"Hindi ka ba male-late niyan bukas?"
Umiling ako kay Ate at tinulungan siyang maglaba ng sandamakmak na damit na hindi ko alam kung saan galing. Ang mga damit kasi namin, kakatapos lang naming labhan.
S'yempre, alam kong kay Tita 'to. Pero hindi sa kanya, sa kutob ko ay nag-offer siya na ang mga maid niya na ang maglalaba sa kaibigan niya o kasamahan sa trabaho.
Alam kong ang sobra na no'n, na parang gagawin niya ang lahat para mahirapan kami ni Ate at para mapatunayan ang silbi namin. Pero hindi na nakakagulat dahil sanay na kami roon... 'yung hindi halos makapagpahinga para lang makatulong.
It's sad.
But that's the truth that we live in because we do not have any parent or guardian anymore.
Hindi ko naman sinisisi ang mga magulang namin na maaga silang namayapa, matagal ko nang tanggap 'yon, e. Minsan ay hindi ko lang talaga mapigilang itanong kung karapat-dapat ba naming pagbayaran ng ganito dahil sa pagkawala nila?
"Hindi naman," sagot ko kay Ate kahit hindi pa ako nakapag-review sa quiz bukas. May assignment din kami pero hindi ko pa nasasagutan dahil ito kaagad ang inasikaso ko pagka-uwi.
"Sigurado ka? Wala ka ring ibang gagawin?" Paninigurado pa niya.
Pinanood ko lang siyang naglalagay ng powdered detergent sa washing machine. Mabuti na nga lang at may gano'n dito sa bahay, kaso nga lang, minsan ay nagkakamay kami. Gusto kasi ni Tita na maayos ang pagkakalaba, e.
"Oo nga, 'tsaka wala." Sagot ko.
Hindi naman siya nagsalita pa at nagpatuloy. Nakakangalay sa braso dahil mabigat ang mga damit, kadalasan puro denim at leather, e. Saka may mga comforter pa.
Panay ang buntong-hininga at pagpipigil ko sa sarili na magdabog. Nakakainis kasi, wala man lang akong magawa kun'di ang sumunod.
"Huwag kang nakabusangot d'yan," komento ni Ate nang mapansin ako. Napatigil ako sa pagkuskos ng damit para mas lalong bumusangot sa kanya.
Tinawanan niya lang ako at sinubukan pang basain ako ng tubig na may sabon. Ginantihan ko rin siya kaya natatawa nalang naming tinapos.
Nang matapos ay pumasok na kami sa loob ng bahay at nadatnan si Tita na nagce-cellphone. Kung ano'ng ikinaluma ng phone ko ay ang pinaka-latest ng kanya. Wala siyang asawa o anak pero dahil maayos ang trabaho niya ay hindi siya nahihirapan sa buhay.
May dalawa rin siyang alipin, e.
Hindi ko na napigilang idagdag iyon.
Mabuti nga't nakapasok na kami sa kuwarto na wala na siyang iniutos.
Kaagad akong dumiretso sa bag ko at inilabas ang notebook ko. Napansin kong napatingin si Ate sa 'kin at alam kong napagtanto niyang may gagawin pa pala ako kaya sumama ang tingin niya sa 'kin.
I just chuckled and winked at her.
Bago ako makipagbakbakan sa mga school works ay nagbukas pa ako ng IG para ma-motivate. S'yempre, hindi naman ako gano'n ka outdated lalo na sa social media.
I even added a note, para clout lang.
klouiev: Walang katapusang school works.
Maya-maya lang ay may nag-notif sa phone kaya napakunot ang noo ko, lalo na nang mabasa iyon.
riverakl wants to send you a message.
Tumaas ang kilay ko.
"Hindi ko ba na-block sa IG 'to?"
BINABASA MO ANG
JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]
Teen FictionOpposites attract, Kalen Lake Rivera believes in that quote as he continues to pursue his undeniable attraction to his opposite, Kyce Louella Ventura. Kalen is a happy-go-lucky guy, and Kyce is not. Kyce is serious and formal, and Kalen is not. Kal...