"Ms. Ventura, are you listening?"
Kaagad akong napalingon nang tawagin ako nang guro namin sa Mathematics. Hindi naman sa hindi ako nakikinig, sadyang hindi ko lang talaga naiintindihan ang Sequences.
"Yes, Sir." Sagot ko kaagad bago nilingon si Yorge.
Tinaasan niya 'ko ng kilay, nagtatanong kaya pinanlakihan ko ng mga mata. He just shrugged.
"Very well then, among the set of numbers written in this tabular form, what are the examples of a sequence?"
Napalunok ako. Halos marinig ko na 'yung sound effect tuwing walang ingay ang isang cartoon movie dahil walang ni-isa ang nagsalita, hinihintay ang sagot ko.
Mabilis namang nagtaas ng kamay si Yorge. "I don't think Ms. Ventura is feeling well, Sir... the reason why she can't focus clearly. Can I answer the question on her behalf?"
Lihim akong napangisi ngunit agad din iyong naglaho dahil alam kong may kapalit iyon. Bahala na, basta hindi ako napahiya sa recitation!
Mukhang malakas naman si Yorge sa guro dahil pinayagan siya nito.
"The set of numbers 9, 18, 27, 36, is an example of a sequence. Because the differences between terms are formed according to some fixed rule or property." Wala man lang pause niyang sagot, dire-diretso.
Tumango-tango ang guro bago pinaupo si Yorge at nagpatuloy sa pagdi-discuss.
"Furthermore, a sequence is a succession of numbers in a specific or logical order. Each number in a sequence is called a term. The first and the last terms of the sequence are referred to as extremes. The terms between the first and the last terms are called means."
Nang magtama ang mga mata namin ni Yorge ay kumindat siya sa 'kin, dahilan para umismid ako at inikutan siya ng mga mata. Kung alam ko lang na walang kapalit, e 'di sana ay pinasalamatan ko pa.
Malakas talaga si Yorge sa mga guro, lalo na kay Sir Larezan at tinanong pa nga ako kung maayos ba ang pakiramdam ko nang malapit nang matapos ang oras ng klase.
"M-medyo nahihilo lang po, Ma'am," parang nanghihinang sagot ko dahilan para sekretong natatawa ang mga kaklase ko. Ngumuso ako dahil masyado silang obvious.
"You can proceed to the clinic after class, I will ask for an officer to accompany you. But I have to request that you should drop by the Faculty Office after you rest, Ms. Ventura."
"Uh, didiretso na lang po ako sa faculty, Sir." Kaagad kong bawi dahil nagmamadali pa naman akong tumulong kay Ate at wala akong panahon magtambay sa clinic para sa non-existent kong sakit.
"If you insist."
Nang mag-bell ay kaagad akong nagligpit ng mga gamit para lumabas, nang harangan ako ni Yorge sa bandang pintuan.
Umikot kaagad ang mga mata ko sa kanya, parang automated na reaction, e.
"Ano?"
"May utang ka sa 'kin," he said in a matter-of-fact voice while smirking.
"Sana hindi pera kasi wala akong balak magbayad," malditang sagot ko at nilagpasan siya.
Narinig ko ang halakhak niya na parang narinig din yata ng buong hallway. "Hindi naman pera! Serbisyong tapat mo lang!"
Kung p'wede lang sana mag-dirty finger ay ginawa ko na, pero tumango na lang ako at winagayway ang kamay.
"Chat ko nalang sa 'yo!" Pahabol niya pang sigaw.
Nang malapit na ako sa Faculty Office ay nadaan ko ang office ng mga SSG Officers, makatabi lang din kasi sila ng office ng faculty. Sakto pang lumabas siya roon at 'yung babae niyang kaibigan, 'yung tahimik and hindi 'yung isang maingay.
BINABASA MO ANG
JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]
Dla nastolatkówOpposites attract, Kalen Lake Rivera believes in that quote as he continues to pursue his undeniable attraction to his opposite, Kyce Louella Ventura. Kalen is a happy-go-lucky guy, and Kyce is not. Kyce is serious and formal, and Kalen is not. Kal...