumunta ako sa sinend na location ni Yorge at nadatnan si Rivera sa isang bahagi na parang may hinihintay. He saw me, went towards me, and then here we are—shopping.

Sana ay nag-aral at nakinig nalang ako nang mabuti sa lesson nang may maisagot ako.

"Birthday kasi ng Ate natin, marami siyang gusto pero marami ring mga bagay na mayroon na siya. Hanap lang ako ng regalo na magugustuhan naman niya. Baka ayaw tanggapin, maldita pa naman 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit kami magkapatid, e. Mabait naman akong tao."

I raised an eyebrow. "Ate natin?"

He stopped looking at the rings that were displayed and looked at me suspiciously. "Sa lahat ng sinabi ko, 'yon talaga ipo-point out mo?"

I scoffed. Umikot ang mga mata ko at umiwas ng tingin sa kanya. Nakakahalina ang ganda ng bawat kwintas at singsing. "Duda rin ako sa mabait kang tao."

Rivera chuckled. "Totoo kaya! Kung makilala mo siguro si Ate tapos magtabi kayo, malilito ako kung sino ang pinaka-maldita, e."

Hindi ko na alam kung compliment ba 'yon o insulto, e. Masyado akong busy maghanap ng magandang jewelry para pansinin siya at hinayaan naman niya 'ko.

When something caught my eye, I immediately called Rivera who hurriedly went toward me to check out what I was pointing at.

JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon